Kabanata 6
AnnoyedNaglandas ang tingin ko sa hilera ng mga paperbag na nasa iba't ibang brand. Nasa kwarto ako at pinagmamasdan ang mga pasalubong ni Ryleigh sa akin.
Umuwi na rin si Freesia pagkatapos kong ipakilala kay Ryleigh. Nahiya ata kaya nagmadaling umuwi. Kaya ngayong mag-isa nalang ay saka ko lang nakita ang mga 'to sa loob ng silid.
Ryleigh is so thoughtful for buying these stuffs for me. Nakakahiya pero ayaw kong tanggihan. Magagamit ko naman sa paparating na pasukan. Isa pa, kailangan ko rin ng bagong damit.
I will remove some old clothes in my cabinet later. Itatapon ko na o kaya ay ipapamigay. Pinaglumaan naman na at hindi na kasya ang iba. That's a big help to others.
"How is it going, Syda?" Ryleigh from my behind spoke.
"The past few nights weren't okay. Pero umayos ang tulog ko kagabi," tugon ko nang 'di siya nililingon.
Lumapit ako sa kama kung nasaan ang mga pinamili ni Ryleigh. I opened one only to get astonished by the dress inside of it. Another flowy dress perfect for the greenish surroundings of Altaguirre.
Malabo man na makapamasyal pa ako bago tuluyang matapos ang bakasyon ay sigurado akong masusuot ko pa rin naman ang mga damit na 'to kahit pa dito lang sa loob ng mansyon.
Pwede rin namang isuot kapag magpapa-enrol na. Nga pala, sino ang kasama ko sa eskwelahan pag nag-umpisa na ang enrollment?
Doon ko naisipang tingnan si Ryleigh. Nakapamulsa itong nakatayo sa likod ko, hinihintay ang sunod ko pang sasabihin.
"Malapit na ang pasukan. Hindi pa ako nakakapag-enrol," humina na ang boses ko.
"Babalik din ako ng Davao bukas kaya hindi kita masasamahan. Nandito naman si Terrell kaya papasamahan kita sa kanya."
Napangiwi ako.
"Don't bother, Rai. Madalas na wala si Terrell dito. Malabong masahaman niya ako sa eskwelahan," giit ko.
His brows shut. Ngumuso ako bago ibinalik ang tingin sa mga paperbag.
"Does that mean he wasn't here last night?"
"Yup. Si Rayo ang kasama ko kagabi."
Bigla siyang natahimik. Inabala ko ang sarili sa pagbubukas ng mga pasalubong at paulit ulit na namamangha sa mga magagandang damit at bag sa loob.
This must cost a lot. Knowing that he is a Fidallego, I shouldn't be surprised of Ryleigh spoiling me with expensive stuffs. Wala lang 'to para sa kanya.
"Si Rayo nalang ang sasama sa'yo."
Sandali akong natigilan. What?
"No, thanks. Ayoko sa kanya, Rai. May practice din siya kasama ang kabanda kaya hindi siya pwede."
"Who told you that?" singit pa ng pamilyar na boses.
Sabay kaming napalingon ni Ryleigh sa may pinto kung saan prenteng nakahilig si Rayo sa hamba ng pinto.
I raised my brow. Umayos siya ng tayo saka lumapit sa amin. Hinarap niya ang pinsan.
"Medjo matagal ka ngayon sa Davao, ah?"
"May inaayos lang..."
Tumango si Rayo. Makahulugang tiningnan niya ako diretso sa mga mata.
"Ako na ang sasama sa'yo, Syda."
Ayoko man siyang kausapin ay hindi ko na napigilan ang pag-alma sa sinabi niya.
"No, thanks!" tanggi ko pa bago nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)
Romance(COMPLETED) The impulsive Sydelle Alona Alazora is the only heiress of both Saavedra and Alazora clan. She is supposed to be a respected, honored, and influential one in the town of Altaguirre. Pero bakit parang iba ang nangyayari? Imbes na gustuhin...