Kabanata 20

818 33 23
                                    


Kabanata 20
Like




Nandoon ako nung sinalubong ng pamilya ang mga Zalderial. Their arrival means a lot since Lucelence Zalderial will be here again. I miss that kid. Matagal na rin nung huli ko siyang nakita at nakasama. At tingin ko'y ganoon din siya sa akin.

"My love!" he exclaimed.

Hindi pa man nakakababa ng sasakyan na kakaparada lang ay umalingawngaw na ang maliit niyang boses. Napangiti ako at gumawa ng hakbang palapit sa kanya. Nagmadali siyang bumaba na halatang yayakapin ako.

Tatlong sasakyan pa ang pumasok sa gate. Parehong itim lahat. Lulan ng una sina Lucelence at Cozen na seryoso pa rin at napaka kalmado. Sa pangalawa ay iyong matatandang Zalderial. Ewan ko ba pero kinabahan ako sa pangatlo.

"I miss you, my love!" agaw ni Luence sa atensyon ko.

Bumaba ang tingin ko sa kanya. Tumingkayad siya para abutin ang aking pisngi. Ngumiti ako at yumuko para maabot niya.

"Did you miss me too?"

Tumango ako. "Of course! I miss your cuteness, Luence," at pinanggigilan ang kanyang pisngi.

"Ate Celeda..."

Napa-angat ako ng tingin. She's the old Zalderial. Sporting a white long-sleeved dress with a pencil cut skirt paired with a white stiletto, she looked classy. Idagdag pa ang istilo ng kanyang buhok na pinagparte sa gitna at nasa isang mababang bun, nagmukha siyang ma-awtoridad.

Sa likod nito ay isang matandang lalaki na hindi nalalayo sa edad ni Senyor Amivo. May sumunod sa kanila na dalawang batang lalaki. Siguro ay ang mga batang taga pagmana ng Zalderial clan.

Right! They are wealthy. Naalala ko nung sinampal ni Luence ng bank card ang babaeng nang-insulto sa akin. It was such a brave and great act, but a very insulting one.

"Rayo..." si Senyora pagkatapos ng maikling usapan nila nung babaeng Zalderial.

Rayo nodded at her as if he knows what his grandmother wanted him to do. Napaayos ako ng tayo nang magpang-abot ang aming tingin. Sandali lang iyon dahil agad din niyang binawi para balingan ang pamilyang nakababa na sa pangatlong sasakyan.

Sinundan ko siya ng tingin. Now I know why I suddenly got nervous about the third car. Sinalubong niya ang babaeng nakasuot pa ng itim na sunglasses. Kumikinang ang kanyang diamond earring at maging ang pearl necklace ay nagsusumigaw ng karangyaan. Hinagkan niya ito sa pisngi bilang pagbati.

"Pa," tawag ni Rayo sa lalaki.

Para akong nanlamig. Hindi ko alam kung bakit tila dumoble pa ang kaba ko ngayong tinapunan ako ng tingin nung babae. She slowly pulls her glasses down up to the bridge of her nose in a very graceful manner.

Nilunok ko ang nakabara sa lalamunan. Hindi magawang ngumiti dahil hindi ko naman sigurado kung ako nga ba ang sinipat niya. Maybe it's Terrell. Nasa likod ko siya at baka nakaharang ako sa kanilang dalawa.

They are Rayo's family. A family of respected and powerful ones. Tingin ko'y nakuha ni Rayo ang pagiging intimidating sa kanyang ina. His mother doesn't smile a lot. She observes like what Rayo did the first time I met him.

Tahimik na para bang ikakapahamak mo sa oras na magsalita sila. Tahimik at kalmado sa paraang ikakakaba mo.

"Kuya!" a little voice of a girl called for Rayo's attention.

Bumaling sa kanya ang Kuya. Nakangiting kinarga ni Rayo ang kapatid saka ito hinalikan sa pisngi. Nagkulitan sila saglit.

Sonder...

Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon