Kabanata 22
Proposal"Samahan mo naman ako, please? Ililibre naman kita pagkatapos. Samahan mo lang ako manuod."
Bumuntong hininga si Freesia na parang nawawalan na ng pasensya sa akin. Ngumuso ako para mas magmukhang convincing para sa pabor ko.
"Gusto kitang samahan, Syda...totoo. Pero kung gagawin ko 'yon, sinisira ko na ang mismong plano para makapag move on."
Bahagya akong lumayo sa kanya. Kinuha ko ang inumin at sumimsim. How can I pursue her to join me this Wednesday?
"Kahit ngayon lang labagin mo muna ang rules...plan...or whatever you have to move on. Huling sulyap nalang kay Chiko, o! Ayaw mo ba no'n?" pangungimbinsi ko pa.
She glared at me. Sa tingin niyang iyon ay alam ko na na wala talaga siyang balak na manuod sa performance ng The Clarion ngayong Miyerkules. At mukhang wala rin siyang plano na pagbigyan ako sa hiling ko.
I have been so stress about Rayo's performance for the college of engineering. Gusto kong pumunta ro'n para manuod kaso ay walang may gustong sumama sa akin. Sinubukan ko na kanina si Lovi pero hindi siya pwede dahil dadating ang lolo niya. Tinanggihan na rin ako ni Martin at sinabing may gagawin siya sa araw na 'yon. Si Freesia nalang talaga ang huling pag-asa ko. Considering that she's a big fan of Chiko, I was expecting her to be excited about it and join me. Nakalimutan kong nagmomove on nga pala siya!
Bigo akong pumasok sa classroom namin kasabay si Martin na abala sa nirereview niyang notes. Sa pagkakaalala ko ay wala naman kaming quiz sa kahit anong subject ngayon kaya hindi na ako nag-abalang buklatin ang notebook ko na pangalan lang din ang nakasulat. Atsaka pangalawang araw pa lang ngayon ng klase!
"Martin, ayaw mo ba talaga?" nanghihinang tanong ko nang maupo na.
Saglit siyang sumulyap sa akin bago muling binalikan ng mga mata ang notebook niya. He sat next to me. Tumitig ako sa kanya, naghihintay ng pagbabago sa kanyang sagot.
"Hindi talaga, Syda," aniya na lubos kong ipinanghina.
Siguro ay dapat na nga talaga akong sumuko na at huwag nang ipilit ang kagustuhan kong manuod!
"At kahit pa samahan kita, hindi rin tayo makakapasok. Bawal tayo ro'n. Walang event kaya hindi open gate," dagdag niya.
Humalukipkip ako at sumandal na sa backrest ng silya. Tama na nga siguro itong kahibangan ko. I just want to support him, cheer for his name and clap with the crowd. Iyon lang naman e pero mukhang ayaw ng mundo.
I wanted to think of any other excuse. Sa katunayan ay may naisip na ako. Sasabihin ko lang sa guard na kailangan kong puntahan ang kuya ko, importante lang talaga. O kaya naman ay magbabayad ng tuition ng kapatid ko.
Napangiwi ako. Tuition? Kakasimula pa lang ng klase! And the first excuse won't guarantee me anything. Malabo at malapit na sa imposible na tanggapin 'yon ng guard.
Rayo will perform. Ito ang unang beses na kakanta siya bilang boyfriend ko. I should be there, right? I should support my boyfriend. Kailangan kong sumigaw para sa kanya. Dapat nandoon ako sa dagat ng mga tao. Sigaw at palakpak ko dapat ang pinakamalakas. Natural, ako ang girlfriend, e.
Iniisip ko pa lang ang mga ginawa ko sa kanya noon ay unti unting nabubuhay ang kagustuhan kong manuod...kahit pa may kasama o wala. Iyon ang inabala ko sa mga oras na naglelecture ang teacher sa harap. Bumuo ako ng plano kung paano makakapasok sa university nang hindi nahuhuli ng guard. There's a way for sure.
"Sydelle Alona Alazora and Martin Calvo..."
Napakurap kurap ako, nawala sa kaninang iniisip nang tawagin ng teacher. Nakatingin sa amin ang mga kaklase na para bang hinihintay nila ang gagawin namin.
BINABASA MO ANG
Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)
Romance(COMPLETED) The impulsive Sydelle Alona Alazora is the only heiress of both Saavedra and Alazora clan. She is supposed to be a respected, honored, and influential one in the town of Altaguirre. Pero bakit parang iba ang nangyayari? Imbes na gustuhin...