Kabanata 19
BlessingIsiniksik ko ang sarili sa gilid ng parehabang upuan na gawa sa kawayan. Iniangat ang mga paa at sumandal sa armrest ng silya. Sa bahay na nila Freesia kami nagpalipas ng oras dahil tinatamad akong gumala sa kakahuyan at makisalamuha sa mga tao sa nayon.
Panay ang tukso ni Freesia sa akin habang pinapaliwanag kay Solovino ang lahat ng napapansing pagbabago sa akin. I rolled my eyes and hugged my knees.
"Nasa tabi ko pa siya nung ang banda pa lang ang nasa stage. Sumigaw siya para kay Rayo. Tapos nung lumabas na si Gwen bigla nalang umalis. Naglasing si Syda dahil lang may ka-duet si Rayo! Hindi naman siya maaapektuhan ng gano'n kung wala siyang gusto sa tao, 'di ba?" si Freesia sabay sulyap sa akin.
Pinandilatan ko siya. Tumikhim si Solovino at inayos ang kanyang salamin. Kahapon pa siya nakabalik ng Altaguirre matapos ang halos dalawang buwang bakasyon. Bukas ay sabay kaming tatlo sa eskwelahan para magpa-enrol.
"Hindi naman ako naglasing, Freesia! Uminom lang ako kasi nauhaw!" paulit ulit kong depensa.
Her eyes became slits as if I was being ridiculous!
"Bakit hindi tubig ang ininom mo? Tapos kasama mo pa si Martin. Iyong ex mo na halos isumpa mo na para lang layuan ka!"
"Because he was the only one available! Busy ka sa panunuod kaya hindi na kita inaya. And to think of it, I know you won't agree with me to drink. It's not your thing!"
"Pwede naman kitang samahan kung inaya mo lang ako. Kahit hindi na ako uminom, kahit ikaw nalang. Alam mo bang kinabahan ako ng husto nung nawala ka? Malalagot ako kay Rayo pag nagkataon!"
Bigla akong natahimik. Lumipad ang tingin ko kay Solovino na palipat lipat na ang tingin sa amin ni Freesia. He's confused too, I know. At ngayong wala akong masabi, mas lalo akong pinaulanan ng tukso ni Freesia.
She started pulling cards about her point in my case. Gaano ko man kagustong pabulaanan lahat ay nawalan na ako ng boses para makaimik. Sa paulit ulit na panunukso ni Freesia nakuha ko na ang gusto niya.
Gusto niyang manahimik ako at hayaan siya sa gustong isipin. Everytime she throws teases on me, she wants me to be quiet and to not react about it at all. Tama nga naman. Kung patuloy akong sasalungat sa mga sinasabi niya, mas lalo ko lang dinidepensahan ang sarili mula sa mga isyu niya which is not good at all.
Freesia knows me well. She knows me more than I know myself. Kasi kung sa normal na mga paratang na alam ko namang hindi totoo, hindi ako mangangamba ng ganito. Issues and teases that are not true don't bother me. Sanay na kasi sa mga ganun. Alam ko kung paano hawakan ang mga maling paratang ng mga tao sa akin.
I grew up handling people's teases. I ate issues for breakfast. At sa mga nagdaang panahon ay wala akong ginawa para kontrahin ang lahat ng 'yon. Wala...kahit pa gigil na gigil na akong pabulaanan.
Pero ngayon...ang hirap lang na kimkimin ang lahat ng mga paliwanag ko. Ayokong tanggapin ang mga paratang ng kaibigan dahil alam ko na kung ano ang totoo...
I know the whole truth cuz it is my feeling. But then it is me who keeps on denying about it.
Laking pasasalamat ko na isinarado ni Solovino ang usapan at humila ng panibagong topic. But it is still about Rayo!
"Usap usapan na sa bayan ang tungkol sa handaan sa mansyon para sa birthday ni Rayo," si Lovi na pilit iniiwasan ang mga mata ko.
Siguro ay natatakot siyang makita ang pag-alma ko tungkol sa usapin dahil inaakala niyang ayaw kong pag-usapan si Rayo.
BINABASA MO ANG
Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)
Romance(COMPLETED) The impulsive Sydelle Alona Alazora is the only heiress of both Saavedra and Alazora clan. She is supposed to be a respected, honored, and influential one in the town of Altaguirre. Pero bakit parang iba ang nangyayari? Imbes na gustuhin...