Chapter 03

505 30 0
                                    

"Wiz?" tawag ni Kianah sa'kin nang makaupo ako sa aking upuan. "Tingnan mo nga, may tagos ba ako?" sabay tayo niya at tumalikod para makita ko ang kanyang likuran.

Mabilis akong napailing. "Wala naman," saad ko kaya napahinga siya ng maluwag at agad na tumabi sa'kin.

"Nakakainis naman kasi eh bakit ngayon pa talaga ako nagkaroon ng dalaw. Maganda pa naman sana 'yong task natin sa P.E ngayon." mangiyak-ngiyak niyang saad kaya nagkibit balikat ako.

Oo nga pala, volleyball ang gagawin namin sa aming P.E ngayong araw na 'to pero hindi ako masaya at lalong hindi rin ako excited kasi hindi naman ako mahilig sa mga sports na 'yan.

"Bakit ganyan ka sa'kin? Hindi mo ba ako eko-comfort man lang dahil hindi ako makakasali sa inyo?"

"Bakit? Jowa ba kita?" tanong ko at napailing naman siya.

Hindi na ako ulit nakipag-usap kay Kianah matapos ang gano'ng usapan namin kanina. Busy rin naman kasi siya at gano'n din ako. Hanggang sa matapos ang klase namin sa Filipino ay tahimik lang ako dito sa aking upuan kagaya ng ginagawa ko parati dito sa loob ng classroom. Wala naman akong pakialam kahit mag-isa lang ako dito sa aking upuan at dito sa aking gilid. May cellphone naman ako at sapat na sa'kin na si Mago lang ang kumakausap sa'kin.

Nang tumunog na ang bell hudyat ng lunch break ay agad kong kinuha ang aking bag at dumiretso sa cafeteria. Hindi ako mag-isa dahil kasama ko si Kianah, inaamin ko naiinis na ako sakanya dahil palagi nalang siyang sumasabay sa'kin tuwing kakain ako at hanggang sa pagpunta ko sa library. Hindi ako sana'y na may kasama sa bawat pagkain ko. Lalo na ngayong naging matalas na sina Chloe laban sa'kin at ayaw kong masali si Kianah sa bagay na 'yon.

"Ito pinadala ni kuya Mago sa'yo hindi na 'to 'yong adobong baboy kagaya nung nakaraang araw, fried chicken na ngayon!" nakangiting saad ni Kianah nang buksan niya ang lunch box na pinadala ni Mago para sa'kin.

Nakakatuwa at nakakalambot sa puso ang ganitong bagay. Kahit simple ay talagang hindi ako nakakalimutan ni Mago. "Salamat." sagot ko sakanya.

"Huwag ka ng magpasalamat sa'kin kay kuya nalang, parang baliw 'to! Hindi naman ako ang may bigay niyan." ngiti niya sabay bukas sa kanyang naka-packed na pagkain. "..ang trabaho ko lang dito ay ang bantayan ka. 'Yon 'yong utos sa'kin ni kuya.. at, maliit na bagay lang naman para sa'kin ang utos na 'yon."

"Okay lang naman ako, 'di ko naman kailangan ng bantay."

"Sabihin mo ang bagay na 'yan kay kuya." ngiti niya sabay subo ng kanyang pagkain.

"Sabagay mahilig ka namang manapak kaya okay lang." biro ko sakanya at sinubo ang aking pagkain.

"Syempre! Para saan pa ang mga natutunan ko sa taekwondo kung hindi ko gagamitin... 'di ba?" taas noo niyang saad kaya napatango ako.

"Sabagay," simpleng sagot ko at agad naman kaming nauwi sa malakas na tawanan na naging dahilan ng pagtataka ng ibang estudyante.

Nahihiya man akong tumawa ng malakas pero kakaibang kasama 'tong si Kianah. Siya 'yong tipo ng taong walang pakialam sa sasabihin ng iba kaya feeling ko habang kasama ko siya ay nagiging katulad niya rin ako. Kahit labag sa kalooban ko at nakakahiya mang tumawa ng malakas ay hindi ko napigilan ang aking sarili. Napatakip nalang ako sa aking bibig habang patuloy parin sa pagtawa. Habang ginagawa ang bagay na 'to ay isa lang ang nasa isipan ko, masarap naman pala sa feeling ng makalabas ka sa sarili mong mga tali.

Pasahan ng bola sa magkabilang team ang naganap dito sa loob ng court. Napaka-init ng labanan, halos lahat sila ay talagang magagaling sa larangan ng larong volleyball. Sa sobrang pagkagaling nila ay nahihiya na tuloy akong pumasok sa loob ng court, ayaw ko kasing maging pabigat sa loob ng laro. Lalo na't,.. hindi naman talaga ako magaling.

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon