Chapter 13

402 23 0
                                    

Hapon na ng makauwi ako ng bahay. Pumunta pa kasi ako sa parke kanina para magpahangin hangin. Kailangan ko ring mag-relax gaya ng sinabi ni ate sa'kin para sa magiging kapakanan ng baby ko at para na rin sa'king sarili.

Matagal din akong naghihintay doon sa parke dahil may usapan kami ni Mago. Palinga-linga ako sa paligid habang hinihintay siya, pero ang pinagtataka ko ay hindi siya dumating at hindi niya ako sinipot. Hindi ko alam kung ano'ng dahilan niya kung bakit. At talagang hindi ko rin naman malalaman kung ano'ng nangyari sakanya dahil wala akong anumang bagay para pang-contact sakanya. Kaya iniisip ko nalang na siguro ay busy siya kaya hindi siya nakapunta sa usapan namin. Alam ko namang marami siyang ginagawa ngayon kaya naiintindihan ko.

Nang makapasok ako ng bahay ay agad na bumungad sa'kin si ate na ngayon ay sobrang busy sa mga ginagawa niyang mga papeles, hindi ko alam kung para sa school ba ang mga ginagawa niyang ito o para sa ibang bagay.

May isang envelope na umagaw sa aking atensyon kaya lumapit ako doon sa lamesa. Ang envelope na 'to ay katulad lang din ng envelope na nakita ko kahapon.

"Wiz!" agad kong binitawan ang aking napulot na envelope nang tawagin ako ni ate, pinigilan ko ang aking sarili at agad na lumingon sakanyang gawi. "Nagpa-check up ka ba?" tanong niya nang hindi nakatingin sa'kin.

Kahit hindi niya ako kita ay tumango ako sakanya bilang pagsagot.

Inilapag ko sa mesa ang aking dalang sling bag at dumiretso sa kusina. "Sa ob-gyn po ako galing, sinabi niya po ang lahat sa'kin, ang tungkol sa mga magiging kalagayan ko lalo na ngayong tatlong buwan na akong nagdadalang tao." saad ko kay ate habang inaayos ang aking mga gagamiting pinggan para paglagyan ko ng aking biniling mga kikiam.

"Nakakatampo ka naman oh, bakit hindi mo ako sinama?" nguso niya sa'kin kaya napatawa ako.

"Ate, kaya ko naman na pong mag-isa." sabay lingon ko sakanya. "Ate ha, naninibago na ako diyan sa mga sweetness mo, wala ka na atang bitterness na natitira sa'yong katawan." panunukso ko sakanya.

"Talaga? Sweet na ba ako sa'yo?" tumango ako sa aking ate sabay upo sa upuan at sumubo ng aking kikiam.

Hindi ko na kinulit si ate at nagpatuloy lang ako sa aking pagkain.

Bakit naman napakasarap ng kikiam na 'to? Ang lasa niya kapag isinawsaw sa mayonnaise ay dumoble pa sa sarap. Sinabihan nga ako ni ate na mas masarap daw kapag sa ketchup ko isasawsaw, alam ko naman 'yon pero iba ang hinahanap ng katawan kong pang-sawsaw ngayon eh. Ang dating hilig kong ketchup ay pinalitan ko na ng mayonnaise.

Sarap na sarap ako. Abot langit ang aking naramdaman matapos kong kainin ang kikiam. Napahinto ako sa aking pantasya nang makita ang kabuuang mukha ni ate. Ngayon ko lang napansin. Habang minamasdan si ate ay ramdam ko ang lungkot at bigat ng kanyang nararamdaman.

Nag-unat siya ng kanyang leeg kaya napangiti ako, sobrang sipag at bait ng ate ko. Aaminin kong minsan ay naiinggit ako sakanya pero naiintindihan ko na ngayon. Hindi dapat ako mainggit dahil ang lahat ng meron si ate ay gawa ng kanyang pagsisikap. Katulad ko rin ay sumabak din siya sa maraming paghihirap, kaya imbes na mainggit ako sakanya ay proud na proud ako. Hindi niya man nakikita 'yong proud mula sa'kin pero pinaparamdam ko naman sakanya ang bagay na'yon. Dahil alam kong mas importante at mas magandang iparamdam sa isang tao ang 'yong nararamdaman kaysa magpakita ka lang ng magpakita.

"Oh? Ano'ng kailangan mo? May kailangan ka ba?" tanong ni ate sa'kin nang makita akong nakatingin sakanya.

"Wala po," sagot ko. "Sa taas na po ako." paalam ko sakanya at tumango naman siya sa'kin. Pero bago ako umakyat sa taas ay inilapag ko muna sa lamesa ni ate ang aking kinuhang pagkain para sakanya.

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon