Epilogue

979 34 13
                                    

A/N: Bye to my PSMW characters */sobbing... I'm in so much pain rn, hope you will enjoy this epilogue. I just wanna say ily to my readers who have come this far and to my Wizzy, ily so much<333!
________

[2021]

"Good afternoon class," bati ng professor namin sa psychology nang makapasok siya sa loob ng aming classroom. "As promised, in your long journey, you have walked with your full fierce determination and goals in your heart on a spiky road yet this is it you survived! You'd survived the roaring roars and thunders of your professors, you'd survived the battlefield of blood and sweat over your projects and assignments. Over all, you class are harvesting your fruit of achievements, you are graduating in an hours left. And in behalf of all staffs and professors, I am so happy and I am giving you my warm congratulations that's never been hear before!" my professor clapped at gano'n din kami ng mga kaklase namin sabay tawa. 

Napabuntong hininga ako at napangiti ng malaki. Five years na ang lumipas simula nung nangyari ang lahat ng mga masasama at mga delobyo sa aking buhay at malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ko man lang inaasahan na mararating ko ang isang dulo na 'to, ang napakagandang dulo na 'to. 

"So as I promised yesterday I'll mention the names of students who will graduate with latin honors." kinakabahan ako... "BS Psychology students had cum laude and summa cum laude, and great, bago pa 'to sa degree niyong magkaroon ng summa cum laude.." saad ng professor kaya mas lalo pa akong kinabahan. "First is the cum laude, this latin honors belongs to Kia Sorento and Farrah Franklin." agad akong napahinga at pumalakpak matapos matawag ang mga pangalan ng aking mga kaklase. "Second is the summa cum laude, and this honors belong to Wizzy Salvanera!"

Hindi umimik. Matapos marinig ang pangalan ko ay agad akong nawalan ng ulirat. Hindi ako makapaniwala dahil napaka-imposible ng bagay na 'yon at napaka-imposible ring makakuha ako ng mataas na GPA lalo na't palagi akong pinag-iinitan ng aking mga professors kapag nasa klase kami. Hindi na ako nag-e-expect pa ng gano'ng bagay... pero bakit parang natatawa ako sa narinig ko ngayon lang. Ni hindi ko nga alam kung iiyak ba ako sa kasiyahan ko o sa kalungkutang joke lang pala 'yon.

"Miss Wizzy Salvanera," tawag ng professor namin sa'kin kaya naibalik ako sa reyalidad at napalingon sa kanya.

"Yes po prof," sabay tayo ko dahil nawala ako sa topic kanina. Nakakahiya nga dahil hindi ko man lang alam kung bakit ako tinawag ng prof namin ngayon. May tanong kaya siya sa'kin about sa naging GPA ko? Nanghihinala kaya siya? Dati pa akong may trust issues pero mas lumala ito ngayon.

Pero imbis na kabahan ako ay nagulat na lang ako nang sabay-sabay na pumalakpak ang aking mga kaklase sa'kin sabay sabi ng "congratulations!". Napailing ako. "Can I see my GPA this year po prof?" tanong ko at agad naman akong tumungo sa kanya ng tumango siya at kinuha ang kanyang inilahad sa papel sa'kin.

Gano'n na lang ang paglaki ng aking mata matapos makita ang malaking GPA na nakuha ko. "4.0?!" gulat ko sabay yuko nang makitang hindi nga ito joke at totoo nga! "Thank you po!" maligayang saad ko sa aking mga kaklase at agaran ding napayuko ako kay prof nang napalingon ako sa kanya. Ni hindi mawala sa mga labi ko ang aking mga malalaking ngiti.

Half day lang kami ngayon, busy ang lahat ng mga graduating students sa UST for our tomorrow's big event, hindi ko na tuloy maiwasang hindi ma-excite. Pero bago ako pumunta sa tailoring shop para kunin ang aking toga para bukas sa graduation ay huminto muna ako sa flower shop at bumili ng isang bouquet of flowers na white roses. Sininghot ko pa ito bago binayaran at agad ding umalis sa loob ng flower shop. Isinukbit ko ng maayos ang aking dalang bag at pumara ng pedicab para magpahatid sa graveyard doon sa Manila north cemetery.

"Anak," sabay lapag ko ng aking dalang bulaklak sa puntod ng aking anak at nagsindi ng kandila para sa kanya.

Willow Salvanera Rodriguez
January 2, 2017 — January 9, 2017

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon