Chapter 12

414 26 0
                                    

Hawak-hawak ni Mago ang aking kamay habang papauwi kami ng bahay. Nakasakay kami ngayon sa isang pedicab, gustohin ko mang huwag na niya akong ihatid pero matigas siya kaya kalaunan ay umo-o na rin ako. Sinabi ko rin sakanya na nasa ate ko ako ngayon nakatira, hindi ko sinabi ang totoong rason dahil alam kong mag-aalala lang siya sa'kin at ayaw kong mangyari 'yon. Kaya mas pinili ko nalang na mag-sekreto sakanya, dahil alam ko namang magiging okay rin kami ng mga magulang ko.

"Bumibisita naman 'yong mga magulang mo dito 'di ba?" biglaang tanong ni Mago sa'kin kaya napatingin ako sakanya. Mahigpit akong napahawak sakanyang kamay kaya nagtaka siya. "Okay ka lang ba?"

Mabilis akong tumango. "Okay lang. Bumibisita naman sila mama sa'min kaya huwag kang mag-alala." ngiti ko sakanya at agad na nag-iwas ng tingin.

Matagal tagal na rin ng pinalayas ako sa bahay. Miss na miss ko na si mama, kung umiinom pa ba siya ng gamot niya o kung si papa ba ay umaaray pa rin ang tuhod niya. Gusto ko na ulit silang alagaan, dahil sure akong walang nag-aalaga sakanila ngayon. Pero agad din na nawaglit ang aking panunumbalik sakanila nang maisip ang ginawa nilang pang-aabuso sa'kin. Masakit ang pangyayaring 'yon at hindi ko alam kung maaalis pa ba 'yon sa isip at puso ko.

Payapa ang naging biyahe namin. Maayos kaming nahatid ng driver patungo sa bahay ni ate. Nasa isang subdivision kami naninirahan ni ate kaya maayos ang kalalagyan namin dito. Hindi narin kami katulad ng dati na sa hanggang simbahan lang ako pwedeng ihatid ni Mago, ngayon ay hanggang sa tapat na ng bahay  namin. Kaya kay sayang isipin.

Nakangiti akong bumaba ng sasakyan at gano'n din si Mago. "Mag-iingat ka!" sambit ko sakanya at tumango naman siya sa'kin.

"Mahal kita Wiz!" sabay halik niya sa noo ko kaya napangiti ako ng malaki. "Ibibigay ko sa'yo 'yong isang trophy ko ngayong Lunes dahil para sa'yo naman talaga 'yon." nguso niya.

"Hindi na kailangan Go."

"Alam mo, nagtatampo na ako sa'yo. Hindi mo na ako tinatawag na Go simula nung mga nakaraang linggo pa, ayaw mo ng kumain ng kikiam na kasama ako at tsaka hindi ka na proud sa'kin," nguso niya kaya napayuko ako. "..pero okay lang Wiz! Mahal pa rin naman kita!" sabay kurot niya sa ilong ko.

"Osya, baka gabihin ka, umulan na naman ng malakas at mabasa ka. Mahirap pa namang magkasakit ngayon."

"Malakas ako oh!" taas noo niyang saad kaya nahampas ko ang kanyang braso. Gano'n nalang ang mabilis kong pagkagulat nang umaray siya sa sakit. "Pasensiya ka na. Hindi na pala ako malakas." ngiti niya sa'kin dahilan nang paghawi ng aking malalaking ngiti.

Nanatili ang tingin ko sa kanyang braso. Gusto ko siyang kausapin kung ano'ng nangyari sakanya. Gusto kong hawiin ang kanyang damit para makita kung ano'ng nangyari doon. Napuno ng libong tanong ang aking isipan.

"Ano'ng nangyari?" hindi ko inaasahan na natanong ko siya ng gano'n. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang nasabi ko sakanya! Sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob, hindi katulad ng dati.

Mabilis siyang umiling at kinuha ang aking kamay. "Wala 'to. Nabangga lang ako sa pader ng bahay kaya masakit." Kahit hindi ako kumbinsido ay tumango ako sakanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sakanya. "Hali ka dito.." sabay yakap niya sa'kin. "Huwag kang mag-alala sa'kin, okay lang naman ako Wiz."

Napalunok ako. Sumubsob ako sa kanyang dibdib at tiningnan ng mariin ang kanyang braso. Itinaas ko ang aking kamay at hinawi ng dahan-dahan kanyang sleeve. Gano'n nalang ang pagkagulat ko nang makita ang isang pasa. Hindi ko alam kung malaki ba ito o hindi dahil hindi ko naman nakita ang kabuuang pasa niya dahil baka maramdaman ni Mago ang pag-angat ko ng kanyang sleeve at baka magalit pa siya sa'kin.

Sa mga oras na 'to ay nasa isang tao lang ang aking isipan na alam kong may gawa ng bagay na 'yon kay Mago.

"Mag-iingat ka!" kaway ko kay Mago nang makasakay siya sa pedicab na sinasakyan niya.

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon