Chapter 04

489 29 0
                                    

"Ang tagal mo naman diyan?" tawag ni ate sa'kin mula sa labas.

Kasalukuyang nasa loob ako ng banyo, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa mga oras na 'to. Ni hindi ko kayang umalis ng bahay dahil iba na ang iniisip ko simula kanina nang matapos kong mabilang ang mga araw na nasa aming kalendaryo. Ang araw na hindi ko inaakalang magiging imposible. Napuno ng katanungan ang aking isipan, hindi ko kayang tingnan ang aking sariling mukha sa harap ng salamin dahil nahihiya ako. Nabalot ng kaba ang aking buong pagkatao dahil lang sa isang bagay. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to.

Napaupo ako sa sahig ng aming banyo at agad na napasabunot sa aking buhok. Gusto kong magwala at lalong gusto ko ng mawala sa mundong 'to. Napayuko ako at agad na napahawak sa aking dibdib, malakas ang bawat pagkabog nito. Ang bawat pagtibok ng aking puso ay may pinahihiwatig at pinaparating na isang bagay, ngunit ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam kung ano ang bagay na ito dahil naguguluhan talaga ako.

"Wiz nandiyan ka pa ba!" doon lang ako natauhan nang bigla kong narinig ulit ang sigaw ni ate sa'kin mula sa labas. "Wizzy! Ano bang nangyayari diyan!" malakas na sigaw niya.

Napailing ako. Kahit hindi kita ni ate ang gawang pag-iling ko ay nagpatuloy parin ako. "Ate, mauna ka na po, susunod nalang ako." sagot ko sakanya.

"Hindi pwede kitang iwan bruha ka ba! Alam kong may ibang nangyayari diyan sa loob! Buksan mo na 'to! Bakit ano ba 'yan ha!?"

"Wala nga ate," pilit kong pinakalma ang aking sarili dahil alam kong sa mga oras na 'to ay pwede akong bumigay. "Ate please, please..." saad ko.

"Pero Wiz-"

"Sige na po ate.." sagot ko sakanya at umo-o naman si ate sa'kin. Alam kong masakit sa kalooban ng ate kong iwan ako dito sa bahay pero 'yon ang gusto ko at alam kong maiintindihan niya rin ako.

Gusto ko munang mag-isa ngayon dito sa bahay dahil naguguluhan parin talaga ako sa naging sitwasyon ko lalo na't hindi ko inaasahan na mangyayari pala ang mga bagay na 'to sa'kin. At, nagbabakasakali rin ako na sa pamamagitan ng pag-iisa ko ngayon ay mahanap ko ang sagot sa lahat ng katanungan sa isipan ko, at para hindi narin ako maguluhan ng ganito.

Napatayo ako at agad na napahawak sa pintuan ng banyo. Kahit hindi ko kayang makita ang bagay na 'yon ay pinilit ko ang aking sarili at dumiretso sa aking bag. Napapikit nalang ako matapos makuha ang PT na binigay sa'kin ni nurse Tan kahapon. Napabuntong hininga ako at agad na naglakad pabalik sa banyo. Habang papasok ng banyo ay gano'n nalang ang mabilis na pagtulo ng aking mga mabibigat na mga luha. Hindi ko alam kung bakit ako biglang umiyak wala naman akong nakikitang rason pero bakit ganito?

Hindi ko nakalimutan 'yong sinabi sa'kin ni nurse Tan kahapon, ensaktong unang ihi ko ito sa umaga kaya kinakabahan nalang ako ng sobra.

Matapos kong makakuha ng ihi gamit ang dropper ay agad kong naibaba ang PT sa sink. Hindi ko kaya, hindi ko kayang makita ang magiging resulta nito.

5seconds after.. Agad akong napatakip sa aking bibig nang makita ang naging resulta ng test.

Hindi ako pumasok ngayong araw. Wala ako sa mood para pumasok ng paaralan at lalong wala ako sa mood para makipaghalubilo sa mga tao.

"Ang aga mo naman ata ngayon?" tanong ni papa sa'kin nang makauwi siya galing biyahe.

"Maaga po kaming pinauwi ni ate pa."

"Baka nagcut-"

"Tama na 'yan Wilbert!" paghinto ni mama sakanya kaya napatingin ng masama si papa sa'kin.

Gano'n ang naging tagpo namin sa bahay. Matapos kaming kumain ng hapunan ay agad naman na umalis si papa at nagtungo sa kanyang kwarto para matulog. Si mama naman ay nasa sala binibilang niya ang kanyang kita kanina. At ako naman ay tulala habang naghuhugas ng pinggan.

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon