Chapter 27

522 27 0
                                    

"Oxygen-rich blood is deep red and causes your skin in normal color. Under-oxygenated blood is bluer and causes your skin to look bluish purple. And, ang anak mo ay may inadequate oxygen levels in her blood that causes her skin to turn bluish. This skin discoloration is also known as cyanosis." panimula ng doctor. Agad naman na bumalot sa aking mukha ang pagtataka dahil hindi ko alam kung ano itong cyanosis, sobrang bago nito sa pandinig ko, kaya hindi ko maiwasang hindi magtanong pa tungkol dito.

"Mostly, cyanosis can affect your fingers, toes, and nails, earlobes, mucous membranes, lips and skin. And sa kaso ng anak mo, the bluish skin was found sa kanyang lips. This bluish coloring is more common in newborns as their skin learns to adjust to the environment and especially your daughter is a preterm baby. And dahil sa, your baby ay may underdeveloped lungs due to she's only 28 weeks old kaya hindi maiiwasang magkaroon siya ng cyanosis." dagdag niya pa kaya mahigpit kong nakuyom ang aking kamao.

Mas nanginig pa lalo ang buong bahagi ng aking katawan nang may inilabas na mga papeles ang doctor at inilahad sa'kin.

"Na kompleto na namin ang lahat ng test sa bata, the CBC (complete blood count), as well as the measuring of level of her oxygen in her blood (pulse oximetry), and the complete X-rays of her chest." saad niya sa'kin habang inilipat-lipat sa kabilang pahina ang mga papeles. "And basing to it, your daughter has central cyanosis. There's low overall oxygen available to her body, often due to low oxygen state. We checked her concentrations of hemoglobin count and there we found out that her hemoglobin count reaches only 4 grams per deciliter and that causes her to occur central cyanosis."

Napapikit ako dahil sa aking narinig. Sobrang baba nga ng hemoglobin ng aking anak dahil sobrang layo ng hemoglobin niya kaysa sa normal na hemoglobin na 14 to 24 grams per deciliter sa mga neonatal babies na dapat ay mayroon siya.

"P-pero doc, magiging okay naman po ang anak ko 'di ba? Magagamot naman po siya hindi ba po doc?" sunod-sunod na tanong ko sa doctor habang hawak ang mga papeles na bigay niya sa'kin kanina.

Napatitig ng ilang segundo sa'kin ang doctor bago ako sinagot at nagsalita. "Tatapatin na po kita, most often, cyanosis is a symptom of a serious health condition. Cyanosis can also be the result of a worsening health condition, or develop gradually due to a chronic or long-term health condition." saad ng doctor kaya napatakip ako ng aking bibig dahil sa gulat. "Over all, this condition will become life-threatening. It can lead to respiratory failure, heart failure, and even death, if left untreated." saad ng doctor na naging dahilan ng pagbagsak ng aking mga luha.

Hindi ako makapagsalita, parang nabulol at nabuhol ang aking dila sa mga oras na 'to. Ni hindi ko alam kung ano'ng e-re-react ko sa mga sinabi niya.

Napahagulhol ako at nginig na pinagpagan ang aking mga kamay na ngayon ay malamig na malamig na nasa ilalim ng lamesa at agad na humawak sa kamay ng doctor na ngayon ay may hawak ng ballpen. Nagpatuloy lang sa pagtulo ang aking mga luha sa aking magkabilang pisngi habang nakatitig sa kanyang mga mata at agad na nagsusumamo.

"P-pagalingin n-niyo po ang a-anak ko doc..." sabay yuko ko. "S-sobrang bata pa po ng anak ko para dito." dagdag ko pa.

"Gagawin ko ang lahat para sa anak mo Wiz, kaya huwag kang mag-aalala. Gagawa at gagawa tayo ng paraan." rinig kong saad ng doctor kaya dahan-dahan akong napatango.

.

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa gilid at habang pinagmamasdan ang aking mahimbing na natutulog na anak. Hindi ko kayang tingnan siya kaya napayuko na lang ako. Pinagsiklop ko ang aking dalawang kamay at walang kahit anumang boses ang aking inilabas habang umiiyak.

"P-panginoon," utal kong tawag sa kanya sa gitna ng aking pag-iyak. "Alam ko pong napakalaki ng kasalanan ko sa'yo, alam kong kahit ilang boslo pa ng diyamante ang ialay ko sa inyo ay hindi mababayaran nu'n ang nagawang kasalanan ko. Pero heto po ako ngayon, nananalangin, sumasamo, inaalay ang aking sarili para manghingi ng kapatawaran mula sa inyo. Alam kong makapal na makapal ang aking mukha para gawin 'yon ay gagawin ko pa rin. Sana po ay mapatawad niyo na po ako, sana po ay mapatawad niyo ako sa lahat ng nagawa ko mula noon hanggang ngayon. Sana po ay huwag niyo po akong papabayaan sa kabila ng mga naging kasalanan ko—sa aking sarili, sa aking pamilya, at sa aking anak. At sana din po ay tulungan ninyo akong magpatuloy at bigyan niyo pa po ako ng lakas ng loob, d-dahil hindi ko na po kaya eh. Nahihirapan na po ako sa lahat-lahat ng mga nangyayari sa'kin. Nahihirapan na po akong masaktan ng paulit-ulit. Pagod na po akong humagulhol at umiyak, gusto ko na pong tumawa at ngumiti ng malaki pero paano ko po gagawin ang bagay na 'yon kung nasa malubhang sitwasyon ang aking anak?" paghinto ko at humikbi.

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon