Chapter 23

425 27 4
                                    

"Sige. Push!" rinig kong utos ng nurse-midwife sa'kin na agad ko namang sinunod, pero kahit ano'ng ere pa ang gawin ko ay hindi ko talaga kaya. Nahihirapan ako, at natatakot rin ako na baka ay hindi ko mailabas ang aking anak ng maayos.

"Sige Wizzy, malapit na. Ere pa! Push!" ulit na tugon ng nurse-midwife kaya napa-ere ako hanggang sa kaya ko.

"Ahhhh....." sabay ng malalim na ere ko ay ang paghawak ko ng mahigpit sa hospital bed, wala na akong pakialam kung masira ko pa ito dahil ngayon sa mga oras na 'to ay isa nalang ang iniisip ko at ito ay ang malabas ng maayos ang aking anak mula sa aking sinapupunan.

"Sige!" rinig ko ulit ng nurse-midwife. Napahinga ulit ako ng malalim at sabay ere.

Sa bawat paghinga ko ng malalim ay sinusundan naman ito ng aking pag-ere. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng aking magkabilang kamay dahil sa kaba pero hindi ko ito pinansin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero kahit ano'ng pilit ko mang huwag maramdaman ang kaba, puso ko mismo ang kusang nasusunod at ang tumitibok. Pilit din akong pinapatahan at pinapakalman ni ate na ngayon ay nasa aking gilid sa pamamagitan ng paghaplos ng aking kamay pero wala naman itong epekto sa'kin.

Ramdam ko rin ang mga malalaking luha at pawis kong nagsilabasan pero pinili kong pabagsakin nalang ang mga ito, huwag punasan at nagpatuloy sa aking pag-ere.

"Isa nalang Wiz! Sige!" hindi ko alam pero nang marinig ko ang isang sigaw na 'yon ay mas nabuhayan ako, ang dating kaba na dinadala ko dito sa aking dibdib ay biglang napalitan ng saya at excitement sa hindi ko alam na dahilan. Dahil ba excited akong makita ang anak ko? O dahil ba masaya ako dahil sa wakas ay makakasama ko na rin dito sa mundo at dito sa tabi ko ang aking anak?

Hindi ko alam kung ano ang tumpak na dahilan pero kapag mangyari mang makalabas na sa aking sinapupunan ang aking anak ay marami akong gagawing mga bagay sa kanya, mga bagay na kailanman ay hindi ko naranasan sa aking mga magulang noon na alam kung magugustuhan ng magiging anak ko.

Hahawakan ko palagi ang kamay niya kung maglalakad kami, kung papasok siya sa school, kung uuwi siya ng bahay at kung tatawid man siya ng kalsada. Yayakapin ko siya ng mahigpit kapag malamig ang panahon, kapag malungkot siya at kapag may pinagdadaanan siya. Lulutuan ko siya ng mga paborito niyang mga pagkain at pagkatapos ay sabay namin 'yong kakainin. Sabay kaming tatawa kapag may nakakatawang mga palabas at sabay din kaming iiyak kapag nasasaktan ang isa sa'min. Sabay kami sa lahat ng mga bagay na gagawin niya at sa mga bagay na gagawin ko para sa kanya. At sisiguraduhin kong magiging unang priority ko siya kaysa sa iba.

"Ahhh..." isang mahabang ere ko. Napapikit ako at napasinghap ng maramdaman kong lumabas na nga ang lahat ng aking laman. "Thank you, Lord." bulong ko sa aking isipan.

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa mga oras na 'to at hindi ko rin alam kung ano'ng gagawin ko sa mga oras na 'to, sobrang saya ko. Ang ganitong pakiramdam ay banyaga pa sa'kin dahil ngayon ko pa lang ito naramdaman sa tanang buhay ko, kakaiba siya sa puso at nakakaiyak. Lalo na ng marinig ko ang mahinang pag-iyak ng aking munting paslit, at sa pag-iyak niyang 'yon ay nawala lahat ng sakit—ang mga sakit na naramdaman ko.

Ramdam kong hinawakan ng mahigpit ni ate ang aking kamay kaya napangiti ako at gumanti ng hawak sa kanya. "Babae siya." nakangiting sagot ng aking ate kaya napaiyak ako.

Napangiti na lang ako dahil sa naisip ko, ang una kong munting huling—ang isa sa mga pangarap ko ay naibigay na rin sa'kin.

Magsasalita pa sana ako ng biglang nanlabo ang aking paningin. Ang paligid ko dati na maganda sa aking paningin ay ngayon ay umiikot na—na para bang sa mga oras na 'to ay tataob na ang mundo. Hindi ko maipaliwanag kung ano itong nararamdaman ko ngayon. Nahihilo ako at nawawalan ng lakas.

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon