Chapter 10

474 27 2
                                    

...

Napangiti si Kianah sa babae at bumaling sa'kin. "Iwan ko muna kayo Wiz." sabay tinapik niya sa aking balikat.

Kita ko ang pagngiti ng malaki nung babae sa'kin kaya ngumiti rin ako sakanya. "Ang ganda mo pala talagang bata hija." Hindi ako umimik sakanya at pinatili lang ang ngiti sa aking labi. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya na naging dahilan ng kaba ko.

Habang dinama-dama ko ang aking kaba sa aking dibdib ay malalim akong tumingin sakanya, hindi ko mapigilang hindi isipin si Mago. Magkahawig kasi sila, hindi ko alam pero nakikita ko si Mago sakanya lalo na kapag ngumingiti siya. "Sige po."

Inalalayan lang ako ng babae hanggang sa makasakay ako sakanyang maganda at kulay itim na sasakyan. Kinakabahan ako pero hindi ko pinapakita sakanya.

May iginawad siyang cue sa kanyang driver at pinaandar naman kaagad ang sasakyan. Matagal ang naging biyahe namin, nang naihinto ang sasakyan ay agad na lumaki ang aking mata nang makitang nasa labas kami ng isang mamahaling restaurant. At hindi ako nagkakamaling sa pamilya nila Mago ang malaki at sikat na restaurant na 'to. Minsan niya na rin akong dinala dito, pero... ang minsang araw na 'yon ay hindi na rin nasundan.

"Hija, order what you want." ngiti ng babae sa'kin. "Ano bang gusto mo?" dagdag niya.

Napatitig lang ako sakanya. "Okay lang po naman ako."

"U-uhh.. Hindi pa ako gayong nagpakilala sa'yo, ako nga pala si Lhaiaz Rodriguez, I am Mago's mother." abot tenga ang aking ngiti nang marinig ang sinabi ng mama ni Mago. Hindi ko inaakala ang araw na 'to! Hindi ko ma-explain kung ano itong nararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako, masayang masaya ako ngayon dahil sa wakas ay na-meet ko na rin ang mama ni Mago.

"Nice to meet you po!" inilahad ko ang aking kanang kamay sakanya at inabot niya rin naman kaagad ito.

"Ikinagagalak ko ring makita ka." sobrang formal ng pagbati ng mama niya sa'kin kaya napangiti ako. "Palangiti ka pala, mali pala ang naging unang impression ko sa'yo." pagtawa niya kaya napatango ako.

"Gano'n naman talaga po talaga kapag unang impression." sagot ko sakanya.

"Tama ka. Alam mo bang palagi kang kinukwento ng anak ko sa'kin... ang ganda lang pakinggan na ang sobrang saya ng anak ko sa'yo." ngiti niya at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. "By the way, kamusta nga pala kayong dalawa ni Mago?" tanong niya.

Nahawi ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at ngumiti. "Okay lang naman po kami." ngiti ko.

Tumango muna siya sa'kin bago nagsalita ulit. "Maraming nangyari at sigurado akong marami pang pwedeng mangyari." biglang saad niya nang hindi tumitingin sa'kin.

"Po?" kinakabahang saad ko.

Alam ko namang marami ng mga nangyaring bagay at mas lalong marami pang bagay ang pwedeng mangyari. Pero hindi ko alam kung ang sinasabi ba ng mama ni Mago ay may kinalaman sa'min ng anak niya o wala.

"Kilala mo ba si Hazel hija?" napako ako sa aking kinauupuan nang marinig ang pangalan ni Hazel. Bakit kilala siya ng mama ni Mago? Syempre, matalik na kaibigan ni Mago 'yong babae kaya ano pa bang ipinagtataka ko.

Tumango ako at ngumiti. "Kaibigan po siya ni Mago. Wala naman pon—" putol ko nang magsalita ulit ang mama ni Mago.

"I'm so sorry Wizzy. Hindi dapat 'to nangyari sa inyo ng anak ko." panimula niya at umiling lang naman ako. Ano'ng nangyari? Hindi ko alam. "This is all my fault. Akala ko rin nung una na si M-mago ang ama ng dinadala ni Hazel. Nakalimutan kita, nakalimutan kita Wizzy. I'm so sorry.." dagdag niya.

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon