Prologue

1.8K 55 10
                                    

Hindi ako mapalagay, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa mga oras na 'to. Aligaga ako, tumatakbo sa kalawakan ang aking isipan at hindi mapalagay ang aking katawan dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Mahigpit akong napahawak sa aking ballpen habang tinatanaw ang malawak na ground sa labas ng bintana mula dito sa kinauupuan ko loob ng aming classroom.

Matagal na naming ginagawa ang bagay na 'yon, inaamin ko na sobrang bata ko pa para sa bagay na ganito at gano'n pero hindi ko napigilan ang aking sarili noong araw na 'yon at sa mga oras na 'yon. Hindi ko rin alam pero puno ng init at halos init ang nadama ng aking katawan ng mga oras na 'yon lalo na't boyfriend ko ang kasama ko.

"Tama ba 'to?" tanong ko kay Mago, ang boyfriend ko.

"Wala namang masama dito, mag-jowa naman tayo at mahal naman natin ang isa't-isa." sagot niya kaya napangiti ako.

Buo ang tiwala ko sa nobyo ko as in solid. Two years na kaming mag-jowa kaya alam kong okay na 'to sa'min, okay. He's 17 while I am 16. Noong 1st anniversary namin 'yon ang unang araw na ginawa namin ang bagay na 'yon, gumamit kami ng protection dahil 15 palang ako noon. Hanggang sa nahiligan namin ang bagay ito, palagi? Hindi naman palagi pero gumagawa kami ng ganito sa likod ng library dito sa paaralan. Minsan naman ay sa bodega ng campus. Wala namang nakakakita sa'min, siguro swerte lang. Hindi narin kasi kami makaka-alis dito sa loob ng paaralan kapag makapasok na kami dahil bantay sarado ang gate ng school.

Mabuti, mabait at maaasahan si Mago, consistent honor student siya kaya sure akong alam niya ang mga bagay na nagawa namin, simula nung una palang.

Pero habang iniisip ang bagay na 'yon, 'yong nangyari sa'min noong nakaraang araw ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ito bago sa'ming mag-jowa pero bakit ganito ang takbo ng isip at dugo ko? Hindi ako mapakali simula noong nakaraang araw pa matapos ang bagay na nagawa namin.

"Bakit po nagse-sex ang mga tao ma'am?" agad akong napalingon sa aming health teacher namin matapos marinig ang tanong ng aking kaklase.

Health ang last subject namin sa hapon. Grade 10 students kami kaya ang ganitong bagay ay seryoso na sa'min, hindi na kami natatawa katulad ng ibang estudyante kapag itinuturo ito sa'min ng health teacher namin na si ma'am Wilma.

"One? Two? Twenty? How about 200+?" panimula ni ma'am Wilma kaya napatawa ang lahat. "...maraming rason kung bakit ang dalawang tao ay nagse-sex." dagdag niya.

Ramdam ko ang mabilis na pagdaloy ng aking dugo sa aking mga ugat habang nakatingin sa aming guro.

"A 2010 Sexuality & Culture review of sex motivation studies states that people are offering "far more reasons for choosing to engage in sexual activity than in former times." And guess what?.., couples and people who are in love are doing it more often." napatango ang aking mga kaklase habang nakikinig, ang iba naman ay nagsusulat ng mga importanteng bagay sa kani-kanilang mga kuwaderno maliban sa'kin.

"Ma'am bakit po gano'n?" tanong ng isang kaklase ko.

Hindi ako umimik at nanatili lang ang aking tingin kay ma'am Wilma.

"Ito ang mga rason base sa historical assumptions. First, they engaged in sex to make babies. Second, to feel good. And third, it's because they're in love." yuyuko sana ako nang biglang nagtanong ang guro namin sa amin. "Sino dito ang in love? Anyone? Meron ba?" sabay lingon niya sa magkabilang gilid pabalik-balik.

"Wala po ma'am!" sagot ng katabi ko kaya napangiti ako sakanya. "May crush lang po pero malabong maging kami." nguso niya kaya napatawa ang buong klase.

Napatango si ma'am Wilma sabay ngiti bago nagsalita ulit. "Class, out of the reasons I gave a while ago, there is only one true reason why people seek sex."

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon