Chapter 28

664 27 7
                                    

A/N: Achuchu! Nakakaiyak! Nasa last chapter na po tayo! Hope you enjoy, mwah!

_____

Kaagad kong pinunasan ang aking mga malalaking luha at agaran na tinakbo ang daan papunta sa baba ng floor ng hospital. Dahil sa pagmamadali ko ay muntik pa sana akong matumba at mahulog sa hagdanan mabuti na lang at agad din akong nakabawi ng tayo at nakahawak sa hamba ng hangdanan at nagpatuloy sa aking pagtakbo. Hindi alintana ang pawis at hingal ko sa aking pagtakbo dahil ang importante ay maabutan ko si Mago.

Binigay na siya sa'kin ngayon sa oras na kailangan at hinahanap ko siya, hindi na ako pinahirapan ng taas kung paano kami magkikita. Ang bigay na hiling ng taas ay hindi ko na hahayaang mawala pa. Hindi ko na hahayaan bagkus ay pipigilan ko na siya sa pagkakataong 'to. Gagawin ko na ang lahat para mapigilan siya, kahit ano pa man ang pwedeng ialay ay iaalay ko para mapigilan lang siya na huwag umalis dito sa sa'kin—sa'min ng anak ko. Minsan na kaming nagkalayo at sobrang sakit nu'n sa aking puso at ayaw ko ng maranasan ulit 'yon, lalo na't dalawa na kaming nagmamahal, naghihintay at takot na lumisan siya. At ngayong nandito na siya ay hindi na mangyayari 'yon.

Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinasabi ko kanina at inaamin ko ang kasalanan ko na 'yon sa kanya. At hindi rin totoo na hindi ko na aalamin ang mga nangyari sa kanya nung nagkalayo kami dahil ang totoo ay gustong-gusto kong malaman ang mga bagay na 'yon mula sa kanya.

Nang makababa ako ng floor ay malalim ang aking paghinga na sinabayan ng paglakas ng pintig ng aking puso. "Nasaan na siya?" tanong ko sa aking sarili nang makitang wala si Mago sa aking paligid. Habang hawak-hawak ang aking dibdib ay nagpalinga-linga ulit ako sa paligid, nanlumo ako nang makitang wala na kahit maliit na anino ni Mago.

Pero hindi 'yon naging rason ko para huminto sa aking paghahanap sa kanya. Lumabas ako ng building ng hospital at agad na nagtungo sa parking lot. Wala na isip ko kung saan ako pupunta dahil basta-basta na lang akong dinala ng mga paa ko sa lugar na 'to.

Napakurap ako at napalunok. "Bumalik ka sa taa—," hindi ko na ipinatuloy ang kanyang sasabihin sa'kin nang mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap ng mahigpit. "W-wizzy," piyok ni Mago nang sambitin ang aking pangalan.

"I'm so s-sorry, sorry Mago. Hindi ko sinasadyang sabihin sa'yo ang mga bagay na 'yon. I'm so sorry..." matapos kong sabihin ang mga bagay na 'yon ay naramdam ko naman ang pagganti niya ng yakap sa'kin at hinaplos-haplos ang aking likuran. "Go, I'm sorr—"

"Shhh... I'm sorry, I'm so sorry Wiz, hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na 'yon sa'yo. Napakawalang kwenta ko, ngayon na nga lang ako nagpakita at bumalik ay susumbatan pa kita." 

Napailing ako. "Naiintindihan ko Go," sabay singhot ko. "Naiintindihan ko." sambit ko ulit at umalis mula sa kanyang pagkakayakap. "P-pero, Go, nagbibiro lang naman ako nung sinabi kong umalis ka na, I don't mean it. Dahil ang totoo niyan, hindi ko kayang umalis ka, kailangan kita at kailangan ka ng anak natin."

Kita ko ang pagngiti niya kaya napahikbi ako. "Sino namang may sabi sa'yong aalis ako?"

Pinunasan ko ang aking luha at hinampas ang kanyang braso. "Umalis ka eh, umalis ka nung pinaalis kita." sabay yakap ko sa kanya. "Huwag mo ng ulitin 'yon, Go. Mami-miss kita."

"Bibili lang naman sana ako ng kikiam dahil baka sakaling mag-peace tayo. Inaamin ko ring nagkamali ako kaya hindi na ako nakipag matigasan at umalis na lang, pero hindi alis na lalayasan ka na, umalis lang dahil sa paborito mong pagkain. At sa sinabi mo, miss na miss din kita Wizzy. Walang buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo sa buhay ko na hindi kita na-miss." saad niya kaya napahikbi pa ako lalo. "Binabantayan mo ba ang sarili mo nung mga panahong wala ako?" tanong niya at tumango naman ako sa kanya. Pinunasan niya ang aking mga luha na nagsipatakan sa aking pisngi at hinawakan ang aking kamay. "Kailangan na tayo ng anak natin sa taas." saad niya at tumango naman ako.

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon