Chapter 19

365 24 0
                                    

"Ito po kuya, salamat po." ngiti ko sabay kuha sa pandesal na inilahad niya sa'kin. Tumango lang si kuya sabay ngiti at agad ding nagpasalamat nang makuha ang aking inilahad na bayad sa binili kong pandesal mula sa kanya.

"Balik ka ulit hija!" tumango naman ako sa kanya at agad ding kumaway nang makalabas ako sa kanilang bakery.

Nasa labas ng village ang kanilang bakery kaya kailangan ko pang maglakad ng iilang hakbang para marating ang bahay ni ate. "Good morning guard!" pabalik kong bati nang bumati si Manong guard sa'kin.

Ngumiti naman si Manong guard sa'kin bago nagsalita. "Ika musta mo nalang ako sa ate mo."

"Opo." ngiting sagot ko bago tuluyang makapasok sa loob ng gate.

Alas sais ng umaga nang lumabas ako ng village pero nang napatingin ako sa aking orasan ay gano'n nalang ang paglaki ng aking mata nang makitang alas siyete na pala ng umaga. Isang oras din pala akong nandoon sa bakery? Sabagay, naparami rin kasi ang kwentuhan namin ni Mang Masaya, ang may-ari ng bakery doon sa labas ng village.

Sa pangalan pa lang niya ay halatang masaya na, kaya hanggang ngayon habang naglalakad ako papauwi ay masayang-masaya rin ako. Hindi ko alam pero nakikita ko kasi si papa kay Mang Masaya, habang nag-uusap kami kanina ay ang mga magagandang pinagsamahan namin ni papa ang aking naaalala.

Hindi ko na namalayan na matagal din pala akong napahinto sa aking paglalakad dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay. Napatawa nalang ako sabay iling at agad na napabuntong hininga. Nagpatuloy ako sa paglalakad na hindi na iniisip ang nangyari kahapon at ang kanina, dahil baka kapag iniisip ko na naman 'yong mga nangyari baka sa kung saan na naman ako maka punta.

Akmang maglalakad na sana ako ulit nang may humintong sasakyan sa aking harapan. At hula ko ay papalabas siya ng village. "Sakay ka, ihahatid kita sa inyo." saad niya nang may kakaibang tingin sa'kin.

Mabilis akong napailing sa kanyang sa kanyang kabutihan. "Okay lang po ako sir, salamat nalang po!"

"Mahihirapan ka niyan, hali ka na. Malayo po naman ang sa inyo." pilit niya sa'kin ulit.

Habang nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi kabahan ng sobra. Alam ko namang gusto niya lang tumulong sa'kin pero hinding-hindi ko matatanggap 'yon. May dalawang kahulugan kasi ang paraan ng kanyang pagtingin sa'kin at ang paraan ng kanyang pag-alok sa'kin ng sakay at hatid. At hindi ko na ikakaila pa dahil talagang paalis naman siya ng village at ako papasok dahil nasa loob ang bahay namin at wala sa labas.

"Hali ka na!" ulit niya kaya napalingon ulit ako sa kanya.

Adik ba 'to?

"Okay lang po talaga ako sir, salamat nalang po ng marami." nang matapos kong masabi ang mga bagay na 'yon ay walang atubiling humarurot siya palabas ng village. At ang masama pa ay talagang muntik niya pang mabangga ang guard, mabuti nalang at hindi naka-lock ang gate dahil may papapasok na ibang sasakyan. "Baliw siguro 'yon." saad ko at nagpatuloy sa aking paglalakad.

.

Nang makarating ako ng bahay ay agad na bumungad sa'kin si ate na ngayon ay kakalabas lang galing sa banyo. "Ang tagal mo naman Wiz." tanong niya sa'kin at agad ko namang isinara ang pintuan.

"Nag-usap pa kasi kami ni Manong Masaya. Nagka-kwentuhan kaya ako natagalan." sabay lapag ko sa mesa nung mga pandesal na nabili ko sa labas. "At safe naman akong nakauwi ng bahay, walang masamang nangyari sa'kin, sa'min pala." Kasali na doon ang anak ko.

"Asuss." saway ni ate sa'kin kaya napairap ako sa kanya. "Siya nga pala, wala ako dito sa bahay... mga hanggang gabi, oo."

"Bakit po?" sabay harap ko. Hindi ako sanay na gagabihin si ate sa trabaho niya. Natakot bigla tuloy ako. "Bakit hanggang gabi ka po ate?" dagdag ko pa.

Please, Save My WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon