(Daniella's POV)
Nandito ngayon sa kwarto ko si Kite.
Umiiyak lang siya at gustuhin ko man na tanungin siya di ko magawa.
Umiiyak lang siya at bawat luha parang masakit sakin.
Gusto ko na ba talaga siya? Paano si Baste?
Ako: "Kite dito matulog ha? Tatabi nalang ako kay Bea.."
Lalabas na sana ako ng kwarto ko ng bigla niya akong tawagin.
Kite: "Daniella.. please dito ka lang aalis din ako"
Ako: "Ok sige ilalatag ko nalang yung extra bed ko dyang sa ka sa baba"
Kinuha ko yung foldable bed at inilatag.
Ako: "ayan ready na pwede kana humiga at matulog"
Sinunod naman niya ako at humiga siya ng nakatalikod saken.
humiga na din ako sa kama ko kaso nakatingin ako sa likuran niya.
Marunong ako mag-comfort ng babae at sa bestfriend lalake na si Baste pero bkt pagdating kay Kite.
Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
Ako: "Uhm Daniella-"
Kite: "Uhm Kite-"Halos sabay kami ng pagsagot.
Kite: "Kaw muna mauna"
Ako: "kaw na makikinig ako baliw"
Huminga siya ng malalim at halatang pinipigilan niya mga luha niya.
Kite: "Alam mo ba dumating sa point na sobrang galit ko sa tatay ko.. na tinataboy ko siya that time.. ilang beses siyang lumapit saken para makausap ako pero never akong nakinig sa kanya..."
Buset.. langya bat pati ako naiiyak...
Kite: "Pero all this time.. wala pala siyang nagawang masama.. ginawa niya lahat ng paraan para makabalik samin.. pero ako todo taboy sa kanya... Napakasama kong tao..."
Umupo ako sa higaan ko at nakatingin lang sa kanya habang nakatalikod siya saken.
Sa likod ng mga Ngiti na pinapakita mo saken..
Nakita ko yung mga hinanakit at problema mo sa buhay.Kite: "di ko na deserve mabuhay pa makasalanan akong tao"
Ako: "Magiging ok din ang lahat Kite..."
Lumapit ako sa kanya at sinubukan i-tap siya sa likod.
Alam ko tatagos lang kamay ko pero atleast makakampante ako.
Kaso mas nagulat ako sa nangyari.
Nahawakan ko likod niya at napalingon siya saken.
Kite: "Paano moko nahawakan?"
Ako: "Di ko rin alam!"
Sinubukan kong hawakan siya ulit kaso tumagos na ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Moon and the Sun (Ongoing)
FantasyNaniniwala ka ba sa True Love? Ipaglalaban mo ba ang Nararamdaman mo? Or Magpaparaya ka para ikasasaya ng Mahal mo? Hahayaan mo ba siyang Mawala? or Maniniwala ka sa Himala? A/N: First Story ko po <3 Date Created: May 23, 2021 -KitCatto19