(Daniella's POV)
(9am)
Mama: "oh dala mo na ba lahat ng damit mo? wala ka bang nakalimutan or yung mga bimpo at snacks mo dala mo ba?"
ako: "Opo Ma, babalik naman po ako eh 3 days lang kami dun!"
Mama: "Nagpapaalala lang anak haha" (tumingin siya kay Baste) "ikaw ng bahala kay Daniella ha? alam naman namin na Safe siya kapag ikaw kasama niya!"
nakita kong nahiya at tumawa si Baste.
Baste: "Don't worry po Tita ako po bahala sa kanya"
Mama: "Papa mo di ka na niya maabutan may work siya.. tatawagan ka nalang daw niya mamaya habang nasa biyahe ka"
Si Papa talaga kahit mapang-asar yun love kami ni Bea nun sobra.
Ako: "Ohsiya po Ma alis na kami" (lumapit ako halikan sa pisngi si Mama) "Pagdadala nalang po kayo ng Souvenir hehe"
Hinawakan niya magkabilang pisngi ko.
Mama: "Kahit wala ng ganun basta makauwi kang ligtas Anak pwede na kami.. enjoy kayo dalawa ha?"
Ako at si Baste: "Opo!"
Nagdrive si Baste papunta sa bahay ni Andrea.
Pagkadating namin ay Sinalubong siya kami ni Andrea.
Andrea: "Welcome Guys nandito na yung Van natin! Lipat niyo na gamit niyo!"
Ginawa naman namin ang pinapasabi niya..
"Hello Guys!"
Halos bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko si Kite.
At Oo kasama siya kaming apat nila Andrea, Baste at Kite magkakasama pupunta ng Zambales.
It's been 2 weeks nung last na nagkita kami Kite.. masakit Oo pero siguro need ko nalang tanggapin na baka di talaga kami para sa isa't isa.
Atleast buhay siya at Masaya..masaya narin ako para sa kanya.
Nalagay nanamin ang gamit namin may 4 kasing partitition yung Van...
Driver seat: Drive nila Andrea.
1st row: Sina Kite at Andrea magkatabi.
2nd row: Ako at si Baste magkatabi.
3rd row: mga gamit at pagkain namin good for 3 days.
After namin ilagay mga gamit namin ay nagbyahe na kami... Kasi sobrang haba daw ng biyahe kaya need namin umalis ng maaga.
Habang nasa biyahe kami lakas ng tugtugan at napapasabay kami sa kanta.
Sobrang saya.. kahit na medyo naiilang kay Kite nagagawa ko parin maging masaya.
Nakita ko naman na nakatitig saken si Baste.
Ako: "Oh bkt? alam ko naman na Cute ako noh!"
Baste: "Masaya ako kasi Masaya kana.."
Weird.. bat parang may kakaiba sa Puso ko now.
Ako: "Bolero ka talaga!"
Andrea: "Uy sweet niyong dalawa ha? Haha"
BINABASA MO ANG
Moon and the Sun (Ongoing)
FantasyNaniniwala ka ba sa True Love? Ipaglalaban mo ba ang Nararamdaman mo? Or Magpaparaya ka para ikasasaya ng Mahal mo? Hahayaan mo ba siyang Mawala? or Maniniwala ka sa Himala? A/N: First Story ko po <3 Date Created: May 23, 2021 -KitCatto19