(Kite's POV)
Athena: "Maiwan ko muna kayo diyan.. mag-usap kayong dalawa"
di ko alam pero nabibigla pa ako sa mga nangyayare..
nasa Underworld ako at nakita ko si Isabelle kapatid ni Baste.
na halos 3 taon ng sumakabilang buhay.
Isabel: "Kamusta ka Kite? anyare bat nandito ka?"
di ako nakasagot at yumuko lang ako..
ako ang dahilan bat namatay si Isabel kaya sobrang galit saken ni Baste.
Isabel: "Uy anong meron? haha di na ba tayo magkaibigan?"
napatingin ako sa kanya.
nakangiti siya saken same smile na pinakita niya saken dati.
(***FLASHBACK 3 years ago***)
"Ok guys let's party!" sigaw ng DJ
nasa Boracay kami ng mga barkada at nagcecelebrate para sa Progress ko sa Battle of the Chefs.
sobrang ingay , lakas ng tugtugan, sumasayaw na tao at nasa isang bar kami ng mga barkada ko.
"Bro surewin kana sa Battle of the Chefs Talunin mo si Christian" sabi ng isa kong tropa
ako: "Easy champion baby! Next 2 weeks is the Day! Whoooooooo Cheeeeeers guys!"
uminom lang kami buong kami ng mga barkada ko.
Now this is Life!
Ah Bwisit sakit ng ulo ko!
di ko alam paano ako nakadating sa Cottage na nirent ko pero bwisit parang binibiyak ulo ko!
tumingin ako sa orasan 4am palang ang aga!
naisipan kong maglakad papunta sa isang pool at walang tao siguro nga dahil maaga pa.
nag-dive ako sa 6 feet na pool..
at nagfloating lang sa gitna.
next 2 weeks na laban ko Final 2.. kaming dalawa nalang ni Christian ang maglalaban.
mananalo ako dito kase magaling ako sa kanya at siguradong sisikat ako sa buong pinas.
yayaman ako at marami akong mabibiling sasakyan at gadgets haha!
dahil nahimasmasan na ako naisipan kong umahon na sa pool.
kaso napulikat ako at lumubog..
sinubukan kong tumalon at lumutang kaso.. masakit yung pulikat..
nakita ko ng sobrang layo ok sa mga side ng pool kase nasa gitna ako.
nawawalan na ako ng hininga at nanlalambot na ako..
nakita ko na may nag-dive palapit saken...
isang babae at hinila niya ako paangat...
halos hingal ako at dami kong nasukang tubig...
BINABASA MO ANG
Moon and the Sun (Ongoing)
FantezieNaniniwala ka ba sa True Love? Ipaglalaban mo ba ang Nararamdaman mo? Or Magpaparaya ka para ikasasaya ng Mahal mo? Hahayaan mo ba siyang Mawala? or Maniniwala ka sa Himala? A/N: First Story ko po <3 Date Created: May 23, 2021 -KitCatto19