Chapter 52: Good Old Days

3 1 0
                                    

(Daniella's POV)




Mama: "eto bigay mo kay Baste" (inabot ni Mama yung Linuto niyang Kare-Kare na naka tupperware) "tsaka sabihin mo dalasan niya ang pagpunta dito lagi siyang busy sa work eh!"



ako: "Ok sige po Mama hahaha alam mo talaga paborito niya noh? haha"



Mama: "Hay nako Anak akala ko talaga kayo talaga sa Huli eh! boto pa naman ako Kay Baste since day one... tsaka parang anak nadin turing ko sa kanya kasi lagi kayong magkasama eversince"



Napangiti ako.. Oo nga noh? ako nga din akala ko si Baste yung para saken.. Gusto ko na talaga si Baste magmula pa nung bagong lipat palang kami ng bahay.


Siya kasi lagi ko kalaro at pinagtatanggol niya ako sa mga nag-bully saken that time.. yung ate niya na si Isabel lagi kami linilibre ng Ice Cream noon kaya nakakamiss!


Pero kung iisipan mo nga noh? what if naging kami ni Baste bago dumating sa Kite sa buhay ko?



magiging masaya kaya kami? 

Umiling ako.. Tama na wag ka ng magbigay ng false hope sa sarili mo Daniella! kailangan kong mag Focus para sa ikabubuti ni din ni Baste.

Mama: "may narinig akong busina ng Kotse mukhang si Baste na yun! tignan mo anak"

ako: "sige po Ma" lumabas naman ako para icheck at si Baste nga may dala tin siyang paperbag at mukhang pasalubong niya para kila Mama at Papa ko.

Bakit ba ang bait ng taong to? tapos nakangiti pa bungad niya lagi saken.. nakakainis nagi-guilty ako sa sarili ko..

Baste: "ow Daniella tara na? haha" ngumiti siya pero alam kong fake smile kasi i can see through na tinatago niya yung sakit.

ako: "Ready nako let's go?" ngumiti din sa kanya pero slight lang.. parang di ko feel ngumiti today kasi alam ko.. may masasaktan akong taong mahalaga saken at ang masakit ako yung dahilan..

Baste: "wait bigay ko lang kay Tita tong mga Dragon Fruit at yung sapatos na regalo ko kay Tito ibibigay ko na din haha"

ganyan siya eversince nagkatrabaho siya lagi siyang may dalang pasalubong sa Mama at Papa ko.. as in parang tunay na magulang na ang turing niya sa mga magulang ko.

Pumasok siya at nagmano kay Mama.. ako naman hinintay ko siya sa labas at nagkwentuhan sila ng sagli at lumabas na uli si Baste.


Baste: "Pinag-paalam na kita Let's go Bestfriend?"

Ako: "Sure tara!"

Sumakay kami sa kotse niya at nagdrive siya papunta sa Lugar na di ko ine-expect na pupuntahan namin.

Dinala niya ako sa lumang park kung saan kami laging naglalaro dati..

It's been a while nung huling punta ko dito at ang daming pinagbago.. sobrang ganda na ngayon at dami ng mga batang naglalaro..


Bumaba kami sa kotse at naglakad papuntasa park..kaso nagulat ako ng sinalubong ng dalawang bata si Baste!


"Kuya Basteeeeeee!" Sigaw ng isang lalake na a tantiya ko ay nasa 6 years old



"Kuya! Namiss ka namen!" Sabi ng isang batan babae na 6 years old din


Baste: "I'm back! Haha namis niyo ba kuya niyo?"



Yumakap sila kay Baste at halata nga na mahal siya ng mga Bata.



Kaso napansin ng mga Bata na kasama ako ni Baste kaya tinanong nila ako.



Moon and the Sun (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon