(Daniella's POV)
Wala akong naririnig..
Nanalo kami? di ko napansin na umiiyak nadin pala ako..
nakayakap saken si Bea pati sina Mama at Papa.
lumapit samen mga Judges at humiwalay samin mga magulang namin.
Christian: "Congrats sa inyong dalawa See you Tomorrow Daniella at Bea"
Harold: "Tomorrow may interview kayo sa TV.. Congrats gagaling niyo"
Andrea: "Well nanalo may isang salita ko.. tutulungan ko yung resto niyo"
ngumiti ako.
may puso naman pala tong babae na to!
teka san si Kite?
paalis ako ng building at nakita ko si Hinabol ako ni Bea.
Bea: "Ate san ka pupunta?"
Ako: "May hahanapin lang ako wait niyo ko ha?"
Ngumiti siya.
Bea: "Ok ate ingat ka love you"
Tumango ako at umalis sa building para hanapin si Kite.
Please wag mokong iwan.
Alam ko hindi ako nanaginip at alam ko nakita ko siya.
Nagtingin tingin sa ako sa ibang lugar yung iba gusto magpapicture saken kase daw nanalo kami.
Hindi ko sila pinansin kase gusto kong makita si Kite.
Tumakbo lang ako para hanapin siya.
Pero di ko siya mahanap..
Nag-halucinate lang ba talaga ako that time?
Umuwi ako kasama mga pamilya kaso dumaretso ako sa kwarto ko kasi wala ako sa mood.
humiga lang ako at sobrang sakit ng katawan ko.
pinikit ko mga mata ko.
May kumatok sa kwarto ko.
Mama: "Anak pwede ba akong pumasok?"
Si Mama.
Ako: "Sure po Ma"
Pumasok siya nakatalikod ako sa kanya at humiga siya sa likuran ko.
Mama: "ok ka lang anak? Kanina kapa parang may iniisip"
Ako: "Ma ok lang ako.. nanalo nga kami sa Competition eh.."
Nagulat ako sa ginawa ng Mama ko kase yumakap siya saken mula sa likod.
Mama: "Kung sino man or anu man ang pinadadaanan mo.. were here ok? Mahal ka namin anak."
Bigla nalang akong umiyak.
Ako: "Ma... Bat ganun? Naguguluhan ako.."
Mama: "Shhh... It's ok magiging ok din ang lahat Anak.."
Yumakap lang saken si Mama hanggang nakatulog ako kakaiyak.
BINABASA MO ANG
Moon and the Sun (Ongoing)
FantastikNaniniwala ka ba sa True Love? Ipaglalaban mo ba ang Nararamdaman mo? Or Magpaparaya ka para ikasasaya ng Mahal mo? Hahayaan mo ba siyang Mawala? or Maniniwala ka sa Himala? A/N: First Story ko po <3 Date Created: May 23, 2021 -KitCatto19