Chapter 44: Before You Go

8 1 0
                                    









(Daniella's POV)





(The Two Days before the Solar Eclipse..)






Ang lambot ng mga unan ko ha?


Minulat ko mga mata ko at ramdam ko yung Hangover ko kahapon.


Sobrang sakit ng ulo ko parang biniyak or pinupukpok  =_________=


Ang weird ng panaginip ko kasama ko daw si Burarol(Kite) haha... Umamin pa nga ako sa kanya ahahaha.


Oh well buti panaginip lang yun kase wala akong lakas ng loob sabihin yun sa totoong buhay...

Hays..


Bumangon ako sa kama kaso napansin ko na iba yung kulay ng kwarto kulay blue..

Sobrang ganda ng design at may bookshelves pa! Aba iba na ang trip ni Bea ngayon ah ang gawa ng kwarto ng kapatid ko! ^_________^

Napansin ko rin na ibang damit narin yung suot ko.. siguro pinalitan ni Bea Damit ko..  naka tshirt ako na kulay at panjama na kulay red.

Naglakad ako papunta sa banyo kaso may napansin akong kakaiba.. iba yung banyo ni Bea?

Bat may Bathtub siya? Nagpakabit ba siya ng bathtub?

Naks yumayaman na kapatid ko! Haha

Nagtoothbrush lang ako at naghilamos para makababa na.

Paglabas ko ng banyo nakita ko sa isang gilid na nakatupi yung mga damit na sinuot ko kahapon.

Aba sipag ng kapatid ko ha? Buti di niya pa dinaretso sa kwarto ko?

Pagkabukas ng pinto nagtaka ako... bkt parang kakaiba yung bahay namin?

Anong nangyayare?

Bumaba ako ng mabilis ng hagdan at nakita ko ang tatlong tao na nasa lamesa... Busy sila maghain ng pagkain sa mesa.

Lumingon yung isa si Tito? Bat nandito ang Tatay ni Kite?

Tito: "oh iha gising kana pala kumain kana dito sabay kana samen"

Dali dali akong tumakbo sa kwarto kung saan ako nanggaling..

Ok anong nangyayare?

Mukhang nasa ibang bahay ata ako??

May kumatok sa pinto at binuksan niya tsaka siya pumasok sa loob.

Nakita ko ang isang magandang babae na nasa 17-19 years of age.

Siya: "Hi ate Daniella! Tara kain na tayo bagong luto yung ulam!"

Ako: "Sino ka? Nasaan ako?"

Siya: "Ako si Caithlyn ate kapatid ni kuya Kite.. at nandito ka sa bahay namin ngayon"

Bahay nila Kite?!? Seryoso??!?

Caithlyn: "Dinala ka niya daw kase dito kase nalasing ka kagabi at ayaw mong umuwi so dinala ka niya dito para makatulog ka ng maayos"

Teka.. teka... So you mean? Hindi panaginip yung nakasama ko siya!?!?

So totoong umamin ako sa kanya?!?!

Anak ka ng tatay mo Daniella..

Please lamunin na sana ako ng Lupa! Nakakahiya mga pinaggagawa at pinagsasabi ko sa kanya.

Moon and the Sun (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon