(Daniella's POV)
Kite: "Parang kilalang kilala kita... pero galit na galit ako sa sarili ko... bakit di kita maalala at sana tulungan mo akong maalala kita Daniella"
Wait totoo ba toh?
Ako: "Kite kase ano.."
Kite: "don't worry di kita pipilitin kung ayaw mo.. ang sakin lang gusto kong maalala kita"
Ang tanong paano ko magagawa yun?
Inaalala ko si Andrea pero bwisit na puso ko ayaw magpa-awat!
May naiisip ako for sure titigilan na niya ako!
Ako: "Payag ako sa isang kondisyon!"
Kite: "Sure ano yun?"
Ako: "Hands off wag mokong hahawakan or lalapitan distansya ka saken ng 1 meter!"
Nakita kong tumawa siya ng malakas.
Kite: "Seriously mukha ba akong kriminal? Haha"
Ako: "Payag ka or hindi?"
Nakita kong tumigil siya sa pagtawa at kinamot ang likod ng ulo niya.
Kite: "Payag ako.. nga pala nung una tayong nagkausap sa Resto ni Andrea tinawag mokong 'Burarol' and wow tinagalog mo ang pangalan ko ha?"
Napatawa ako sa sinabi niya.. tinawag ko siyang burarol kasi mahangin siya minsan lalo na sa pagluluto!
Ako: "Trip ko lang! Yun na yun!"
Kite: "Teka yun palang pinapakaluan kong tubig! Nakalimutan ko! Haha"
Tumawa akong umiling habang nakayingin sa kanya.
Tumakbo siya pabalik sa pwesto namin at tinignan yung nakasalang.
Di ko alam kung tanga ako or what pero masaya ako na nakikita ko siyang masaya.
Kahit di na ako yung dahilan.
(Sebastian's POV)
Nagising ako sa kubo namin kaso wala si Daniella!
Kaya lumabas ako para hanapin siya kaso mas nasaktan ako sa nakita ko.
Magkatabi sila ni Kite sa tabing dagat at masayang nagkwekwentuhan.
Hanggang kailan ako magiging tanga?
Alam ko mahal ko si Daniella pero alam ko din na mas mahal niya si Kite.
Paano ba ako mananalo sa 'Puso ni Daniella'?
Nakita kong tumakbo si Kite pabalik sa bandang kitchen namin at lumapit na ako kay Daniella sabay upo sa tabi niya.
Ako: "Hi Daniella buti gising kana"
Nakita kong gulat siya at nanlaki mga mata niya.
Daniella: "Kanina kapa ba diyan?"
BINABASA MO ANG
Moon and the Sun (Ongoing)
FantasyNaniniwala ka ba sa True Love? Ipaglalaban mo ba ang Nararamdaman mo? Or Magpaparaya ka para ikasasaya ng Mahal mo? Hahayaan mo ba siyang Mawala? or Maniniwala ka sa Himala? A/N: First Story ko po <3 Date Created: May 23, 2021 -KitCatto19