(Kite's POV)
Ako: "Uy nandiyan na yung series na pinapanood natin! Di ba fan ka ng Loveteam nila?"
Daniella: "Oo na eto na!"
Umupo siya sa tabi kaso nakadistansiya siya ng isang metro =_________=
Inamoy ko naman sarili ko wala naman amoy mga Kaluluwa ah? Tsaka gwapo akong multo duh =______=
Kahapon pa yan ganyan nagsusungit saken pagka-uwi niya...
Day-Off niya today pero parang wala siya sa kondisyon mukhang may problema ata siya.
Tinatanong ko kung bkt pero di niya sinasabi,
Tapos kapag kakausapin ko nakasalubong agad yung kilay.
Binuksan at Inabot ko yung Chips sa kanya.
Ako: "Oh Favorite snack mo hehe"
Tumingin siya saken at tinaas ako ng kilay.
Daniella: "No Thank you di ako busog!"
Ang sungit niya these past 3 days lagi niya akong sinusungitan at ayaw niya akong makausap.
Kapag tinatanong ko kung anong problema di niya sinasabi at puro iwas siya kapag ganun yung topic.
Bumuntong hininga ako.. paano ko ba siya mapapasaya?
May naisip ako!
Ako: "Daniella?"
Daniella: "hmm?"
Sumagot siya pero di sya lumingon kase busy manood ng kdrama.
Ako: "Gusto mo mag-grocery? Samahan kita? Hehe"
Daniella: "Ayoko wala ako sa mood!"
Ako: "Foodtrip? Picnic tayo sa Rooftop?"
Napatingin siya saken kita ko sa mata niya yung araw na nawala ako sa noong eclipse..
Same expression kaso umiwas siya ng tingin.
Daniella: "ayoko pls wag mo muna akong kulitin"
Ako: "ok.."
Anong tumatakbo sa isip niya?
Nakarinig kami ng pagkatok sa kwarto niya.
Pumasok si Bea sa kwarto at nakangiti siya.
Bea: "Ateeeeeee Malapit na Birthday mo next week na! Anong balak mo?!"
Birthday ni Daniella next week?
Ngumiti si Daniella at tumingin si kisame na parang nag-iisip.
Namiss ko yung mga ngiti niyang ganyan saken.
Daniella: "Gusto ko simpleng salo salo lang na kasama ko kayo.."
Bea: "Napag-usapan na namin nila Mama at Papa na mag-paparty kami para sayo!"
Daniella: "Baliw wag na.. gastos lang yun!"
Bea: "Don't worry ate.. minsan lang yun at pili ang imbitado!"
Unang Birthday ni Daniella na makakasama ko siya.. ano magandang iregalo sa kanya?
BINABASA MO ANG
Moon and the Sun (Ongoing)
FantasyNaniniwala ka ba sa True Love? Ipaglalaban mo ba ang Nararamdaman mo? Or Magpaparaya ka para ikasasaya ng Mahal mo? Hahayaan mo ba siyang Mawala? or Maniniwala ka sa Himala? A/N: First Story ko po <3 Date Created: May 23, 2021 -KitCatto19