CHAPTER 1

20 1 0
                                    


Not his type

Luna. You look different today but... gorgeous! Ako ba talaga ang nakikita ko sa harap ng salamin ngayon?

It's like I've met a stranger. Pero parang OA na term naman iyon dahil mukha ko pa rin naman ang nakikita ko, ibang itsura nga lang.

Matagal ko nang pinag-iisipan ito sa buong summer break namin hanggang nang magumpisa ang unang linggo ng klase namin.

Mula nang... makita ko siya. Ngayon ko naisipang baguhin ang style ko.

Bago sa nakasanayan ang sinuot kong uniform ngayon. Dahil mas fit na blouse na ito na pinasadya pang gawin nila Mommy sa kilala nilang mananahi, palda na hindi lalagpas sa tuhod at black shoes with white socks.

Natawa ako sa sarili ko at nagsimula nang mag-ayos ng gamit.

It is another week of school day with my senior year as high school student. Parang kailan lang talaga na bakasyon pa. Pero wala namang ganap halos noong summer break namin. Madalang kasi kaming mag travel ngayong taon dahil naging busy sila Mommy and Dad sa kompanya nila. Wala naman akong matinong kausap dito sa bahay kapag naiiwan akong mag-isa, bukod kay Third na lagi namang nang-aasar.

Bakit kasi sa kanya pa ako binilin nila Mommy. Hindi naman siya matinong kasama. Hindi ko talaga alam kung bakit makita ko pa lang siya ay nakakainis na. More so, kung gagana pa ang pasmado niyang dila.

I groaned. Tama na ang pagbanggit ng bad word dahil ayaw kong ma-badtrip ngayon.

Nang matapos ko nang ayusin ang mga gamit ko at sarili ko, muli akong tumingin sa salamin. Parang may kulang... nanliit ang mata ko sa salamin at inalisa ang sarili ko. Ayon, kulang ng kulay ang maputla kong labi.

Wala ako no'n kaya mabilis na pumasok sa isip ko si Mommy, kaya agad kong kinuha ang bag ko sa kama ko at dumiretso na sa pinto para lumabas. Napatigil lang ako saglit nang makita ko ang koleksyon ko ng cap na nakasabit sa dingding, malapit sa gilid ng pinto ng kuwarto ko.

Saglit ko iyong tinitigan bago napailing at tuluyan nang lumabas.

"Mom! Mom!" Tawag ko kay Mommy habang pababa sa hagdanan namin.

Hinanap ko siya sa living room pero wala siya roon kaya dumiretso ako sa kitchen.

"Mom!" Pag agaw ko ng atensiyon niya nang makitang sumasayaw pa siya habang nagluluto.

"Gosh! Bakit nang gugulat ka lagi, Luna!?" Matinis na tili niya kaya natawa ako. Napahawak siya sa dibdib niya bago ako nilingon pero nabitawan niya ang sandok na hawak niya nang makita ako.

"Luna!? Is that you? My daughter?" Hindi niya makapaniwalang tanong at dahan dahang lumapit sa akin na may nanlalaking mata.

Bumagsak naman ang magkabila kong balikat at bored siyang tinignan. "May iba ka pa bang anak, Mom?" Walang sigla kong tanong sa kanya.

"Oh my gosh, you've grown na anak!" Ako naman ang nagulat ngayon ng kinabig niya ako bigla para yakapin.

"Anong sumapi sayo at naisipan mo nang mag-ayos!?" Medyo hysterical niyang tanong pagkatapos ng saglit na yakap.

Umiwas lamang ako ng tingin at nilagay ang takas na buhok sa likod ng tainga ko.

"Wala lang, Mom." Simple kong tugon at binago na ang topic.

"Anyway may lipstick ka po ba? Or something na nakakapagpakulay ng labi?" Tanong ko habang gumagala ang mata sa loob ng kitchen namin basta hindi ako mapatingin kay Mommy.

Falling To Pieces Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon