Destiny
Ano ba ang unang magiging reaksiyon natin kapag nalaman natin na iyong taong gusto natin ay nahanap na ang mahal nila sa buhay? But it's not us?
We will be sad right? Valid naman kapag nakaramdam tayo ng sakit 'diba? Habang nakikita naman natin na masaya na sila sa iba, maiisipan naman nating mag move on 'diba? Knowing na wala na tayong pag-asa.
May ibang gagawin ang lahat kahit na makasakit, hindi alam na pati sila ay masasaktan at may iba namang ipagpapatuloy pa rin ang nararadaman, umaasang makikita pa rin sila ng taong gusto nila kahit may mahal na silang iba.
Iba iba tayo ng way para maibsan 'yung sakit na nararamdaman natin.
Ako? Hindi ko alam kung mag move on ako, kasi maisip ko palang iyon nasasaktan na ako. Ayaw kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa taong gusto ko, ayaw kong mawala itong saya na nararadaman ko sa tuwing maiisip ko siya, sa tuwing magbibigay siya ng mensahe sa akin, sa tuwing kakausapin niya ako.
Kahit alam kong talo na ako. Nahuhulog pa rin ako sa kanya kahit iba na ang sinalo niya.
Tawagin niyo na akong martyr pero natatakot ako, natatakot ako na hindi ko na maramdaman ito sa ibang tao at kainin nalang ako ng lungkot.
"Luna? Luna, nawawala ka na sa tono."
Napaigtad ako nang makaramdaman nang pagyugyog ng katawan ko. Doon ako natauhan at nawala sa malalim na pag-iisip.
"Bakit, Chelsea?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"Anong bakit? Nawawala ka sa tono, girl. Akala ko noong una damang dama mo ang kanta kasi nakapikit ka pa. Pero biglang umiba ang tunog eh."
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko sa narinig at napatingin sa mga kamay ko. Narito ulit ako sa music school na pinasukan ko at pang apat na session ko na ito ngayong weekend. Ganoon lang kabilis dumaan ang buong linggo, lalo na kapag walang gaanong ganap sa buhay. Hayss.
"Ah sorry, hindi ko pa kasi gaanong gamay ang key ng kanta. Kaya siguro nawala ako sa tono..." mahina kong tugon.
Tama rin naman ang dahilan ko kasi hindi ko pa gaanong na practice iyong binigay niyang key note. Kanina lang din naman niya nabigay.
"Weh? Luna 'wag ako, sa buong session natin nasusundan mo ang key ng walang mali. Mabagal, oo pero hindi ka pa nagkamali ng tono." Sabi niya naman na may pagdududa. Ayaw talaga niyang patalo.
"Eh nakapikit nga ako kaya hindi ko nasundan, sinubukan ko lang kung kabisado ko na ba," ayaw patalo ko ring saad.
Pero siguro nga tama siya, kaya ko namang sundan iyong kanta. Napalalim lang ang iniisip ko kaya nagkamali. Ewan ba kung bakit ang tamlay ko ngayon. Siguro malapit na akong datnan. Wala kasi akong enerygy kapag nagkakaroon ng alam niyo na, period.
"Hmm nako!" Iyon nalang ang naisagot niya. Mabuti na lang at naubusan na yata ng panlaban.
Akala ko ay magpapatuloy na siya sa pagturo sa akin pero kumuha siya ng upuan sa likod at tumabi sa akin.
"Break time muna. By the way pala. Interview-hin muna kita about, Third. May naging serious girlfriend na ba siya?" She giggled while asking that na nagpakunot naman ang noo ko.
Sandali akong napaisip, speaking of him. After what I said to him in front of this music school, may sinabi siya sa akin.
"Luna matagal ko ng alam na walang wala ako kay kuya. Matagal ng ipinapamukha sa akin ng magulang ko iyan."
Ito ang huling sinabi niya sa akin bago niya ako iwan sa harap ng music school. Isa pa iyon sa buong linggo na bumabagabag sa akin. Napansin kong may dumaang sakit sa mata niya noon at ganoon rin sa tono ng boses niya. Pero pinapakiramdaman ko siya after ng araw na iyon, wala namang nagbago. Mapang asar pa rin siya, siguro guni guni ko lang iyong nakita ko sa mata niya noon? Parang wala lang naman sa kanya, ako lang itong masyadong dinidibdib iyon kahit wala akong dibdib.
BINABASA MO ANG
Falling To Pieces
Romantizm"For a lot of years I tried to become someone who's very far to my personality. I guess I fell in love too much and now I am slowly.... Falling to Pieces" Genre: Teen Fiction/ Romance