The one
“I missed that genuine smile.”
Puna ni Third sa akin nang mapangiti ako sa sinabi niya. I don’t know pero iba ang pumasok sa isip ko sa sinabi niya pero hindi ngayon ang oras para mag-isip ng biro.
“Hindi ko naman pinipilit, Third,” sabi ko. Wala na ang ngiti ngayon.
Binigyan niya ako ng tingin na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya napairap ako at tumayo na dahil tapos na rin naman siyang ilagay ang rubber shoes sa paa ko na dala niya pala.
“Bahala ka kung hindi ka naniniwala. Akin na nga ‘yan!”
Inagaw ko sakanya ang paper bag na tingin ko ay may laman na damit.
Naglakad ako papunta sa sasakyan nila habang siya ay nakatingin lang sa bawat kilos ko. Naramdaman ko rin siyang sumunod sa akin papunta sa kotse nila.
Nang makarating kami, mabilis akong pumasok sa backseat. Medyo nagulat pa ako nang walang kasamang driver si Third. Kalaunan ay napairap ako sa kawalan, nag drive na naman ang loko na walang lisensiya.
Binaba ko ang salamin ng sasakyan niya at nilabas nang kaunti ang ulo ko.
“Huwag ka munang pumasok,” sabi ko kay Third na nasa labas pa lang.
Nakapigil pa ang isa kong palad sa akma niyang pagpasok sa driver seat.
He immediately raised his both hands as a sign that he won’t enter and turned his back on me.
Mabuti naman at cooperative siya ngayon, kung ganyan ka lang sana lagi Third at hindi ako binubwisit. Magkakasundo pa tayo.
Sinamantala ko ang pagtalikod niya at sinarado muna ang salamin ng sasakyan bago mabilis na nagpalit ng damit. Medyo nahirapan pa akong i-unzip sa likod pero buti na lang at flexible ang kamay ko kaya nagawa ko naman nang hindi nahihirapan.
Napahinga ako nang malalim dahil nakapagpalit na rin ako ng damit sa wakas. Kaya hindi ako nagsusuot ng dress eh, nakakairita sa balat ang mga design no’n at mabigat pa sa katawan.
Bakit pa kasi napilit ako ni Chelsea na magsuot ng ganito? I will definitely burn this dress kapag nakauwi na ako sa amin. Pangit na karanasan lang ang ibinigay sa akin.
Saktong pag vibrate ng phone ko ang pagpasok ni Third sa driver seat. Hindi naman siya nagsalita at walang pasabi na nag drive lang kaya hindi na rin ako umimik. Pagod din ako ngayon at wala nang energy pa para mainis sa kanya.
Chelsea: Luna, I’m sorry about what happened to you at the party. Hindi ko ine-expect na ganoon ang kalalabasan. I’m so sorry.
Iyon ang natanggap kong mensahe mula kay Chelsea kaya napapikit ako at huminga ng malalim. Hindi naman niya kasalanan ang nangyari kaya hindi niya kailangan humingi ng tawad sa akin. Alam ko na siya ang mas lalong nasaktan dahil sa nangyari. Sarili niyang kamag-anak, nagawa siyang pahiyain sa harap ng maraming tao na parang sinasabi na rin na hindi siya welcome sa party ng sarili niyang pinsan.
And I reaaly didn’t expect na ganoong klaseng tao pala si Therron. Gagawin pa yata akong kabit niya.
He’s very different to Theo, hindi ko lubos akalain na pinag kompara ko pa silang dalawa. Kinilabutan ako bigla sa naisip lalo pa at nagtama ang tingin namin ni Third mula sa rear view mirror.
“What?” tinaasan ko siya ng kilay.
Umiling naman siya at nag focus na ulit sa harap.
“Nothing, rest your mind and don’t think too much, " he replied.
BINABASA MO ANG
Falling To Pieces
Romansa"For a lot of years I tried to become someone who's very far to my personality. I guess I fell in love too much and now I am slowly.... Falling to Pieces" Genre: Teen Fiction/ Romance