CHAPTER 4

13 1 28
                                    

Nobody

I never heard someone said that they are interested and attracted to me.

Never in my seventeen years of life. Buong akala ko ay walang nagkakagusto sa akin, na hindi ko na mararanasan ang ma-appreciate ng ibang tao, na magugustuhan ako ng ibang tao bukod sa pamilya ko.

I know Theo and his family likes me but it was just a friendly feeling. Hindi katulad ng sinabi sa akin ni Therron kanina.


"Tatlong beses na tayong pinagtagpo ng tadhana, Luna."

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi sa sinabi niya kung hindi dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. He knew my name already?

Sa pagkakatanda ko ay hindi ako nakapagpakilala sa kanya noong huling pagkikita namin.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya habang nananatili pa rin sa tapat ng pinto.

He pursed his lips at friendly na ngumiti sa akin.

"Forget what I said earlier. Ang pagkikita natin ngayon ay hindi nagkataon lang, sinadya kong pumunta rito para bisitahin ka. I grab the opportunity when I found out that your school have an activity today. At nalaman ko ang pangalan mo dahil kay Chelsea, my cousin." Mahabang paliwanag niya.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. So pinsan niya pala si Chelsea? Pero napatagilid ang leeg ko ng nag process sa utak ko ang iba pa niyang sinabi.

"Why did you want to visit me?" Pranka kong tanong sa kanya.

He chuckled at kinamot niya pa ang batok.

"To be honest, I am interested at you Luna."

Napanganga ako sa sinabi niya dahil sa gulat. I didn't expect that he will say that. Ang inaakala kong isasagot niya ay narito siya para singilin ako sa naging utang ko noon sa mga pinamili ko sa national bookstore.

Natahimik ako kaya humakbang siya ng kaunti papunta sa akin bago sinalubong ang mata ko.

"I like you, Luna. Your simplicity, your gracefulness and the fact that you love playing piano. Tingin ko, ang suwerte ko na dahil nakilala kita."

I stiffened. Napakurap kurap ako at tuluyan na akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.

No one said that to me before. Not even my family, not even Theo. Napaismid ako sa isip ko.

Siyempre paano nga ba nila ako magugustuhan kung kakaiba ang mga hilig ko noon? Ngayon na tuluyan ko ng nababago ang mga hobby ko, may taong naka-appreciate na sa akin.

I don't want to forget my feelings towards Theo, ayaw kong mawala itong nararamdaman ko para sa kanya pero ngayong nakakilala ako ng katulad niya, gusto kong sumubok.

Sumubok na ibaling sa iba ang tingin ko para malaman ko kung may taong kayang pantayan ang nararamdaman ko kay Theo.

I want to try, wala namang masama 'diba? Hindi rin naman ako mag co-commit agad sa isang relasyon na hindi ako sure sa nararamdaman ko sa isang tao. Alam ko naman kung kailan ako hihinto, ayaw ko rin naman makasakit ng ibang tao.

Ngayong may taong umamin ng nararamdaman sa akin. Hindi ko agad nasabi na may gusto na akong iba dahil, susubukan ko lang. Susubukan kong ibaling sa kanya ang pansin ko.

That's why now, I am standing here in front of our school gate, while waiting him. The one who will help me try new things. Therron.

Pero bakit katulad ng pagkain na laging may umaaligid na langaw, hindi mawawalang uod sa mga tanim, bubuyog sa mga bulaklak... at kulangot sa ilon--

Falling To Pieces Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon