CHAPTER 5

23 1 42
                                    

Fit

I look like a mess right now...

Walking near the side road, hearing only the tip of my heels on the ground, na sumasabay sa ingay ng mga bilang na sasakyang dumadaan. Tinakpan ko pa ng braso ko ang mga mata ko nang masilaw ito sa ilaw ng sasakyang dumaan papunta sa direksiyon ko.

Hindi ko na iyon hinabol ng tingin nang makalagpas sa akin. Probably mga bisita pa ring dumarating sa lugar kung saan ako nanggaling bago ako napunta sa ganitong sitwasyon.

"Luna, what happened to you?" A baritone voice made me stop. Nilingon ko kung sino ang nagsalita at nakita kong si Third iyon.

Paano siyang napunta rito? Kumunot ang noo ko pero dahil wala akong ganang magtanong ay hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Mabuti naman at hindi na siya nangulit.

Baka imbitado rin siya at nadaanan lang ako. Pero iyon ang akala ko.

"Change your clothes, Luna..." sa kalagitnaan ng paglalakad ay narinig ko muli ang mahinang boses niya na iyon sa likod ko.

Napahinto naman ako at iritado ko siyang nilingon. "Ano bang pakialam mo sa suot ko, Third? At bakit ba sumusunod ka pa sa akin ha?!"

"'Cause your friend asked me a favor to make you home safe and sound."

"Pwede mo namang hindi sundin 'diba?!" hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang sumigaw.

"Tapos kapag may nangyaring masama sa'yo? Konsensiya ko pa? Your dress look awful, so better change it," nakakunot na ang noi niya sa akin.

Natawa naman ako ng walang aliw dahil sa sinabi niya. Nakakatawa lang kasi nag-umpisa sa magandang compliment itong dress na suot ko pero nagtapos siya sa hindi kaaya ayang itsura ngayon. And there's so much awful moments today.

I remember how I ended up in this situation.

Unknown: 'Luna, this is Therron. I am so sorry again for leaving you alone noong Monday. Babawi ako sa'yo. Are you free tomorrow? Can we meet?'

Basa ko sa text na natanggap ko ngayon ngayon lang. Hindi na ako nagtaka kung paano niya nalaman ang numero ko. Malamang ay itinanong niya iyon kay Chelsea.

Friday na pala ngayon at bukas ay wala naman kaming pasok kaya wala namang problema kung magkita kami. Isa pa, kailangan ko rin ibalik sa kanya iyong naiwan niya na violin.

Kumunot ang noo ko ng maalala iyon, bakit parang hindi niya naman hinahanap? Siguro dahil akala niya ay nawala niya? Sobrang nagmamadali siguro talaga siya noon kaya nakalimutan na niyang naiwan niya ang violin sa upuan. Mabuti na lamang at nakita ko iyon.

Akma akong magtitipa ng reply kay Therron nang matigilan ako dahil sa mga tilian na narinig sa labas ng room namin.

Tumayo ako para silipin iyon dahil malapit lang naman ang pwesto ko sa gilid ng bintana. Nakita kong maraming tao sa labas, lalo na ang mga gay classmates ko. Tuwing Friday, after lunch ay vacant namin, wala kaming klase kaya naman malaya kaming nakakaliwaliw sa labas at sa kung saang parte ng school.

May klase lang kasi sila Chelsea ngayon pero kung wala ay malamang sa room nila ako nakatambay ngayon.

Panay ang tilian sa labas at tukso nila sa isa naming kaklase na ka varsity player ko rin ng basketball. Siguro ay kaya sila nagkakagulo dahil sa hawak niya lang naman na bouquet na punong puno ng pulang bulaklak. May kasama rin siyang matangkad na lalaki sa gilid niya.

My mouth turned round. Kaya naman pala. Phoebe is boyish type of a girl, extraordinary din ang hilig niya kaya isa siya sa mga kasundo ko rito sa classroom namin, siya ang kakuwentuhan ko kapag may practice kami ng basketball.

Falling To Pieces Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon