CHAPTER 10

9 1 8
                                    

Gone

"Luna, start packing some of your things. Aakyat na tayong Baguio bukas."

Tumango ako sa sinabi ni Mom habang nagliligpit ng pinagkainan.

"Yes Mom, after doing the dishes. 'Diba magpapamasahe ka kay Manang?" Ani ko, tinutukoy ang kasambahay namin.

Kahit naman may tagapangalaga kami sa bahay, marunong naman ako sa mga gawaing bahay lalo na kapag may ibang ginagawa si Manang Rosy.

Tumayo rin si Third para tulungan ako dahil as usual, dito ulit siya nag dinner sa amin.

"Third, alam mo na. Take care of my baby Snow." Paalala ko sa kanya habang nililigpit ang kainan ni Snow.

Once a month, lagi kaming pumupunta sa Baguio para bisitahin si Lolo. Hindi na kasi kaya ng katawan niya na bumisita sa amin dahil sa katandaan na rin at panghihina magmula nang mawala si Lola.

Hindi ko pwedeng dalhin si Snow kaya laging kay Third ko inihahabilin ito.

Kung dati ay nasasama ko siya pero magmula ng pumanaw si Lola lagi nang nagiging emosyonal at hysterical si Lolo kapag nakakakita ng aso at makakasama iyon sa kanya kaya iniiwasan namin na mangyari iyon.

"How many days will you stay there?" Tanong naman niya.

"Five, I hope hindi ako ma-bored do'n," lumungkot ang boses ko at napanguso. Walang Snow sa loob ng limang araw.

"We can video call from time to time. Para makita mo pa rin siya," pagpapagaan niya naman ng loob ko nang makita ang simangot kong mukha.

Napanguso ako. Iba pa rin ang maramdaman ang warmth niya. But, I have no choice dahil hindi ko naman pwedemg ipilit na isama siya.

"Birthday na pala niya 'yung araw ng uwi namin, bibilhan ko siyang maraming pasalubong!" Biglang nagbago ang mood ko nang maalala ito.

Huminto si Third sa pagsalansan ng mga pinagkainan namin at humalukipkip.

"Si Snow lang? How about me?" Maktol niya, nakakunot pa ang noo.

"Ano ba ang gusto mo?"

"Lengua and strawberry," simpleng tugon niya. Ngumiti pa siya kaya ngumisi naman ako.

"Okay, treats para kay Snow and strawberry para kay Kuya Theo!" Tumawa ako.

He gritted his teeth and glared at me. "Okay, wash the dishes alone." Malamig niyang sinabi saka naglakad palabas.

"Hoy! Joke lang eh." Sigaw ko sa kanya, natatawa pa rin pero tuloy tuloy lang siya sa paglabas. Umismid ako, pikon talaga 'yon kahit kailan.

Hindi na ako nag-abala na tawagin pa siya kaya nagsimula na akong maghugas ng mga nagamit namin sa pagkain. Hindi pa ako nakakalahati nang maramdaman ko si Third sa likod ko at kinuha bigla ang hawak kong sponge.

Kita mo, babalik din pala. Baliw talaga kahit kailan. Wala siyang sinabi sa akin at tahimik lang na pinagpatuloy ang ginagawa ko kaya hinayaan ko na lang.

"Akyat na ako, mag-aayos na ako ng damit ko," paalam ko sa kanya.

Tumango lang naman siya sa akin, bahagyang nakanguso. Umangat naman ang gilid ng labi ko dahil sa nakikitang reaksiyon niya.

"Tampo pa, bilhan pa kita ng sampo." I chuckled. Kinalabit ko ang pisngi niya pero umiwas lang siya.

"Tss.."

Bago pa siya mas lalong mainis sa akin ay iniwan ko na siyang mag-isa sa kusina. Tumatawa ako habang paakyat sa hagdan namin dahil sa kanya. Ang bilis mapikon pero mas malala naman siyang mang-asar sa akin.

Falling To Pieces Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon