CHAPTER 9

14 0 0
                                    


Treats

Hindi mahirap pakisamahan si Third.

Sa totoo lang kahit suplado siya, mukha lang pala dahil sa features niya at sa tono ng pagsasalita niya pero madali pa rin siyang makagaanan ng loob at kapag naging close kayo, doon mo masasabi na masarap pala siyang kasama.

Through the years since we've met, we already created a connection and bond that made us understand each other.

Hindi ko alam pero bigla na lang kaming nag click dalawa kahit magkaiba kami ng personality. Dahil kahit ganoon, nagkakasundo pa rin kami sa maraming bagay. We always sing together, sabay din kaming nag-aral at natutong tumugtog ng gitara at hanggang ngayon ay isa sa hobbies namin iyon bukod sa pag-aalaga kay Snow.

I want to thank Snow because of that, I think siya ang naging bridge kung bakit close na close kami ni Third ngayon dahil siya ang lagi naming kasama sa halos lahat ng lakad namin ni Third. Maalaga din kasi siya kay Snow and sabi ko nga sa inyo, she's very precious to me dahil bigay siya ni Lola sa akin.

Sadly, my grandma already left this world four years ago because of a sudden accident. Sobra ang iniyak ko noon dahil hindi ko matanggap lalo pa at pinamigay lahat ni Lolo ang naiwang alaga ni Lola noon dahil sa trauma. Si Snow na lang ang naiwan sa akin at sa kanya ko nararamdaman ang presence ni Lola kaya sobrang halaga niya.

Third loved Snow the way I do, kaya dalawa na kaming nagmamay-ari kay Snow ngayon.

Kahit nagising ako sa malakas na tahol niya, napangiti pa rin ako at mabilis na bumangon sa higaan ko para salubungin siya ng yakap.

"Yes, good morning too my baby!" Masiglang bati ko sa kanya. I giggled when she started licking my face. Napadaing ako ng kaonti nang tumalon siya sa kama ko.

Malaki na si Snow at mabigat kaya hindi ko na siya mabuhat, pero hindi pa rin nawawala ang sigla niya at kalikutan.

"Are you hungry? Mamaya bibili tayo ng treats mo kasama si uncle Third!" Humagikgik ako pagkatapos sabihin iyon.

I can already see his death glare everytime he hears those call I created exclusively for him. Iyon ang pang-asar ko sa kanya kapag naiinis ako.

Nang gumalaw muli si Snow sa tabi ko, napadaing ako nang maramdaman ang puson ko, natigilan ako. Is this the time of the month already?

Hala! Malala pa naman ang sakit ng puson ko kapag first day. Minsan nagkaka-dysmenorrhea pa nga ako, sana naman huwag umarya ngayon.

Weekends naman pero plano kasi namin ni Third na bumili ng mga treats para kay Snow dahil paubos na ang mga iyon. Ipapa-trim rin kasi namin ang balahibo niya ngayon.

Medyo tinanghali ako ng gising pero ang usapan namin ni Third mga after lunch pa kami pupunta.

Pwede kaya siya ngayon na? Baka hindi na ako makapunta mamaya kasi kapag totoong may period nga ako, mas sasakit pa itong puson ko.

10:00am, iyon ang nakita kong oras sa wall clock ko bago ako dumiretso sa restroom para maligo. Confirm, I really have my period today.

Mabilis lang akong nakapag-ayos at pagbaba ay kumain na rin kaagad. Wala si Mommy sa living room at sa kusina namin kaya baka nasa kwarto pa niya kaya hindi ko na inabala.

Dala si Snow, lumabas na ako sa bahay para tumawid sa kabilang bahay dahil yayayain ko na si Third.

Natigil ako saglit nang nadatnan ko sa sala si kuya Theo, ang nakakatandang kapatid ni Third. Nakaupo siya sa sofa nila at nagbabasa ng libro. Hindi maitatanggi ang gwapo nitong mukha lalo na at may suot pa siyang specs ngayon. Magkaiba din sila ng features ni Third dahil mas maamo ang mukha ng kanyang kuya at palangiti din siya.

Falling To Pieces Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon