No Better
"Congratulation for being on top 10, anak! What reward would you like? Should I buy you another balenciaga shoes?"
Iyon ang bungad sa akin ni Dad pagkauwi pa lang namin ni Mommy sa bahay galing sa meeting sa school. Ang bilis naman talagang magpakalat ng balita ni Mom. Siguro kakaannounce pa lang ng pangalan ko, naitext niya na agad kay Dad.
Ramdam kong masaya talaga sila na nakakuha ako ng mataas na grades ngayong first grading bilang senior high school. First time ko rin naman kasing masama sa top 10 bilang with honors. Sa junior year ko sa school laging kinakapos pero nakakatanggap rin naman ako ng appreciation sa kanila dahil hindi naman ako bumabagsak.
Pero iba pa rin ngayon dahil kasama na ako sa with honors. Naks naman, talaga namang nagbabagong buhay ka na Luna. Pagigihan mo pa para naman may conduct award ka na sa susunod.
"Uhmm, Dad, can I ask something? Marami na rin naman akong mga shoes kaya okay na po ako doon. Sumali po kasi ako sa music club namin sa school and gusto ko pong magsanay ng piano or keyboard, kung okay lang?" Wala kasi kaming ganoon sa bahay kaya kailangan kong bumili.
Wala pa naman akong ipon na allowance kaya ito na ang pagkakataon ko para makasimula nang magsanay. Kapag kasi nag alok na si Dad ng gusto niyang iregalo sa akin, bawal na ako tumanggi. So I should take this opportunity.
"Hmm, nagbabago na yata ang taste mo ngayon anak? But wait for it, I'll buy you a piano. Anything my daughter ask, I will give it willingly."
"Thanks, Dad. The best ka talaga!" Tumakbo ako sa kanya para yakapin siya. Dinampian ko rin ng halik ang magkabilang pisngi niya.
"Ayaw ko sana dahil spoil na naman sa'yo 'yon Luna but I'll support your new hobby. Mas gusto ko na iyon kaysa naman umitim ka sa kaka-basketball." Si mommy sa likod namin ni Dad.
Hindi na ako sumagot at nginitian na lang siya bago nagpaalam na maliligo na. Pagkatapos kong maligo, hindi pa naluluto ang dinner kaya naman kinuha ko muna ang phone ko para magbasa ng message sa group chat namin sa school.
Madalas kasi na may pahabol na gawain doon ang mga teachers namin, minsan naman ay announcement. Mahirap ng kaligtaan 'yon, naalala ko noon na nagusap usap lahat sa gc namin ang mga kaklase ko na magsusuot sila ng P. E uniform pero dahil loabat na ako at hindi na nakapagbasa sa gc, nag-iisang naka uniform akong pumasok kinabukasan. Nakakahiya at pinagtatawanan pa nila ako. Ayaw ko nang maulit iyon.
Pagka-connect ko pa lang ng phone sa Wi-Fi namin, panay na ang tunog nito dahil sa tadtad na naman na chat sa messenger.
Binuksan ko ang gc namin sa buong section na kasama ang adviser namin dahil may nakita akong chat doon pero pagbukas ko, bumungad sa akin ang picture na sinend ni Yael. Ngumiwi ako nang makitang si Third iyon na may kasamang babae sa isang cafe. Nakaakbay siya dito at nakahawak naman ang babae sa baywang niya. Hindi nakangiti si Third pero malawak ang ngisi ng kasama.
Yael: Guys! Our silent womanizer came back! Dadaigin niya na talaga si Gerald sa dami. Nakatatlong date ngayong araw mga tol! #tahimikperomatinik
Kumunot ang noo ko sa sinend niya. Feeling ko wrong send 'to dahil andito rin sa gc iyong adviser namin. Sinesend niya kasi iyon madalas sa gc naming magkakaibigan kahit naka add doon si Third. Hindi naman kasi madalas mag bukas ng chat 'yong isang 'yon. Paano busy sa babae.
Julian: Chismoso mo pre HAHAHAHA
Brandy: Wrong send ka pre, may teacher tayo dito!
Naki- haha react ako sa chat na iyon ni Brandy.
Yael: Hala gagii, akala ko sa kabilang gc.
Pagka-chat niya no'n, nakita kong naka unsent na ang picture at unang chat niya.
BINABASA MO ANG
Falling To Pieces
Roman d'amour"For a lot of years I tried to become someone who's very far to my personality. I guess I fell in love too much and now I am slowly.... Falling to Pieces" Genre: Teen Fiction/ Romance