Prologue
Long messy black hair with bangs, oval shape face, thick eyebrow, dowturned eyes, bulbous nose and plump lips.
Suot ang medyo maluwang na blouse, hindi maiksi pero hindi rin naman mahabang palda at puting rubber shoes.
That's what I am seeing in front of the mirror right at this moment. Everytime na haharap ako sa salamin, lagi kong tinititigan ang sarili ko. I have nothing to worry about anything right?
Masaya na ako sa nakikita ko ngayon. This is me and I like myself. Wala ka ng dapat baguhin sa sarili mo, Luna.
So after a lot of minutes and putting some powder in my face, lumabas na ako sa kuwarto ko at bumaba na para pumunta na sa school.
"Luna hurry up, kanina ka pa hinihintay nila Third diyan sa labas," bungad na sinabi sa akin ni Mom, pagkababa ko pa lang ng hagdanan.
Napahinto ako saglit sa paglalakad. "Sasabay ulit ako sakanila?" Tanong ko pero hindi na gaanong nagtaka.
"Yes anak, your Dad has an early important business to do, ginamit ang sasakyan so..." hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya at nagkibit balikat nalang.
I groaned a little pero mukhang hindi naman napansin iyon ni Mom. If I am going to come along with our neighbors, my mom's family friend. That means, I have to be with Third again! Urghh, that annoying man.
Siya na naman ang bubungad sa umaga ko.
"By the way Mom... do I look okay? Maganda ba ako ngayon?" Pahabol na tanong ko sakanya habang palabas ng bahay.
Baka lang kasi biglang andiyan siya at mukha na naman akong ewan. Minsan kasi walang pasabi iyon na dumating na pala.
Do you know who I am talking about? Well, I am referring to my crush.
"Alam mo anak? You look great..." dahan dahang sagot ni Mom habang papalapit sa akin.
Ngumiti naman ako sakanya at magpapasalamat na sana pero napigilan ng dagdag na sinabi at ginawa niya.
"Without this." Tinanggal niya ang cap na suot ko after niyang sabihin iyon.
Ngumuso naman ako at napasimangot. "Mom it's my style!" Himutok ko at binawi sakanya ang cap.
"Do you have to wear that always? And look at your uniform. Hindi naman iyan ang ipinagawa namin sayo ah? Wear something feminine, doon lilitaw ang ganda mo." Tuloy tuloy na sinabi niya.
"Whatever!" Iyon nalang ang naisagot ko bago tuloy tuloy na lumabas ng bahay. Umirap pa ako sa kawalan. Bakit ba tinanong ko pa siya? Eh iyon naman lagi ang sagot niya sa akin. Hindi ka na nasanay Luna.
Pagkalabas ko palang, bumukas na agad ang pintuan ng back seat kaya mabilis na akong sumakay doon.
Pagkasakay ko sa loob napalingon agad ako sa katabi ko at matalim na sinalubong ang mata ng nakatingin sa akin.
Bumungad sa akin ang kunot niyang noo habang nakahalukipkip ang dalawang kamay. Nakaangat pa ang gilid ng kanyang labi.
"What? 'Wag mo akong umpisahan ng titig mong ganyan Third. Sinira na ni Mommy ang mood ko ngayon, 'wag ka ng dumagdag." Tuloy tuloy kong sinabi sakanya habang umaayos ng upo.
"Tss..." his only response and ignored what I said. He put his earphone to his ears and looked away. Nagpasalamat naman ako ng hindi na gumana ang pasmado niyang dila ngayon.
This man beside me is my childhood enemy. Bata pa lang kami lagi na niya akong pinagagalitan at sinasaway. Lagi ring mainit ang ulo sa akin kaya naman lagi ko na rin siyang inaaway. Mapang-asar din kasi minsan. Until now, ngayong grade 10 na kami hindi pa rin kami magkasundo.
BINABASA MO ANG
Falling To Pieces
Любовные романы"For a lot of years I tried to become someone who's very far to my personality. I guess I fell in love too much and now I am slowly.... Falling to Pieces" Genre: Teen Fiction/ Romance