CHAPTER 8

5 0 0
                                    

Frenemy

I don't want to grow up without experiencing some of my childhood memories. I want to have moments as a child.

Iyong may dadalaw sa bahay mo para makipaglaro, or dadamay sa'yo sa mga kalokohan mo at sabay niyo lang tatawanan ang mga 'yon. Iiyak kapag may nasirang laruan, mag-aaway saglit pero ilang minuto lang ay bati na ulit. Mga gano'n ba. It's one of my dream until now that I am already seven years old.

Ako pa lang kasi ang nagiging anak ni Mommy at Daddy.

Hindi ko alam kung masusundan pa ako. Para sa akin mahirap iyon dahil gusto ko ng kapatid, gusto ko ng may kalaro. Hindi ako sanay na mag-isa lang na bata dito sa lugar namin. Hindi ko rin naman kasi close ang mga kapitbahay at wala silang anak na halos kasing edad ko lang.

At tingin ko napapansin din nila Mom iyon kaya hinayaan nila na iuwi ko ang isa sa mga alaga ni Lola na puppy noong ibigay sa akin iyon. Even though it's a dog, parang naging katuwang at kalaro ko na rin siya lalo na kapag nasa trabaho sila Mommy at kasambahay lang ang kasama ko dito sa bahay.

"Snow, come here!" I called her noong nakita ko siya sa labas ng gate namin at tumatahol.

Kanina ko pa siya hinahanap para pakainin dahil maglilibot ulit kami sa park, malapit dito sa bahay.

When she heard my voice, she immediately ran to me so I welcomed her with a hug. Naramdaman ko agad ang warmth niya at malambot na balahibo. I love her so much because she reminds me of my grandma's hug when I was a child. Sa Baguio kami noon nakatira kasama sila Lolo at Lola kaya ngayon madalang ko na siyang makasama kasi lumipat na kami dito sa Nueva Ecija dahil malapit dito ang business nila Daddy.

Masyado akong malapit kay Lola kaya sobra ang iyak ko noong aalis na kami. She said I can bring snow with me to make me feel her warm embrace and smell her scent. Paborito niya kasi ang Mommy ni Snow na si Winter. Siberian husky na alagang alaga ni Lola.

Do you know that she's a lucky baby dahil siya lang ang isang naka survive na anak ni Winter? At ang nakakatuwa pa ay white na white ang kulay ni Snow.

"What's wrong?" Tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagtahol kahit yakap ko na.

Ngayon ko lang napansin na may maingay na mga truck pala sa tapat ng bahay namin. May mga nagbubuhat ng gamit papasok sa bagong gawa na bahay sa tapat.

May bagong lipat?

Sana may kaidad ako para maging kalaro namin ni Snow. Natawa ako sa sariling naisip. Iyon talaga ang unang pumasok sa isip ko?

"Mom?" Tawag ko nang mapansin ang bulto niya.

Lumapit ako sa bukana ng gate namin at unti unti kong narinig ang boses niya sa labas. Hindi pa ako nasiyahan at binuksan pa ang gate para lumabas.

May kausap siyang mga lalaki na nagbababa ng gamit sa isang truck.

"Be careful with those. Babasagin iyan kaya dapat ingatan!" Sigaw niya sa mga nagbababa ng malaking kahon.

Kumunot naman ang noo ko, bahay din ba namin ang kagagawa lang sa tapat? Parang hindi naman nabanggit nila Mommy noon? At saka sino ang titira diyan kung gayon. Ang luwang na ng tinutuluyan namin ngayon!

"Mom, what's happening?" Tanong ko sa kanya nang nakalapit, hawak pa rin si Snow.

"Oh anak! I'm just helping my friend. Galing silang Canada at lilipat na rito sa Pilipinas. Actually, andiyan na sila sa loob!" Hindi halata sa boses niya ang excitement.

"Ah okay po," maikling sagot ko at tumango tango pa.

"Nakasuot ka na naman ng cap! Tanggalin mo nga iyan!" Suway niya nang mapansin iyon sa ulo ko.

Falling To Pieces Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon