CHAPTER 7

10 1 1
                                    


Close

"What a peaceful morning..." I whispered to myself when I decided to go outside of our room. 

Pagtapak ko pa lamang sa lupa ay binati na agad ako ng banayad na preskong hangin at tunog ng dagat na humahalik sa pinong puting buhangin. Wala pang mababakas nang pagsikat ng araw sa kalawakan ng dagat. Ako palang yata ang unang gising sa aming lahat dahil madaling araw pa lang naman. 

Hindi ka rin naman natulog, Luna kaya ikaw talaga ang unang taong gising... sigaw ng kabilang isip ko. 

Alas dos na kasi kaming natapos sa kantahan kanina at ngayon ay alas singko pa lamang ng umaga. Hindi ako madalaw ng antok kaya naman naisipan ko nalang na tanawin ang dagat at maglakad lakad sa shore nito. 

After all I want peace, I want to calm my heart, I want to feel warmth in it and I want to think clearly. Ang dagat lang ang tingin kong magpapakalma sa akin sa ngayon. 

Habang lumilipas ang mga oras kagabi na nakakasama namin sila Theo, mas lalong naninikip ang dibdib ko. Tila ba anumang minuto ay sasabog na ito kaya ako ang naunang magpaalam na inaantok na, habang sila ay nagkakasiyahan pa kanina.  

Pero hindi naman ako nakatulog at tumitig lang sa kisame ng room ko. Nang mapagod doon ay naisipan kong sa dagat nalang tumanaw at hintayin ang pagbukang liwayway. 

The ocean always calms me and gives me peace, that's why we always come here whenever we need rest.

Bakit nga ba kung makareact ako ngayon parang katapusan na ng mundo? 

My little hope for Theo already ended, yet my feelings still remained pero wala na rin namang saysay 'yon 'diba? 

Dahil Luna, mahal na mahal niya ang girlfriend niya. 

Masakit ang katotohanang iyon. But I realized, I am still young to think this deeply and make this a big deal na nanakawin na nito ang dapat masayang mood ko, hindi ko na magawang makipag bonding sa mga pinsan ko dahil lang nawala ako sa mood kanina. 

At magmula noong malaman kong may girlfriend siya, hindi ko na magawang maging masaya. 

I should accept the fact that we can't be together anymore. That I can't already be the person he would love kasi Luna, sinasampal na sa'yo oh. 

Masakit man pero kailangang tanggapin. Sabi ko hindi na ako aasa eh. I said I will keep admiring him from afar even though he can reciprocate my feelings towards him, but I can't do it anymore, my heart can't handle another pain anymore. 

Noon natatakot ako na baka wala na akong makilala na katulad niya pero ngayon natatakot akong ikamatay ko ang sobrang sakit ng puso. At natatakot din akong maging kontrabida sa buhay nila. 

Ganoon kasi ang mga napapanood ko sa pelikula, na sa sobrang pagkagusto sa isang tao, nagiging selfish na makuha lang ang mahal. Don't turn into a person that you will hate, Luna. 

Ayaw ko ring maging bitter. I should explore. Marami pang pwedeng mangyari sa hinaharap. Marami pa akong taong makikilala. 

Maybe I am just envious. No, I really am envious dahil ang swerte ni Lixie kay Theo. 

Pero sabi ko nga kanina, I am still young and my season will yet to come. Darating ka rin doon Luna, may makikilala ka rin na katulad ni Theo. Hindi lang naman siya ang tao sa mundo.

Ngayon focus on your supposed goal as a student. To be successful and make your parents proud. 

I took a heavy sigh after that long thought. Indeed, the ocean never fails to calm me.

  

Ilang oras pa akong naglakad lakad lang ng mag-isa sa gilid ng pampang habang hinihintay ang pag-angat ng araw pero hindi ito lumitaw dahil sa makapal na ulap na tumatakip dito. 

Falling To Pieces Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon