Chapter 10

51 4 0
                                    

Masayang naglalakad pabalik ng school si Michael. Nakangiti siya habang naglalakad at panay ang sulyap sa bulsa niya. Nandon ang pouch at nasa loob non ang Jade Bracelet na binili niya para lamang kay Liryz.

Kailangan niyang makarating ng 3pm sa library dahil sa sinabi sa kanya ni Liryz. Habang papalapit na siya sa library ay nadaanan niya ang isang kumpol ng mga estudyante.

Si Ikina, pinagkakaguluhan ng mga estudyante dahil sa kanyang pagkanalo sa Flitch. Kahit na nakangiti itong nakikisalamuha sa iba ay makikita ang pagkayamot sa itsura ni Ikina habang kasama si Saru na ayon ay nakaakbay sa kanya.

Nang makita ni Ikina si Michael ay dali-dali nitong tinanggal ang braso ni Saru na nakaakbay sa kanya saka ito tumakbo papalapit kay Michael at humawak sa braso nito na siyang kinagulat naman ng lahat.

Labis din itong ikinagulat ni Saru saka sinamaan ng tingin si Michael.

"Puwede ba akong sumama sa iyo Mike?" Nakangiting tanong ni Ikina kay Michael, nanatiling nakatulala sa kanya ang binata. Mas nainis naman si Saru dahil don.

"H-Huh?" Naiusal niya na siyang ikinasimangot ni Ikina.

"U-Um...kung hindi pwede okay lang---"

"Hindi! I mean...pwede kang sumama"

Dahil sa pagkabigla ay napa-oo ito kay Ikina. Muli namang napangiti ang dalaga saka mas hinigpitan ang kapit sa braso ni Michael dahilan para masugod na ni Saru ang binata. Akmang kokohelyuhan na ni Saru si Michael nang biglang humarang si Ikina sa harap ng binata.

"Sige, subukan mo at hinding-hindi na kita pagbibigyan sa mga invite mo sa akin" Nakangising sabi ni Ikina kay Saru dahilan para tumigil ito.

Inirapan ni Ikina si Saru saka nangiinis na hinila si Michael papuntang Library. Nang makarating sila sa Library ay agad siyang pumunta sa paborito niyang lugar at doon niya naabutan si Liryz na matalim ang tingin sa kanya.

Nailang siya bigla dahil nakahawak pa rin sa braso niya si Ikina. Pinagtitinginan na din sila ng mga estudyante dahil sa kanya. Pagdating nila sa kesa ay binigyan sila ng isang mataray na tingin ni Flian, isa sa mga close friend ni Liryz.

"Sinabi ba ni Liryz na magdala ka ng kasama?" Masungit na tanong ni Flian. Nakangiti lang na nakatingin si Ikina sa kanya.

"Ahh...ehh...hindi ko naman kasama yan kanina" aniya sabay kamot ng ulo.

"Ohhh, mukhang may usapan ata kayo. I guess, ibu-bully niyo na naman si Michael?" Nakangiting sabi ni Ikina kay Flian. Biglang itinulak ni Britney si Ikina pero hinarang ito ni Michael kaya siya ang tinamaan.

"Stop it Britney!" Pasigaw na awat ni Liryz. Natulala ang lahat dahil sa lakas ng sigaw nito, pinagtinginan na sila ng mga tao sa Lobrary. Nilapitan sila ng isang Student Assistant at binigyan sila ng Waring, pinaalala din nito na nasa Library sila at wala sa palengke.

"I think you're in good hands Mike. I'll go ahead" sabi ni Ikina saka tumayo at umalis na.

"Sorry" sabi agad ni Michael kay Liryz na inis na nakatingin sa kanya.

"Hindi ko siya kasama kanina, sumama na lang siya bigla" naiilang na sabi ni Michael.

"I know" sabat ng isang lalaki na papalapit sa kanila.

"Brent!" pasigaw na sabi ni Britney. Napatingin silang lahat sa lalaking papunta sa kinaroroonan nila.

"Sino naman ang sasama sa isang insekto na kagaya mo?" pang-iinsulto nito kay Michael.

"So hindi ka pa pala naalis dito sa William Jones. Ang hina naman ata ng pest control ng university natin" Patuloy na pang-iinsulto nito kay Michael.

"Brent, could you please stop that? I invited Michael for my Math lessons, hindi para laitin mo" Painis na sagot ni Liryz kay Brent.

"Oh, so you're getting this cockroach as your student tutor?" nagugulat na taong ni Brent.

"NO!" Mabilis na sagot ni Flian kay Brent,

"Nasira niya kasi ung Jade Bracelet ni Liryz" Patuloy na sagot ni Flian.

"Ha! Ha! Ha!" malakas na tawa ni Brent kahit binawal na ng student assistant ay patuloy pa din ito sa ginagawang ingay.

"Siguradong wala kang pambayad hano? Kaya magpapaalila ka na naman" Patuloy na pangungutya ni Brent kay Michael. Isang matalim na tingin lang ang iginanti ni Micahel dito na siya namang ikinangisi ni Brent.

"Aba... 6 months lang akong nawala dito pero mukhang natuto ka ng lumaban ahh. Bakit may pambayad ka na ba ngayon?" Sabay tawa palapit sa mukha ni Micahel. Hindi na lang kumibo si Michael, sa halip ay kinuha niya ang pouch mula sa kanyang bulsa saka yon nilapag sa mesa.

Kumunot ang noo ni Brent saka kinuha ito at binuksan. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita. Natawa si Brent.

"Iba na talaga ang mga imitations ngayon 'no? Magkano sa palengke ito? 50 pesos?" Natatawang tanong ni Brent saka pinaikot-ikot ang Jade Bracelet sa daliri nito.

Biglang itong inagaw ni Britney kay Brent. Tiningnan niya ito ng mabuti at napasigaw nang mapagtantong tunay ito.

"Oh my Gosh! This one is real! It cost more than 2 million pesos!"

Nagulat silang lahat at napatingin kay Michael dahil alam nilang hindi nagsisinungaling si Britney dahil ang pamilya nito ang nagmamay-ari ng mga sikat na jewelry shop sa buong bansa. Si Brent ay parang binuhusan ng yelo dahil sa pagkabigla.

~To be Continued...~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now