Chapter 4

29 7 0
                                    

~Michael's POV~

Paglabas ko ng hotel ay kumuha ako ng taxi pauwi sa dorm. Habang nasa taxi ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay isang mensahe mula kay Manager Dong ang aking natanggap.

From: Manager Dong
Young master Park, ipag-
paumnahin niyo po pero
pina-link ko na po ang
inyong phone number sa
Palladium card na hawak
niyo. Maari niyo pong
ma-access account ng
card kahit hindi niyo
ito dala. Gamitin niyo
na lamang po ang iyong
cellphone.
8:16pm

Wala sa sarili akong napangiti.

To: Manager Dong
Salamat
Message Sent!

'Nagugustuhan na kita manager Dong'

***

Pagdating sa dorm ay nadatnan ko sina Warren at Rhenzo na naghihintay sa akin.

"Mukhang masaya na kayo ah" bati ko sa dalawa.

Ngumisi si Rhenzo "Ano ba ang magagawa namin? Kahit umiyak kami ng isang lingo wala kaming makikitang P9 Million" aniya "Tara na nga't pumunta kay Mang Remy, kahit sa huling sandali natin dito eh makapagkwentuhan pa tayo sa kanya at pati na din kay Aling Nenita" dagdag niya pa saka lumabas kaya't sumunod na kami ni Warren sa kanya.

Masaya kaming naglakad papunta sa Old School Cafeteria. Ito ay pagmamay-ari ng mag-asawang sina Manong Remy at Aling Nenita, sila ang mga taong nakakapakinig sa mga hinaing namin dito sa eskwelahan. Pagkapasok pa lang ng cafeteria ay agad nang sinalubong at niyakap ng mag-asawa sina Rhenzo at Warren.

"Mang Remy naman, nandito po kami para magsaya" maluha-luhang sabi ni Rhenzo. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot para sa dalawa.

Inaya kami ng mag-asawa sa rooftop at habang dumadaan kami sa mga estudyante sa loob ng caferia ay magsisigawan at nagchichismisan na ang mga tao.

"Mang Remy, bakit dala niyo na naman yung mga alaga niyong daga!" Sigaw ng isa, at nagtawanan ang lahat sa loob ng cafeteria.

"Hayaan niyo na, bukas ay mababawasan na ng dalawa yan!" At lalo pang nagtawanan at naghiyawaan ang lahat. Masayang-masaya sila. Yung tipong magpapa-party na sila sa sobrang saya.

Nakita kong mapailing si Mang Remy pero nagpatuloy lang kami sa pag-akyat sa Rooftop. Pagkadating sa taas ay agad na kinausap ni Mang Remy yung dalawa at tinanong.

"Ano ang balak niyong dalawa ngayon? Alam na ba sa inyo ang nangyrari?" Seryosong tanong niya.

"Hindi pa po eh" sagot ni Warren habang dinukot ang papel kung saan nakalagay ang account number na dapat nilang pagdepositohan ng pera.

"Kakausapin ko si Mr. Wright, titingnan ko kung may magagawa ako" Bumaba ng rooftop si Mang Remy upang kunin ang kanyang cellphone, napabugtong-hininga naman yung dalawa.

Humarap si Warren sa'kin "Mami-miss kita pre" aniya saka tinapik-tapik ang likod ko.

"Ang drama mo" singhal ko.

"Eto naman ang sungit, aalis na nga kami eh ganyan ka pa" malungkot niyang sabi habang nakanguso.

'Ang sagwa!'

"Wag kang gumanyan, hindi bagay sayo"

"Kahit-kailan talaga..." singhal naman ni Rhenzo "Halika nga dito" aniya saka ako niyakap, yumakap din si Warren.

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now