Chapter 6

26 7 0
                                    

~Third Person POV~

Sa gitna ng tawanan ng grupo ay pumasok ang table na pinakuha para kay Michael, pinalagay ito sa pinakasulok para magmukhang kawawa ang binata.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga pagkaing inorder ni Saru.

"Ayan na yung pagkain!" Wika ng isa sa mga kaibigan ni Saru habang nakaakbay pa sa kanya na ayun ay nakatingin lamang sa pagkain.

Nagtataka ang binata dahil nadagdagan ang kanyang order at ang mga nadagdag pa ay ang mamahaling pagkain ng hotel.

"Excuse me" ani ni Saru sa waiter na nagmamanage ng order nila "Mali ata ang mga pagkain na dala niyo" aniya pero nakatingin lang ang waiter sa kanya

"Wala po sa order namin ang iba diyan" dagdag pa niya.

"Sir, these foods are complimentary foods from Metrolpolis Grand Hotel for having a vip guest in your group" nagulat si Saru "These are all free sir. Thank you and enjoy your stay here at the hotel"

"Wooooohhhh!" Sigawan ng grupo.

"VIP GUEST?" Ani ng isa pang lalaki sa grupo "Sino pa nga ba yon eh di ikaw lang Saru!" nagpalakpakan pa yung iba.

Habang kumakain, lalo pang nagyabang si Saru sa grupo.

"Kita niyo naman guys, basta kasama niyo ako mag-eenjoy talaga kayo" pagmamalaki ng binata sabay kindat kay Ikina pero matipid na ngiti lang ang ginanti nito kay Saru saka muling sumulyap kay Michael.

"Grabe! Napaka-big time mo talaga Saru!"

"Oo nga! Biruin mo...VIP ka sa hotel na ito! Hahahaha"

"Kaya sayo kami pare eh"

"Hahahahaha!" Buong yabang na tumawa si Saru "Siyempre! Hindi lang puro kagwapuhan lang ang meron ako, mapera din ako. Bwahahahaha!" Nagtawanan silang lahat saka nag-toast.

Puring-puri talaga ng grupo si Saru, dahil kung tutuusin ay abutin ng kalahating milyon ang halaga ng pagkain na ibinigay ng hotel sa kanila. Dahil dito ay mas lalo pang nagyabang si Saru.

"O Michael, buti sumama ka sa amin. Nakakain ka na naman ng totoong pagkain" Nagtawanan na naman ang lahat

"Baka magkasakit ka niyan Micahel ang alam lang ng sikmura mo ay pagakaing daga" sabi pa ng isa pero tuloy-tuloy lang sa pagkain si Michael, sanay na siya sa pang-iinsulto ng lahat.

Ang ikinalulungkot niya ay ang pagtrato sa kanya kanina ni Ikina.

'Akala ko iba ka, katulad ka din pala nila'

Sabi ni Michael sa kanyang sarili. Ang alam niya kasi ay iba ito sa ibang mayayaman.

Habang si Ikina naman ay palihim na sumusulyap kay Michael at ikinaiinis yon ni Saru.

'Kung alam ko lang na magkakilala na pala ang dalawa ay hindi na niya sana isinama si Michael!' Sigaw ni Saru sa kanyang isip.

Inis na inis siya dahil nakikita niyang panay ang sulyap ni Ikina kay Michael. Nagpatuloy ang lahat sa pagkain. Nagsasaya pa din ang iba, si Michael naman ay lagi pa ding inaasar at si Ikina ay panay ang sulyap lang.

Nang ibinigay kay Saru ang bill napakunot ang noo nito, pero bago pa siya makapagsalita ay agad nang nagpaliwanag ang waiter.

"Sir because of the VIP Guest in your group, 50% discount was given to you by the hotel" nakangiting sabi ng waiter at hiyawan ulit ang grupo dahil sa narinig.

"Woooooah! Iba ka talaga Saru!"

"Saru lang malakas!"

Papuri sa kanya ng mga kasama at buong yabang namang ngumiti si Saru sa kanila at mas niyabangan pa ang kanyang pagsasalita at asta dahil lang sa inaakala niyang VIP siya.

***

Kinaumagahan sa university ay usap-usapan ang nangyari kina Saru bilang VIP guest ng Metrolpolis Grand Hotel.

"Saru, kami nman ung ilbre mo mamaya!" kantiyaw ng isa sa hindi mga nakasama.

"Sige na Saru" sabi naman ng isa.

"Oo nga naman! Ang tagal na nating friends pero ni minsan di mo kami nililibre"

"Sige guys isasama ko kayo kapag pumayag si Ikina na sumama din mamaya" sabi ni Saru saka kumindat sa dalaga.

"H-Ha?" Nagulat si Ikina.

"Sige na, pleeeeeaaase" nakangusong sabi ni Saru sa kanya at nagtilian naman ang mga babae. Ang cute-cute daw.

"Sige ba.." natatawang pagpayag ng dalaga at napangiti naman ng malawak si Saru.

"'O sige! Lahat ng hindi kasama kahapon ay siya naming isasama mamaya!" wika ni Saru at nagsigawan ang lahat.

Pagdating ng 4pm ay nasa South gate na ang grupo. Tumuloy ang grupo at nag-order pa ng mas madami.

"Sige lang! Order lang kayo ng kahit anong gusto niyo" anunsyo ni Saru sa lahat at nagpalakpakan sila. "Tandaan, VIP ako dito. Wahahahahaha!"

Naghintay ang lahat sa pagkain. Pero nakapasok na ang lahat ng inorder nila ay wala pa ang complimentary food galling sa hotel kaya pinatawag ni Saru ung waiter kahapon.

"Excuse me, but where are the complementary foods?" Tanong ni Saru sa waiter.

"Sorry to say this sir, but the VIP Guest that was with you yesterday is not with your group today" Napanganga si Saru sa narinig. Namumula ang mga mukha nito dahil nakikita niya ang bulong bulongan ng mga kasama niya sa grupo.

"Ano daw? Hindi ba't siya yung VIP?"

"Don't tell me nagsinungaling lang siya sa atin na VIP siya dito?"

"Oo nga, ano nangyare ba?"

"Wala na yung complementary foods? Bakit daw?"

Halo-halong bulungan ng karamihan. Hindi rin siya makatingin kay Ikina dahil sa kahiya-hiyang sitwasyon niya ngayon.

"H-How about the 50% discount?" Nauutal nang tanong ni Saru sa waiter.

"You will not be able to access that discount sir, it was only for VIP Guest" kabadong napalunok si Saru "If you have no other question sir, I will take my leave"

Hindi makapagsalita si Saru sa mga naririnig niya. Nagtawanan ang mga kasamahan nito habang kinakantiyawan siya.

"Joke ka pala eh!"

"Scaaaaaam!"

"Oo nga, di ka naman ata VIP guest eh!"

"Kaya nga, tas kung makapagyabang ka kalamo ka sino, wahahahahaha!"

Putlang putla si Saru lalo na ng dumating ang bill.

"What!? 355,000 pesos?!" Biglang sigaw ni Saru, hindi malaman ng binata ang gagawin.

"Is there any problem sir?" Tanong nung waiter.

"A-Ah, N-N-Nothing..." inis niyang kinapa ang card niyang naglalaman lamang ng P250,000.

Lalo pa siyang nainis ng may nagsabing...

"Hahaha! Hindi nga talaga siya VIP Guest dito guys! Wahahahahahaha!" Nagtwanan ang lahat, pero si Saru ay hiyang-hiya at tulala na nag-iisip sino sa kasama namin ung VIP Guest kahapon.

'Sino yung guest na yon?'

~To be Continued...~

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now