Chapter 2

40 10 0
                                    

Lutang ang isip, hindi na ako nakabalik pa sa West Gym. Sa halip ay naglakad ako papauwi ng dorm. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nagyari kanina. May mga nakakabangga pa ako habang naglalakad pero di ko sila mapansin dahil sa pagiging lutang ko.

"Aaaaaahhhhhhh!" Malakas na sigaw ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko kaiisip. Napatingin sa akin ang ibang mga estudyante na naglalakad sa corridor.

"Nababaliw ka na ata!?" Sigaw nung isang estudyante at nagtawanan naman yung iba. Tinapunan ko lang sila ng blangkong tingin saka muling nagtungo papunta sa dorm.

Pagdating ko doon ay nadatnan ko sina Warren at Rhenzo na kapwa tulala at pulang pula ang mga mata.

"Anong nangyari? May-namiss ba akong kaganapan?" Tanong ko sa kanila.

"Malamang matitigil na ang scholarship naming dito sa eskwelahan, at sa malamang makukulong pa kami ni Rhenzo" gumagaralgal na tinig ni Warren habang nakatitig lamang sa sahig.

"Bakit anong nangyari?"

"Mga walanghiya sila. Mga walang puso. Siguro hindi talaga para sa atin ang William Jones University" Pahikbing sabi Rhenzo.

"Anong hindi tayo para dito? Malapit na tayong mag-graduate, dalawang taon na lang. Ngayon pa ba kayo bibigay?" Pagalit nang sagot ko.

"Alam mo ba ang nangyari? Akala mo ganun lang kadali yon!?" Natigilan ako "Nabagsakan lang naman namin ng malaking tubo na kinakabit namin kanina sa third floor yung Mercedes AMG GT ni Principal Wright! Kung hindi dahil sa mga walanghiyang un hindi mangyayari yun!" Galit na galit na sigaw sakin ni Warren.

"T-Totoo ba ang sinabi mo?"

"Oo nga Michael! Di ako nagbibiro!" Sigaw pa niya saka marahan akong itinulak.

Napasulyap ako sa bulsa ko "Wag kayong mag-alala, magiging ayos din ang lahat"

"Magiging ayos lang lahat!? Talaga lang ah!" sarkastikong ani ni Rhenzo "Kung hindi namin yon mababayaran sa loob ng limang araw tatanggalin na kami sa scholarship at makukulong pa kami! Saan kami kukuha ng 9million pesos sa loob ng isang araw, sige nga!? Paano na yung mga magulang ko na umaasa na magiging maganda ang buhay namin. Gusto ko silang patayin. Walanghiya kayo Marco!" Sigaw niya pa, pinagagalitan ang sarili.

Si Marco ay anak ng isang mayamang businessman na nagsusupply ng mga premyadong karne at gulay sa malalaking hotel sa bansa. Sila din ang nagsu-supply sa pinakamalaking hotel sa bansa, ang Metropolis Grand Hotel.

"Hindi, Hindi ko papayagan na mangyari sa inyo yan" sabi ko sabay hawak sa calling card na ibinigay ni Manager Dong sa'kin.

"Baliw ka na nga Michael!" Painsultong sagot sakin ni Warren.

Lumabas ako sa dorm at naghanap ng lugar ng walang tao sabay dial sa mga number na nakasulat sa card.

*RINGING...*

"Yobosseyo?"

*Translation: Hello?*

"Saan kita pwedeng kausapin?" Matipid kong sabi.

"Young Master Park?" Tanong pa ni Manager Dong.

"Tss, nasa'n ka?"

"Young Master Park, nanndito po ako sa Metropolis Grand Hotel ngayon"

"Sige, magkita tayo diyan" sabi ko saka pinutol na ang linya.

Muli akong tumingin sa pinto ng dorm namin saka umalis, lumabas ako ng school at dali-daling tumawag ng taxi at dumiretso na sa hotel.

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now