Chapter 3

47 9 0
                                    

Nagpababa ako sa gate ng hotel at naglakad papasok. Sa aking paglalakad ay muntik na akong masagasaan ng isang BMW Z4. Lumabas ang isang lalaki mula sa sasakyan.

"Akala ko daga yung naglalakad kaya sasagasaan ko sana hahahaha!" Tawa niya sa'kin saka tinignan ang dereksiyon ng pupuntahan ko.

"Bakit ka nandito?" Natatawang tanong niya sa'kin, seroso siya bagaman ay bumubungisngis. "Hindi mo ba alam na bawal dito sa Metrolpolis Grand Hotel Ang mga basurang kagaya mo?"

Dagdag niya pa pero di ko na siya pinansin, sa halip ay dumire-diretso na ako papasok sa hotel. Nag-aaksaya lang ako ng oras dito.

"Aba! Aba! Aba! Mukahng gusto mo yatang magaya sa mga kaibigan mo ahh. Hahahaha!"

Huminto ako at hinarap siyang muli.

"Darating ang panahon na mangyayari sa'yo yang mga ginagawa mo sa amin"

"Hahaha! nakakatakot ka naman! I'm so scared!" Patawang sagot niya sa'kin.

'Tss, bakla'

"Tandaan mo ito Marco, lahat ay may katapusan. Mabuti man o masama ito" sabay talikod at pasok sa hotel.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang button paakyat ng penthouse kung saan naruon si Manager Dong. Bumukas ang pinto at pinapasok ako. Nagtatakang akong tiningnan ng clerk na para bang inaalam kung sino ako dahil nakikita niya ang simple kong pananamit.

Bagaman nagdadalawang isip ang clerk ay sinamahan niya pa din ako sa opisina ni Manager Dong. Alam ko na hinahamak ako ng clerk at napailing na lamang siya. Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ako.

"Magandang gabi, Young Mas---"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa" pagpuputol ko sa akma niyang pagbati "Kailangan ko ng 9million pesos para hindi maalis sa scholarship ung mga kaibigan ko"

Yumuko si Manager Dong at kinuha ang Palladium Card saka yon iniabot sa'kin.

"Young Master, yan po ay may laman na 250,000$. Magkakaroon ng 250,000$ ulit yan kapag ang balance ay bumaba sa 100,000$" Dali-dali kong tinanggap iyon "Young master, kung hindi niyo po naitatanong, ang hotel po na ito ay nakapangalan na sa inyo" sabi niya na siyang nagpakunot ng noo ko.

"Itong hotel na ito?" Tanong ko pa at tumango siya.

"Ito ay binili ni Master Park, noong nakaraang buwan. Nais niyo po bang kayo na ang mamahala sa hotel na ito simula ngayon?" Tanong niya at ngumisi naman ako.

"Hindi ako interesado at wala akong balak na magtagal. Ang kailangan ko lang ay matulungan ang mga kaibigan ko---"

Natigilan ako sa pagsasalita nang biglang mag-ring ang telepono ni Manager Dong. Napatingin siya sa'kin na para bang nagtatanong kung pwede niyang sagotin ang tawag na yon kaya agad akong tumango. Pinindot ni Manager Dong ang loud speaker at sinagot ang tawag.

"Sir may gustong kumausap sa inyo dito sa baba, kanina pa po nagpupumilit na gusto kaung kausapin" Sabi sa kabilang linya.

"Sabihin mo na may kausap akong VIP guest ngayon" Simpleng sagot ni Manager Dong.

"Salamat! Sir nagpupumilit pa rin siya, siya daw po si Marco Enriquez at meron daw syang appointment sa inyo ngayon. Dala daw po niya nag bagong contract ni Mr. Marc Enriquez, isa sa mga supplier natin"
 
"Okay, dalhin mo siya sa VIP room sa 11th floor at pupuntahan ko siya mamaya" sabay patay sa telepono.

"Marco Enriquez?" Pag-uulit ko sa pangalan ng sinasabing isa daw yung tatay niya sa mga supplier dito sa hotel.

"Kilala niyo po siya Young Master?" Nagtatakang tanong ni Manager Dong sa'kin.

"Simula ngayon tinatanggap ko na ang mga inaalok mo sa akin" Nakangiting wika ko at natigilan siya. "At ang una mong gagawin para sa akin ay itigil ang partnership sa Pamilya Enriquez. Kung hindi mo ito magagawa, ay hindi ako makikipagkita sa tatay ko"

Nagulat si Manager Dong sa mga sinabi ko, pero agad ding napangiti.

"Masusunod po, Young Master Park. Simula ngayon ay wala nang mangyayaring partnership sa pagitan ng Metropolis Grand Hotel at Enriquez Familiy" aniya "Lahat din ng hotel na may kaugnayan sa Enriquez Family ay susubukan kong ipatigil ang partnership sa pamilyang ito. Mayroon pa po ba kaung gustong hilingin Young Master Park?"

"Gusto kong palabasin mo ang Marco na yan sa hotel ko at sabihin sa kanya ito, lahat ay may katapusan. Mabuti man o masama ito" sabi ko pa.

Kinuha ni Manager Dong ang Telepono at nagbigay ng instruction sa kanyang assistant sa mga gusto kong mangyari, nakakatuwa.

'Hmmm...mukang nagugustuhan ko na ito ah'

"At higit sa lahat, gusto kong itago mo kung sino ako, ikaw ang tatayong Manager ng hotel na ito" huli kong habilin sabay talikod at labas ng opisina ni Manager Dong.

~Third Person POV~

Samantala, sa 11th floor ng hotel, pumasok ang mga guard sa VIP room. Nakangiting sumalong si Marco sa mga ito.

"Padating na ba si Manager Dong?" Tanong nito sa mga guwardiya.

"Sir maari na po kaung lumabas ng VIP room, ihahatid po naming kayo palabas" sagot ng isa sa mga ito at napamaang ang binata.

"Ano!?" Pasigaw na tanong ni Marco. "Hindi niyo ba ko kilala. Mawawalan kayo ng trabho, sinisigurado ko sa inyo!" Inis sagot ni Marco.

Pumasok si Chief Brandy sa loob ng VIP Room.

"Sir kung hindi kau lalabas ng hotel mapipilitan kaming kaladkarin kau palabas---" Hind pa natatapos ang sinasabi Chief Brandy ay nagring na ang telepono ni Marco.

"Hello dad!?" Sagot nito.

"Marco ano ba ang ginawa mo jan?!" Pasigaw na sagot sa telepono.

"Bakit itinitigil na ang partnership natin sa Metropolis Grand Hotel at sa iba pang hotel Dad?" Tanong ng binata.

"Umuwi ka at dito ka magpaliwanag" sabi ng kanyang ama at wala na siyang nagawa kundi tapunan ng tingin ang mga tao na nandoon sa silid at napilitang umalis.

Nang papalabas na si Marco sa VIP room ay tinawag siya ni Chief Brandon.

"Sir pinapasabi pala ni Manager Dong sa inyo na lahat ay may katapusan. Mabuti man o masama ito"

Napanganga si Marco sa kanyang narinig, hindi makapanilawa.

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now