Chapter 5

25 7 0
                                    

Gabi na nang nagpaalam kami kila Mang Remy at Aling Nenita.

"Aling Nenita, Salamat po ulit sa masarap niyong kare-kare. Kung hindi po dahil kay Manong Remy baka hindi ko na po yan matitikman" masayang wika ni Warren.

"Sa totoo lang, kare kare lang ang naibigay namin sa inyo ngayon. Hindi ko alam kung sino ang nag bayad kay Mr. Wright ng P9Million" sabi naman ni Mang Remy.

"Hindi po kayo?!" Sabay na wika nina Warren at Rhenzo.

"Oo, tumawag lang ako kay Mr. Wright kanina para makahingi dapat ng palugit na araw para sa pagbayad niyo, pero sinabi niya sa akin na pupuntahan daw niya kayo nung nalaman na nandito kayo" sabi pa ni Mang Remy sa kanila.

Bumalik kami ng dorm at naguguluhan ang dalawa pero bakas sa mga mukha ng mga ito ang saya dahil alam nilang matatapos nila ang kanilang pag-aaral dito sa William Jones.

"Naguguluhan ako" usal na naman ni Rhenzo habang pabalik sa dorm.

"Ako din pre naguguluhan, pero wag ka namang paulit-ulit" sabi naman ni Warren.

"Hindi talaga kasi ako makapaniwala eh"

"Kami din naman pre, di makapaniwala" nakangising sabi ko.

"Sino kaya yung nagbayad non? Wala akong kaide-idea"

"Kami din walang kaide-idea"

"Mmm! Umayos ka nga!" Sigaw niya sa'kin matapos akong batukan.

"Wag ka na kasing magsalita! Paulit-ulit ka eh"

"Hindi nga kasi ako makapaniwala!"

"Oh ayan oh, inulit mo na naman!" Sabi ko sabay turo sa bibig niya at natawa sa'min si Rhenzo.

"Hmp! Bahala ka nga diyan!" Sabi niya saka nagpamaunang maglakad.

Pagkadating sa dorm ay kaagad na nakatulog sina Warren at Rhenzo, habang si ako naman ay nakangiting tinitingnan ang dalawa kong kaibigan.

'Kung hindi kayo makapaniwala, mas hindi ako makapaniwalang anak-mayaman pala talaga ako tss'

Kinaumagahan, maaaga akong pumasok sa eskwelahan, papasok pa lang ako ng gate ay namataan ko na si Saru na tila ba may inaabangan.

'Ang aga naman nito, kailan pa siya pumasok ng maaga? Tss...'

Didiretso na sana ako sa paglakad nang maalala ko yung pinapabili ni Saru!

'Kailan pa ba yon?'

Isip ako ng isip pero di ko maalala kung kailan!

'Aha! Kahapon! Kahapon lang pala yon... Lagot ako nito!'

"Aiiishhhhhhh" malakas akong napasinghal saka mabilis na nagbaba ng tingin at nag-iba ng daan.

Pero di pa man ako nakakalayo ay mabilis na dinaklot ni Saru ang kohelyo ko sa batok!

'Patay...'

"At saan ka pupunta?" Tanong niya habang dahan-dahan akong hinaharap sa kanya. "Akala mo makakatakas ka? Itinakbo mo pa yung pera ko kahapong magnanakaw ka, um!" Inis niyang sabi saka pinitik pa yung noo ko.

'Malakas ah, tsk!'

"S-Saru, magpapaliwanag ako, ibabalik ko ung pera mo" taas-kamay kong sabi, sumusuko na "May nangyari lang kasi kahapon na biglaan eh"

"Wala ka ng magagawa doon, hindi ko kailangan ang paliwanag mo" Galit na sabi ni Saru at talaga namang nakakatakot siya.

Nakakatakot siya hindi dahil sa sobra siyang magalit, kundi yung pagmumuka niya ang nakakatakot. Lumalabas ang ugat niya sa noo at leeg na para bang sa anomang oras ay sasabog na, gwapo siya pero pag galit ay nagmumukang halimaw.

"Pero...hindi naman kita sisingilin dun eh"

"H-Ha?"

"May ipapagawa na lang ako sa'yo" Nakangising wika ni niya.

"Sige Saru, kahit ano gagawin ko pero hindi ko talaga sinasadya ung kahapon na nangyari" takot kong sabi.

At sa sobrang takot ay ngayon ko lang namalayan na napapaligiran na pala ako ng mga kaibigan ni Saru.

"Ok, mamayang 5pm, sasama ka sa amin sa Metrolpolis Grand Hotel" aniya at sunod-sunod na tango naman ang sinagot ko. "Abangan mo kami mamaya sa South Gate" sabi niya sa'ka sila umalis. Nagtaka naman ako

'Ano kaya ang nakain nun? Hindi ata ako binugbog ngayon at isasama pa ako mamaya sa Metrolpolis Grand Hotel, aaaahh...bakit ba nagtaka pa ako? Alam ko namang aalipinin lang nila ako don tss'

Taka ko pa din silang sinundan ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko at...

"Late na ako!!!" Napasigaw ako sabay takbo sa susunod naming klase.

***

Matapos ang klase ay agad akong nagmadali at pumunta sa South Gate at naghintay. Pero wala pang ilang minuto ay dumating na ang grupo nina Saru.

'Nandyan na pala sila---OH!'

Nagulat ako nang makitang kasama nila Saru si Ikina!

Ikina Marie Wilson, ang social media sensation ng bansa na may 25Million followers. Transferee siya dito William Jones International School.

"Hi Ikina" nakangiting bati ko sa kanya.

'Grabe ang ganda talaga niya'

"Hello Michael, hihihi" nakangiting bati niya din sakin.

"Ehem!" Kunwaring ubo ni Saru mula sa gilid.

'Epal'

"Tara na guys" sabi niya at sumakay na ang grupo sa anim na Maybach na nakaabang na hiniram ni Saru sa school.

"Siya nga pala Michael. Eto 1k mag taxi ka na lang" sabi niya sabay balibag sa'kin ng isang-libo saka sabay-sabay silang nagtawanan ng mga barkada niya sabay alis.

Napabugtong-hininga na lang ako saka agad na tumawag ng taxi.

***

Pagdating ko sa hotel ay dumiretso na ako sa VIP room na kinuha ni Saru. Pagpasok ko ay nagtatawanan ang lahat, dumiretso ako sa loob at lumapit kay Ikina Marie, don na lang kasi sa tabi niya yung may bakanteng upuan.

Pero di pa man ako nakakalapit ng husto ay nilagyan na niya agad ng bag ang upuan. Napabugtong-hininga ako dahil mukang napansin yon ni Saru.

"Ha! Akala mo ba Michael close na kayo ni Ikina dahil tinulungan mo siya noong nag-aayos siya ng sched niya?" Tatawa-tawa niyang sabi "Eh trabaho mo naman talaga yun bilang dakilang katulong William Jones di ba?" At nagtawanan ang lahat.

Hindi ko alam ang gagawin, wala akong maupuan at napahiya na ako kaya nanatili lang akong nakatayo at nakayuko. Alam ko namang ginagawa niya ito dahil gumaganti siya dahil dun sa kahapon.

"Wag kang mag-alala Michael, nagpakuha na ako ng isang table para lamang sayo" nakangising wika niya sa'kin "Alam ko naman na walang gustong tumabi sa'yo eh. Wahahahahahahahaha!" Nagtawanan muli ang lahat at napatingin ako kay Ikina.

Hindi siya tumatawa at nakasulyap lang sa'kin.

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now