Chapter 1

66 11 0
                                    

~Michael's POV~

"Yuck! He looks so groooosss!"

"Yeah! He does not belong here"

"And this is a private school! Why did they allow this squatter to stay here ugh!"

"Look oh, he's cleaning our gym while we are enjoying to mess this place out. Hahaha!"

"Yeah! I pity him. Hahahaha!"

"HAHAHAHAHA!!!"

Panlalait nilang lahat. Sanay na ako sa ganyan. Tsh. Hindi ko maintindihan ang ugali ng mga estudyante dito. Mukang lahat sila ay may problema sa pag-iisip. They're so immature and childish, ganyan na sila simula pa lang nong mag-aral ako sa International School na ito.

William Jones International School, is an exclusive school here in Cabanatuan City. The most expensive and the most popular college school in the country. It has a net-worth of over 50 billion US dollars and here you can find the children of the richest and well-known families in the Philippines.

Nandito ako ngayon sa West gym sa loob ng school at naglilinis lang pero di ko akalaing may makakakita pa din sakin dito sa dami ng pwedeng pagtambayan dito sa school. May dalawang gym kasi ang school na ito, ang East at West Gym.

Ginamit ito kanina ng ilang estudyanteng nagbasketball at binayaran ako upang linisin ang mga kalat dito. Siyempre pumayag ako dahil may bayad pero di ko naman akalaing sobrang dumi pala magsigamit ng mga yon. Puro kalat, may mga basa pa ang sahig, pati pinagmeriyendahan ay di nila niligpit.

Naiinis ako sa twing inuutusan nila ako ng parang boss at babayaran ng parang isang alipin na nagsisilbi sa kanila. But I have no choice, I need their money to survive in this hell. Saka I'm in my 3rd year college na din naman. 2 years na lang at makakalaya na ako dito sa lugar kung saan hindi na mabilang ang mga pagkakataong naapakan ang pagkatao ko dahil hindi ako nararapat kasi mahirap ako.

Totoo naman ang sinabi nila, di ako nararapat dito dahil puro mayayaman lang dapat ang nandito. Pero kahit inaapi ako ay pakiramdam ko maswerte pa din ako dahil nakapasok ako sa eskwelahang ito dahil nakapasa ako sa scholarship program ng school at nakalibre pa ako sa tuition fee.

Isipin mo 250,000 pesos ang tuition every semester pwera pa yung school fees para sa mga activity na babayaran? Kulang pa ang buhay ko para ipambayad don.

Nagpatuloy ako sa paglilinis nang may tumawag sa'kin.

"Michael!" Tawag sakin ni Saru at nagtawanan sila ng barkada niya. Alam kong ako yon dahil yon naman ang madalas na tawag nila sakin.

Si Saru Hayashi ang pinakasikat na estudyante dito sa school. Madaming kaibigan, habulin ng babae, tinuturing na boss ng lahat ng estudyante at higit sa lahat..mayaman. Maski mga lecturers dito ay di makapalag sa kapangyarihan niya. Ang pamilya niya kasi ang nagmamay-ari ng 30% ng shares dito. Sila ang may pinakamalaking share sa William Jones International School.

"Halika dito, Michael! Bwahahahaha!" Sigaw niya ulit kaya wala akong choice kundi ang lumapit sa kanya. Pero di pa man ako nakakalapit ng husto ay ngumisi siya saka biglang sumeryoso.

"Oh! Kumuha ka ng 5k diyan, bumili ka ng meryenda at inumin!" Utos niya sakin saka ibinalibag ang wallet niya at tumama yon sa muka ko!

*PLOK!*

Na-out of balance pa ako kaya nagtawanan sila.

'Ganon na ba talaga kadami ang laman ng kanyang wallet para maging ganon kabigat? Tsk'

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now