Chapter 9

32 4 0
                                    

Nanatiling nakatayo si Michael at nagulat ito nang may sumapak sa kanya.

"Hoy, yung cr hinihintay ka na!" Si Freda na inis na nakatingin kay Michael.

Mabilis na nilinis ni Michael yung cr na inuutos sa kanya. Pagkatapos ay mabilis na siyang umalis at pumunta ng mall. Gusto niyang palitan ang nasirang bracelet ni Liryz.

Habang naglalakad si Michael, naisip niya ung sinabi ni Liryz sa kanya kaya wala sa sarili itong napangiti.

'Paano niya nalaman na may paborito akong lugar sa library?'

Lalo siyang napangiti sa naisip niya na ito. Pagkalabas ng university ay agad na sumakay ng taxi si Michael at nagpahatid sa Le Grant Mall. Ang Le Grant Mall ay ang pinakamalaking mall sa buong city at ang pangatlong pinakamalaking mall sa bansa. Tambayan ng mga mayayamang tao sa siyudad.

Dumiretso kaagad sa tindahan ng mga bracelet. Pagpasok pa lang ay may sumalubong na sa kanya ang dalawang salelady ng tindahan. Kaagad na dinala ng mas matandang saleslady si Michael sa mga medyo mumurahing section ng jewelry.

"Sa pananamit pa lang, dapat alam mo na kung ano ang kailangan ng customer. Sa tagal ko na dito ay masasabi ko na agad kung ano ang kayang bilhin ng pumapasok na customer" Payabang na sabi ng mas matandang saleslady sa isa pang saleslady

Pero hindi pumunta si Michael don at agad na nagtanong ng original jade bracelet. Painsultong ngumiti ang matandang saleslady at sinabing...

"Sir, hindi mo kayang bilhin ang pinakamurang original jade bracelet namin. Ang pinakasimple naming jade bracelet ay P150,000" sabi ng matandang saleslady sabay turo sa mga jade bracelet sa isang corner ng tindahan.

Kaagad lumapit si Michael dito at hinanap ang pinakakamukha sa bracelet ni Liryz na nasira. Natawa ang matandang saleslady at sinabi ulit na...

"Sir, ung tinuturo niyo po ay P2.1 Million ang halaga"

Inis na sinagot ni Michael ang saleslady "Gusto kong makita kung kahawig nga ito ng gusto kong bilhi---" Hindi pa natatapos si Michael ng sasabihin ng may pumasok na mag asawang bihis na bihis.

Kaagad na lumapit dito ang matandang saleslady

"Ikaw na nga and bahala diyan dahil pumasok na ang magbibigay sa akin malaking commission ngaung araw" bilin pa ng matanda sa isang batang saleslady saka tumawa at umalis.

Inilabas ng batang saleslady ang jade bracelet na gustong makita ni Michael, habang tinitingnan niya ito ay inagaw ito ng babaeng asawa na kakapsok pa lamang.

"Honey, ito ang gusto ko. Ito na lang ang bilhin mo para sa akin, please" sabi ng babae sa asawa nito.

"Maam, bibilhin ko na po yan at ako po ang unang nakakuha jan" sabi naman ni Michael dun sa babae.

"Wag ka ngang nananaginip" inis na sabi ng matandang saleslady kay Michael "Mas bagay kay maam yan, kas sayo na mukhang langaw" Sabay tawa nito at muling bumaling sa mag-asawa.

"Sir bilhin niyo na po ito, bagay po ito kay maam" pangungumbinsi pa nito sa asawng lalaki ng babae.

"Okay" sagot naman ng lalaki "How much ks this one, Miss?"

"Sir, P2.1million lang po yan. Alam kung maliit lang po ito sa inyo" sabe ng matandang saleslady.

"Ha!?" Malakas na sigaw ng lalaki, gulat na gulat. "Honey, pumili ka na lang iba"

"Pero ito na ung gusto kooooo..." pamimilit ng asawang babae.

Kinuha ito ng asawang lalaki mula sa kamay ng babae at iniabot pabalik sa batang saleslady.

Pagkaabot nito ay nagsalita si Michael.

"Kukunin ko na yan miss" Inabot ni Michael ang credit card niya sa dalaga habang ang matandang saleslady naman ay nagpaparinig.

"Ang lakas din ng hangin niyong dalawa eh. Cge sabay kaung managinip. Wala ngang pambili ng maayos na damit tapos bibili ng mamahaling bracelet? Hayy mga kabataan nga naman ngayon" Parinig din ng asawang babae kay Michael.

Hindi na ito pinansin ni Michael at sinundan na lang ang batang saleslady sa counter.


*TING!*

Natahimik ang lahat, tunog ng nagpapakita na nabili nga ni Michael ang bracelet. Masayang inabot ng batang saleslady kay Michael ang bracelet na nasa loob na ngayon ng paper bag.

"Thank you sir! I made a P200,000 commission today. This is my first at sobrang laki pa po kaya po maraming salamat" Tuwang-tuwa ang batang saleslady. Isang ngiti ang sinukli ni Michael sa kanya at lumabas ng store.

At gaya ng inaasahan ay naiwan na nakatulala ang mag asawa at ang matandang saleslady. Hindi makapaniwala sa kanilang nakita.

~To be Continued...~

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now