Chapter 7

25 7 0
                                    

William Jones University, masayang naglalakad si Michael sa hallway papunta sa classroom ng biglang may tumadyak sa kanya. Natumba si Michael at inis na tumayo pero agad ding nagulat nang makita kung sino ang gumawa non.

Tumambad sa harap niya sila Saru, kasama ang barkada niya at talaga namang matatakot ka sa mga itsura nito dahil nanlilisik ang kanilang mga mata at mukang galit na galit.

Pero imbes na matakot ay natawa pa si Michael sa kanila.

"Anong tinatawa tawa mo diyan?!" Sigaw ni Saru dahilan para maitiklop ni Michael ang kanyang bibig.

"Dahil napahiya ako kahapon?! Dahil napahiya ako sa harap ni Ikina?!" Dagdag pa ng galit na galit na binata pero nanatili lang seryoso si Michael.

"Kahit mapahiya ako sa harap ni Ikina ng maraming beses, hinding hindi mo ako mapapantayan!" Paangil pang sabi ni Saru kay Michael.

"Ha? Anong sinasabi mo, Saru?" Naguguluhang tanong ni Michael kay Saru. "Bakit kita pagtatawanan eh, hindi ko naman ala mung nangyari kahapon sa iyo. Saka bakit napasok si Ikina sa usapan?" Inis na sagot ni Michael kay Saru.

"Hahahaha! Magkukunwari ka pa, eh kitang kitang kita na may gusto ka kay Ikina" bahagyang napalunok si Michael "Akala mo ba hindi ko nakikita na panay ang tingin mo sa kanya nung nasa Metropolis Grand Hotel tayo? Wag ka ng managinip, hahahaha!" Malakas pang tawa ni Saru na ginatungan naman ng mga kaibigan niya.

"Yung mga kagaya mong basura, bawal dumikit sa kagaya ni Ikina. Magiging dumi ka lang na nakadikit sa kanya!" Inis na sigaw pa ni Saru at akmang bubuhusan ng hawak na softdrinks si Michael nang biglang may sumigaw.

"Saru! Saru!!!!!" Nagmamadaling sigaw ng isang estudyante na sumulpot mula sa kung saan kaya't napatingin ang lahat sa kanya.

"Si Ikina may online battle sa Flitch! Kalaban niya si J5, at mukhang matatalo na siya!"

Ang Flitch ay isang social media online streaming app sa bansa at si J5 ay isa sa pinakasikat na personality dito na may 40million followers!

Biglang nabinitawan ni Saru si Michael at dali daling kinuha ang phone at nag-online sa Flitch. Nandoon sa video si Ikina at halatang problemado ito.

'Pagkakataon ko na ito para magpabango kay Ikina' sabi ni Saru sa sarili.

Si J5 ay kasalukuyang lamang ng P1.5 Million sa donations kay Ikina. Dinig na dinig ni Michael ang boses ni Ikina sa cellphone ng isang kaibigan ni Saru.

"Please guys, hit that donation button! Please! Please! Please!" Boses ni Ikina mula sa Cellphone.

Tumayo si Michael at pumunta ng cr at gumawa ng account sa Flitch.

"Tae, pano ba 'to?" Inis na sabi ni Michael. Matapos ang ilang saglit na paggawa ng account ay sa wakas... nakagawa na din siya.

Pagkagawa ng account ay dali-dali itong nag-online sa Flitch at bumalik malapit sa kinaroronan nina Saru. Ni hindi na siya napansin ng mga ito dahil masyado silang focused kay Ikina.

Nagkakagulo sa Flitch ang supporter ng dalawang social influencer. Mukhang hindi na makakabawi si Ikina, mukhang sobrang confident na si J5 na Manalo!

":Go J5! Ilampaso mo yan!" comment ng isa.

Mapapansin na namumula na si Ikina, pero nabuhayan ito ng makitang nagcomment si Black Knight.

":Hi Ikina, how can I help you?" Comment ni Black Night.

*TING!*

Tunog ng donation button, nagsend ito ng Silver heart sticker, ito ay nagkakahalaga ng P100,000.

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now