Chapter 8

17 4 0
                                    

Kinaumagahan, usap-usapan sa William Jones University ang nangyari sa Flitch. Usap-usapan kung paano tinalo ni Ikina ang isa sa pinakasikat na Social Media Influencer na si J5.

Usap-usapan din kung sino ang nagpapanalo kay Ikina. Lahat ay nagtatanong at na-eexcite kung sino nga kaya si Young Master.

Bakas sa mukha ni Saru ang galit at pagkainis. Si Micahel naman ay masayang naglalakad papunta sa kanyang unang klase. Pagkapasok ay agad na nagtinginan sa kanya ang mga kaklse.

"Ano ba yan, may pumasok na namang insekto!" Pakutayang sabi ng isa.

"Hindi naman tayo amoy basura dito pero bakit di tau nawawalan ng langaw! Ugh, kairita"

At napuno na naman ng tawa at halakhak ang buong klase. Agad na naupo si Michael sa kanyang silya, hindi man lang naapektuhan sa sinabi ng mga kaklase niya.

Hindi pa nagtatagal sa pagkakaupo si Michael ay pumasok na sa silid si Freda White, ang President ng Student org ng university.

"Michael!" malakas na sigaw nito kaya't napatingin ang karamihan sa kanya

"Linisin mo ang cr sa vip room number 5 ngaun din!" Dagdag pa niya.

"Ako ba?" Takang tanong pa ni Michael habang nakaturo sa kanyang sarili.

"Ay hinde, siya!" Pilosopong ani ng isang lalaki at tinuro ang mesa saka tumawa. " Sino pa ba eh ikaw lang naman ang langaw dito!" Tawanan ang lahat sa kanyang sinabi.

Tumayo si Michael at inis na pumunta sa vip room number 5. Sa inis ay malakas niyang tinulak ang pinto ng vip room.

"Aayyyyyy!" Isang malakas na sigawan ang narinig ni Michael kasunod ng tunog ng pagkabasag ng isang bagay.

Mabilis na pumasok si Michael sa loob at nakita niya ang isang grupo ng mga kababaihan na pulot-pulot ang isang bracelet na nasira.

Galit na lumapit ang isang babae at mabilis na hinawakan si Michael sa kuwelyo.

"Ikaw!" Sigaw ng isang babae sa mismong muka niya "Hindi ka kasi nag-iingat kaya nabitawan ni Liryz ang jade bracelet niya!" Sigaw pa din ng babae kaya't napatingin si Michael sa babaeng may hawak ng basag na bracelet.

"Tingnan mo nabasag!" Patuloy pa din sa pagsigaw ang babae "Hindi mo ba alam na nagkakahalaga ng 150,000 pesos yan!?"

Hinila ng kakadating na si Freda si Michael at susuntukin sana pero pinigil ito ng isang malaks na sigaw ng babae.

"Wag! Hayaan niyo na siya" Wika ni Liryz habang papalapit kna Michael at Freda.

"Nagulat lang ako kaya nabitawan ko ung bracelet. Hindi naman talaga ako tinamaan ng pinto" Nakangiting dagdag pa neto.

"Kasalanan niya pa din" wika ni Jackie, kaibigan ni Liryz na siya ngang may hawak sa kohelyo ni Michael. Si Michael naman ay nakatulala lang na nakatingin kay Liryz.

Namumula ito at hindi malaman kung takot ba ang nararamdaman o tinamaan siya sa kaharap na dalaga. Nakangiting lumapit pa si Liryz dahil nakita niyo kung paano namula si Michael.

"Mr. Hot temper, kung gusto mong hindi ka na bugbugin ng mga kaibigan ko at nina Ms. Freda White... magkita tayo mamayang 3pm sa library, dun sa puwesto mo palagi" kumindat pa sa kanya si Liryz kaya nagkandapikit-pikit na ang namumulang si Michael.

Lumabas na ng VIP room si Liryz at sinundan naman siya nang mga kaibigan niya at naiwan si Michael na kabadong-kabado pero alam niyang masaya siya.

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now