Prologue

114 10 0
                                    

Year 2028, six years after Michael Park graduated ftom William Jones University.

Everybody was busy preparing for the biggest and the grandest celebration of the university, The Grand Alumni Homecoming. During this time, all the alumni achievers of this university is being honored.

Lahat ng graduates, from every parts of the world ay umuuwi hindi lang para ipakita ung mga achievements nila, kundi para makakuha din ng connections for their business or personal interest. Lalo na ngayong taon na ito, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may makakakuha ng William Jones Lion Head Award.

Ang Lion Head award ay ibinibigay lamang sa alumni ng William Jones University na nakapagtamo ng 10billion US$ na yaman. Sa 40 years na ng University na ito, ang pinakamataas na nakuha pa lamang ng isang alumni ay ang Tiger Head Award, 900million US$.

Kahit sa loob at labas ng university ito ang usap usapan ng mga estudyante at maging ng mga alumni. Napapabalitang ang awardee ay isang binata na nasa late twenties pa lamang. Sa isang sulok ng convenient store ay may mga magagandang dalaga na dinig na dinig na pinag-uusapan ito.

"Sana wala pa siyang girlfriend, para pwede pa kami, hihihihihi!" Wika ng isang magandang dalaga.

"At sa akala mo naman ay hahayaang kitang makuha siya ng ganun ganun na lamang."

"Tss, akin yon noh!" sabat naman ng isa, at sabay sabay silang nagtawawanan na para bang nakikilig ng sobra sa binatang makakatanggap ng Lion Head award.

Nahinto ang kanilang pagtatawanan ng may pumasok sa store na isang binatang simple lamang ang pananamit. Napunta ang atensiyon ng lahat sa binatang ito.

Pabulong na sinabi ng isa "Pogi sana kaso tingnan mo ang ayos mukhang hirap lang ang kayang ibigay sa akin"

"Hay naku, bakit ba kasi pinapayagan na makapasok dito ang mga pobre. Baka dito pa sila magkalat sa loob ng store. Nakakapanira ng araw"

Matipid na ngiti ang ibinigay ng binata sa grupo ng mga kadalagahan na alam naman niya na siya ang pinaparinggan.

"Hay nako! Lumabas na nga tayo guuuurls!"

Nagmamadaling lumabas ang mga dalagang alam mo na nandidiri sa binata. Paglabas nila ng store ay biglang nagtilian ang mga ito.

Sino ba naman ang hindi mapapatili, dahil malapit sa store ay may nakaparadang Lamborghini Sian. Nagkakahalaga ito ng mahigit 150million pesos. Naiinis ang mga kadalagahan, dahil kakakita pa lang nila sa magarang sasakyan ay lumabas na ang binata na pinandidirihan nila. May dala itong mineral water at isang tinapay.

"Tubig at tinapay lang naman pala ang bibilhin dito pa talaga ang napili." Painsultong sabi ng isa. Pailing na ngumiti ang binata at naglakad patungo sa magarang sasakyan na nakaparada.

"Kuya baka magasgasan mo yan kahit ung pogi mong mukha ay di kayang bayaran yan"

Lumingon ang binata sa mga dalaga at ngumiti, sabay kuha ng susi. Bumukas ang pinto ng Lamborghini Sian, sumakay ang binata at bumusina pa saka biglang umalis.


*BEEP! BEEEEEEEEEP!*


Naiwan ang mga dalagang nakatulala at hindi makapaniwala sa kanilang nakita!

Young Master (On-going)Where stories live. Discover now