Forty

123 3 0
                                    

Chapter 40



"Birthday nga pala ni Chase sa Friday, sasama ka ba?"


Nilingon ko si Presia na komportableng nakadapa sa kama ko habang naglalaro sa phone niya. Dito siya nakatambay sa bahay ngayong Linggo at ang original naming plano ay dapat lalabas at gagala kami pero tinamad na kami dahil hindi naman namin alam kung saan kami pupunta. Hindi niya rin kasama si Prince ngayon. Hindi ko alam kung umuwi rin ba siya ng Cavite ngayong Linggo pero ayoko namang tanungin si Presia.


"Nag-message siya sa'kin kahapon pero sabi ko titingnan ko kung hindi ako busy. Marami yatang politiko na sasama, e," sagot ko sa kanya habang nagsusuklay sa harap ng vanity table ko.


"Ah, talo na naman!" she frustratedly threw her phone down. "Anyway, obvious naman nang maraming elite class ang pupunta roon sa mismong party. Chase was kind to us so he set a different party only for us."


"Talaga?" nanlaki ang mga mata ko. "Hindi niya 'yan nabanggit sa'kin!"


"Tinawagan ko kasi siya noong nakaraan. Nae-excite nga ako, e! Finally, makaka-party na ako ulit," tumihaya siya at tumitig sa kisame. "Damang-dama ko na adult na talaga ako. 'Yung buhay ko sa condo at sa ospital na lang umiikot. Well, pinili ko naman 'to kaya hindi na 'ko magrereklamo."


"Masaya ka rin naman sa ginagawa mo, 'di ba?" sinara ko ang drawer ng vanity ko at inatras ang inuupuan kong rotating round chair para harapin siya. "By the way, nabanggit ko na ba sa'yo na magtatrabaho na ulit ako starting next week?"


Napaigtad ako nang bigla siyang bumangon. "Saan?!"


"UMC," tinaas-taas ko ang kilay ko habang nakangisi. "Gosh, I never imagined na magta-trabaho ako sa ospital kung saan ako nag-aaral ng Senior High."


"Omg! Imagine the nostalgia!" she pressed her two hands together with allured eyes. "Parang gusto ko tuloy na sa UMC mag-attending physician after ng residency kaso may condo na ako sa Manila. Doon na nakaplano ang buhay ko."


"Okay lang 'yan. Malay mo nandoon din sa Manila ang mapapangasawa mo," kinindatan ko siya.


Sumimangot siya agad at umirap. "Hindi na nga ako umaasang magkakaasawa ako."


"Grabe naman 'to! Wala ka pa namang trenta," tukso ko sa kanya. "Mawalan ka ng pag-asang magkaasawa kapag singkwenta ka na at wala ka pa ring boyfriend."


She pouted and sighed swiftly. "Ewan ko ba. Feeling ko nga gusto ko na ng anak, e."


"May kilala akong pwede kang bigyan ng anak. Interesado ka ba?"


"Pass. Ayoko pala," she rolled her eyes and picked up her phone, making me laugh hysterically. She knows who exactly I'm talking about!


That Wednesday, Mommy was in the mood to cook so she asked me to bring Kuya some pastries in his condo. Tinulungan ko rin siyang mag-bake ng pastries dahil bored ako at wala naman akong ibang maisip na gawin. She also let me use her car for a while since I haven't got one for myself yet. Nasa plano ko na rin naman 'yon pero siguro ay hindi pa muna ngayon. Marami kasi akong gastos noong nakaraan na wala akong trabaho. At saka na lang siguro ako bibili ng sasakyan kapag mga ilang buwan na akong nagta-trabaho rito sa Cavite.

Falling in the Dusk (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon