Eight

141 2 1
                                    

Chapter 8



"Paki-ayos nga, boys sa likod! Isa pa, from the top!"


Inis akong nagkamot ng ulo nang bumalik na naman kami sa unang blockings namin dahil uulit na naman. Kanina pa kami rito at nagugutom na ako dahil hindi pa kami nagla-lunch break.


"Paulit ulit naman. Dati ba tayong boomerang?" rinig kong bulong ni Prince kay CJ na nasa tabi niya.


"Guys, sa January na 'to. Hindi naman tayo makakapag-practice ng Christmas break kaya please lang, ayusin niyo na," pangaral sa amin ng isang kaklase naming nagtuturo ng sayaw. "Gusto niyo bang ma-disappoint na naman sa atin si Sir?"


Napairap ako habang nag-react naman 'yung mga iba naming kaklase. Umayos na rin agad sila sa blockings nila nang i-play na ulit ang kanta. Ito na naman at panibagong pasada na naman ng kahihiyan. Nasa unahan at gitna pa naman kami ni Prince kaya kita agad kami ng judges sa mismong culminating.


Napatingin ako kay Prince nang ilahad niya bigla sa akin ang kamay niya. Nagtaka ako ng ilang segundo pero sobrang lutang ko na yata dahil hindi ko naalala na kailangan palang magkahawak kami ng kamay. Inis kong kinuha 'yung kamay niya pero deep inside, medyo nakakailang talaga.


Buti na lang, isang pasada lang at nag-lunch break na rin kami. Bumalik kaming lahat sa main building para makapag-lunch. Wala akong ibang marinig kay Presia kundi reklamo habang tumatawid kami pabalik sa campus.


"Nakakairita! Okay naman na 'yung sayaw, e. May isang linggo pa naman tayo sa January para makapagpractice bago mag-culminating tapos may Saturday practices pa tayo," inis niyang sabi habang pinupunasan ang pawis niya gamit ang isang face towel. Napaismid na lang ako dahil no choice naman kami kundi magpractice talaga.


"Hi," binati ako ni Prince sa malanding tono nang makasalubong namin siya sa hallway habang naglalakad kami papunta ng canteen.


Irita ko siyang tiningnan at saka ko siya tinulak pero natawa lang siya. Ang isang 'yon, napaka-weirdo. Bigla-bigla na lang siyang nagiging mabait tapos maya-maya, makulit. Nakakatakot na rin talaga siya minsan.


"Ang sungit mo naman!" hinabol niya pa ako kaya napaiwas na lang si Presia na kasama ko at malisyosa kaming tiningnan. "Pagod ka na bang magpractice? Gusto mo bang tumakas ako para hindi ka na makapagpractice? Sigurado namang hindi ka sasayaw mag-isa, 'di ba?"


"Pwede ba, tumigil ka," dinuro ko siya. "Sasayaw pa rin ako kahit wala ka. Ang kaibahan lang, mukha akong tanga."


"E 'di sabihin mo sa kanila na ayaw mo sumayaw mag-isa dahil malilito ka sa steps. Sus, basic," dagdag niya pa habang pinapaikot 'yung face towel sa daliri niya. Basang-basa 'yung buhok niya ng pawis at nakabukas na rin 'yung polo niya kaya kita 'yung sando niya sa loob.


"Ah, so dapat kitang pasalamatan 'pag tumakas ka sa practice?" sarkastiko kong sabi sa kanya sabay irap.


"Malamang. Tingnan mo, mamaya. Hindi ka na sasayaw. Promise," tinaas niya pa ang isa niyang kamay bilang simbolo ng promise niya. Inis ko lang siyang tiningnan at hindi na lang pinansin dahil nasa canteen na rin naman kami.

Falling in the Dusk (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon