Two

278 9 6
                                    

Chapter 2



"Raiden Prince Esquivel. 15."


Palihim kong nakagat ang labi ko habang pinapanood siyang mag-introduce sa harapan. I almost startled when he suddenly looked at me with no emotions in his eyes. Nanlamig ako bigla kaya napaiwas ako ng tingin.


"What is your dream profession?" the teacher asked him, making me look up to them again.


Bumaling muli siya sa harapan. Nagtama ulit ang mga mata namin pero nag-iwas siya agad. Hindi ko alam kung bakit parang bini-big deal ko deep inside na nauna siyang nag-iwas ng tingin. Of course he's maintaining eye contact to our classmates because he's introducing!


"Something related to medicine," he shrugged and let out a small smile. Mas lalong nawala ang mga mata niya nang tumawa siya dahil sa kantyaw nila Zedron. Nahawa tuloy ako kaya napangiti din ako ng bahagya.


"Oh! Future doctor?" our teacher delightfully commented. Mukhang natuwa siya sa naging sagot ni Prince. "Same with... Presia, right?"


Tumingin ang teacher namin kay Presia at nakangiti namang tumango ang kaibigan ko. Ang tanong kasi sa kanya kanina ay sa kung saan niya nakikita ang sarili niya sa susunod na sampung taon. She answered something related to med school.


"Follow up. Why do you think you chose that?" tanong muli ng teacher kay Prince. I saw him bite his lip a bit. Sa kanya lang nakadalawa ng tanong, ah! Favorite student?


"Uh, to serve the humanity po," sagot niya. 


Tumaas ang kilay ko. Galing, ah. Ang bait naman pala. Baka naman ka-plastikan lang 'yang sagot na 'yan? Well, mukha naman talaga siyang mabait kahit sa unang tingin. Pero looks can be deceiving. Hindi naman sa judgemental ako, 'no! Maganda naman ang first impression ko sa kanya.


Si Zedron ang susunod na nag-introduce pagkabalik ni Prince sa upuan niya. Hindi niya na ako tiningnan nang maglakad siya pabalik sa pwesto niya. Nahilot ko na lang ang sentido ko at napahinga ng malalim. Kailan niya ba kasi balak sabihin 'yung dapat na sasabihin niya kahapon nang matahimik na ang utak ko? Baka mamayang lunchbreak.


Dumaan ang tatlong subjects bago kami nakapag-lunchbreak. Niyaya agad ako ni Presia na magpunta sa locker area para ayusin ang mga magiging gamit namin doon. Daldal siya nang daldal sa akin habang naglalakad kami sa hagdan pero walang pumasok sa utak ko sa dami nang sinabi niya. Bothered pa rin ako kay Prince! Nakakainis naman, oh!


"Tapos alam mo ba, nakakainis talaga si Sir! Lahat na lang yata nang pagkakamali at issue ko nabi-bring up tuwing naghaharap kami. Hindi ba pwedeng nagbago na ako dahil bagong school year na? Ugh, so judgemental talaga ng mga tao—"


Napahinto siya bigla sa pagsasalita nang may mabunggo siya pagdating namin sa dulo ng hagdan. Napa-react ako pati 'yung mga kasama noong nabunggo niyang lalaki. Hindi siya nagtaas ng tingin at inis lang na nilagpasan 'yung nakabangga niya. Nagkatinginan kami noong lalaki at natawa siya nang bahagya bago lumingon sa pinuntahan ni Presia.

Falling in the Dusk (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon