Forty Seven

158 4 1
                                    

Chapter 47



"Cliché but I literally cried when he asked me to marry him! I wasn't expecting that!"


Hindi ako naka-sigaw nang maayos dahil bigla akong inalog-alog ni Presia sa balikat habang tumili naman si Twyla at Reese at naghampasan pa ng unan. Natawa ako sa reaksyon nila at niyakap ko na lang din si Presia bago siya nagsimulang maiyak sa balikat ko. Hinagod ko siya sa likod at nilapitan naman kami noong dalawa para yakapin din.


"So happy for you," Reese comforted her while also caressing her.


"Congrats sa engagement niyo at sa baby niyo! Grabe, parang dati lang, dine-deny mo lang na nafa-fall ka na sa kanya kasi pinagtutulakan mo siya kay Latisha," Twyla blurted out. "Naiiyak ako. Ngayon may baby na kayo?! Parang ang bilis!"


"Girl, I was your bridge," I jokingly told her that made her chuckle while wiping her tears. "Give credits to me."


"You're automatically the maid of honor, bitch. The credits are all yours," she replied sarcastically to me, making the four of us laugh.


"Ayan! Gusto ko 'yan," I announced delightfully.


"May idea na ba kayo sa magiging name ng baby niyo?" tanong ni Twyla at uminom mula sa beer na hawak niya.


"Ang advance naman, hindi pa nga alam kung girl or boy," mahina siyang tinulak ni Reese sa balikat.


"Ang hulaan niyo na lang is 'yung gender. Sa tingin niyo ba, girl or boy?" I proposed.


"Feeling ko girl 'yan!" pumitik agad si Twyla at tumingin kay Reese. "Ikaw ba, sa tingin mo, ano?"


She pursed her lips, thinking before answering confidently. "Girl!"


"How about you? What's your guess? Girl din ba?" Presia grinned at me.


Umiling ako at nagsalin ng beer sa baso ko. "Boy 'yan."


Tumawa siya at pumalakpak pa. "Ang unique ng answer! Feeling ko kasi... ewan. Girl din siguro? Pero a part of me says that it can be a boy."


"Pero mas malakas 'yung feeling mo na girl, 'no? Girl 'yan!" pangsusuhol pa ni Twyla sa kanya.


"Isipan niyo na ng name!" tuwang-tuwa kong anyaya. "Uso pa rin naman ngayon 'yung galing sa name ng parents 'yung magiging name ng baby, 'di ba? 'Wag lang 'yung combined, sobrang old school na noon."


"Maganda 'yung magka-rhyme or initials lang, 'no?" suggestion ni Reese. "'Yung first name galing kay Hyzen, tapos 'yung second name sa'yo, Pres."


"'Yung first name starting with Z, tapos 'yung second naman, M. Para tugma rin kasi 'yung first ni Hyzen is Z then 'yung second mo is M, 'di ba?" Twyla explained.

Falling in the Dusk (High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon