Chapter 22
"I am Reija Latisha Hidalgo from the first section of grade ten, running for president from Hiraya Partylist."
"Kairo Axel Jimenez from third section, for vice president."
"Hi! I am Elanna Garcia from the second section of grade ten, running for secretary of Hiraya!"
"Presianna Marshelle Arceza, first section, for public information officer."
I was very anxious for the first day of the campaign. Kahit pa nakailang pasada na kami sa mga sasabihin at introductions namin, gano'n na rin ang pagpopropose namin ng projects, kinakabahan pa rin ako nang pumasok na kami sa unang classroom kung saan kami magcacampaign. Buti na lang, noong una lang ako kinabahan dahil sa mga sumunod na classroom na pinuntahan namin, mas nageenjoy na ako imbes na kabahan.
"Hindi pa ba kayo maglulunch?" tanong ni Kairo sa akin pagbalik namin sa conference room. Kakagaling lang namin sa isang grade 4 classroom. Kaninang umaga pa kami nag-start mag-campaign pero hindi pa rin kami nangangalahati. Hanggang senior high pa ang pupuntahan namin!
"Huy, gutom na gutom na ako! Kain muna tayo," kinalabit ako ni Presia habang inaayos ang palda niya. "Tara, Kairo! Sabay na tayo."
Tumango si Kairo at ipinatong ang polo niya sa t-shirt na suot niya pero hindi niya sinara ang mga butones. Naka-puting t-shirt lang kasi kami ngayon pero ang pambaba namin ay 'yung school uniform. Hindi naman na kami nag-abala na magpa-print pa ng sarili naming campaign t-shirt dahil dagdag gastusin pa. Nag-decide na lang kami na plain white na lang para pare-parehas kami ng itsura.
"Hindi pa ba natin lunch?" tanong sa akin ni Presia at bahagyang sumilip sa bintana nang madaanan namin ang classroom namin. Maayos at tahimik sa loob dahil may klase pa kami ng ganitong oras.
"Hindi pa. Twelve-thirty ang lunch natin ngayon, quarter to twelve pa lang," sagot ko sa kanya.
"Anong oras tayo babalik sa campaign?" tanong naman ni Kairo na nasa gilid ko. "Maganda siguro kung mga mamayang 1PM na para tapos na ang lunchtime ng iba. Mahirap mag-campaign ng lunchtime."
Pinagtitinginan agad kami sa canteen ng dumating kami roon. Actually, hindi yata kami dahil mukhang si Kairo lang. Wala naman siyang pakialam kahit pinagbubulungan siya ng mga nakakasalubong niya dahil sa mga pagkain siya nakatingin.
"Take out na lang tayo, Kai. Sa conference na lang tayo kumain para malamig," suggestion ko sa kanya at bahagya siyang siniko.
Karamihan naman sa amin ay sa conference room na lang kumain dahil may aircon doon. Solo pa namin dahil kami-kami lang ng mga class representatives ang nandoon. 'Yung mga ibang representatives, hindi rin naman sa conference room kumain dahil bumalik sila sa mga classroom nila. Wala naman kaming babalikan nila Presia sa room namin dahil may klase kami. Makakaistorbo pa kami roon.
"Breaktime yata ng third section, Kairo, ah? Ayaw mo roon sa room niyo?" umupo si Elanna malapit sa amin habang magkakatabi kami sa long table at kumakain. Katabi ko si Kairo habang si Presia naman, nasa ibabaw ng table.
BINABASA MO ANG
Falling in the Dusk (High School Series #2)
RomanceLatisha's name might be always on the bulletins and hitting the top lists, but all is because she knows she should prove herself in class to never disappoint her family's high expectations of her. When their second year in junior high school came, s...